Chapter 22. French Gomex

5.8K 177 8
                                    

"Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan. . "

-French Gomex

French POV.

Nasaan ko kaya makikita yun? Naagaw ng pansin ko yung nagkakagulo sa isang building. Napailing ako dahil may nagpakamatay nanaman. Kahit hindi ko silipin alam ko na ang nangyari. Nakita ko rin sya sa wakas. . lalapitan ko na sana sya pero nakatingin sya doon sa isang lalaki na nakasalamin. Nagkatitigan muna sila pero agad ding umiwas si chan. Napatingin ako doon sa lalaki sabay tingin din kay chan sino kaya ang susundan ko? May nakita kasi ako sa lalaking yun pero sobrang layo nya kaya mas mababasa ko sya pagmalapitan. Tumakbo ako papunta doon sa lalaki pero nakisiksik sya sa mga studyante kaya nawala sya sa paningin ko. Nagkibit balikat nalang ako, si chan nalang ang pupuntahan ko. Nabasa ko kasi sa kanya kanina na babalik nanaman sya sa labyrinth. . ang tigas talaga ng lahi ng isang yun.

-

Pasimple akong palakad lakad sa labyrinth na parang hindi ko pansin yung baho pero sa totoo lang nandidiri ako. Yung nakaraan na nagsimula nanaman ang isang laro sa lugar na ito. Hindi ko alam pero matagal ng pinatigil ang larong

'Death Game'

Wala naman kaming choice nun dahil biglaan kaming pinatawag at simulan ang laro. May mga nagkalat ng bungo sa paligid. . Ang patakaraan kasi ng death game ay kung saan ka namatay doon ka rin ililibing. Walang awa ang larong yun kaya kahit kaibigan mo pa ang namatay hinding hindi mo na sila pwedeng bigyan ng katarungan or maayos na libing. Kaya nga galit na galit si steve nung time na natalo si brizon. Dahil hinding hindi na namin sya pwedeng bigyan ng maayos na libing.

Nandito na ako kung saan napatay si brizon. . .

This place was hell. .

Kung ordinaryong tao ka lang siguradong hinding hindi mo matatagalan ang itsura nitong labyrinth. . Lalo na't kung maliligaw kapa sa haunted labyrinth nato. May mga vandal na gamit ang dugo na may nakasulat na . .

Help me. .

At may mga katawan pang putol putol. Napapikit ako ng mariin at dumilat ulit.

Nandito na ako sa kabilang dimension kung saan ang nakaraan. . Noong time na sinimulan ang unang laro. Sobrang ganda pa ng labyrinth na to noon. May mga rosas na kulay asul ang nakapulupot sa bawat pader, lumapit ako at inamoy amoy yun. Para kang nasa fantasy land sa sobrang ganda. Pati ang school ay sobrang saya. . Dati mga babae at lalaki ang studyante dito pero. . . .

. . . Pero dumating yung time na. . Dito pinatay ang kaisa isang babae na kapatid ni Steve. Simula noon naging cold na si steve at lumayo layo sa mga tao. Matagal syang nawala kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.

Si steve ang nagsimula ng unang laro dito sa labyrinth.

Kaya nga takot kami sa kanya. . Dahil baka kung ano nanaman ang gagawin nya. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun pero may new transferee din katulad ni eugine noon na nakasurvive.

At nagngangalang Ericho

Nagising nalang ako ng nandito ulit ako sa labyrinth. Nakatulog pala ako saglit, nahihimatay ako pag iniisip ko ulit ang mga nangyari at parang nagiging totoo ang lahat. Tumayo na ako at nagpagpag ng pantalon, lumakad na ako kung saan mismo namatay si brizon. .

Agad akong napatago ng makita kong may lalaking kaharap si Chan at hindi ko din makita kung sino yun dahil nakatakip sya ng mukha.

"Piks ro rouy"

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon