Chapter 2. Arrow and Letter

12.5K 323 12
                                    

Napatitig silang lahat s-saken. .

Y-yung mga lalaki k-kanina..

"Oh dito pala ang dorm mo?" tanong nung isa sa kanila, nakaupo kase sila yung parang may pinagmimitingan?

Napatango ako ng di oras. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko sa takot..

"Grabe ito palang pakiramdam ng puro lalaki lang kasama mo" bulong ko sabay hawak sa puso ko, ang gagwapo kasi nila.

"May sinasabi ka?"

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko kaya napailing ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa harap ko.

"Tch! sige lalabas na kame" sabi nila at nagsitayuan na sila at lumabas, isa isa silang tumingin saken na parang sinusuri, jezz sana di nila ako mabuko kundi lagot na. Isa nalang ang naiwan na nakatitig pala saken. Tumayo sya at lumapit sa akin kaya napaatras ako. Sobrang lapit na nya kaya napayuko ako, Lord sana di ako nahalata.

"So ikaw pala ang bagong tranferee?"

Tumango lang ako, walang lumalabas na boses sa bibig ko. . para akong napipi sa presensya nila..

"Wag na wag kang gagawa ng ikagagalit or ikakainis ko kundiㅡ" napaangat ako ng ulo kasi ang tangkad nya.

"Click"

Sabi nya sabay segway ng laslas leeg alam nyo yun?

Napalunok ako at tumango ulit. Nakita ko syang nag smirk tsaka lumabas nadin.

Phew*

Napaupo ako sa sahig sa sobrang kaba. Nakakatakot naman pala dito, sana nga makalabas pa ako ng buhay dito. Para silang mga psycho na ewan. Inayos ko na yung mga gamit ko sa taas, ang sosyal nga e may taas yung kwarto dito. Habang nag aayos ako ng gamit nahulog yung picture namin ni kuya.

Jezz ba't naluluha nanaman ako? Nasan kana kasi kuya?

Pag napamilyar na ako sa lugar na ito tsaka kita hahanapin. Kailangan mahanap ko sya ng maaga, kinakabahan ako kasi si mama lang mag isa sa bahay. Ayoko na maulit yung nangyari noon, napasukan kami ng magnanakaw tapos si dad ko nabaril, kaya natruama na ako. Kagat kagat ko yung kuko ko habang nag iisip. Pucha kasi bawal yung gadgets dito. Humiga na ako dahil sa pagod, ilang oras kaya yung byahe kanina? Ang layo naman kasi ng school nato.

Napapikit ako,

sobrang tahimik.....

bumalik sa isipan ko yung mga mukha nung mga lalaking poker face pati yung isa na tinakot pa ako.

Hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga mata ko sa antok...

----××××-----

Napatayo ako bigla ng may bumuhos ng tubig saken.

"Kyaa ano ba!ㅡ" agad naman akong napatakip sa bibig.

Shutek! nakalimutan ko nakadisguise pala ako.

"Ayoko sa lahat yung maingay" cold nyang sabi na nakapoker face parin.

"Hindi naman ako maingay ah? Natutulog lang ako" depensa ko.

Umirap sya tapos tinapon lang sa gilid yung timba na wala ng laman tapos bumaba sya, at umakyat ulit dito tapos tinapat nya sa mukha ko yung iphone nya. Napatakip ulit ako ng bibig ng makita ko yung sarili ko na humihilik. Yumuko ako agad

"Sorry po" sabi ko nalang, pero napaangat ulit ako ng ulo

"Teka? Diba bawal yung gadgets dito? Bakit ikaw meron?"

*Glare*

Napalunok ako ng sobrang sama ng tingin nya saken.

'Wag na wag kang gagawa ng ikagagalit or ikakainis ko kundi'

Bigla akong kinabahan ng maalala ko yung sinabi nya kahapon.

"Sorry!"

Jezz bakit ba ako sorry ng sorry? Pag angat ko ng ulo wala na sya.

Papasok pa pala ako..

Nagmadali akong maligo at doon nalang siguro ako kakain sa cafeteria.

♢♢♢

Huminga muna ako ng malalim tsaka inayos yung necktie ko. Pinihit ko na yung doorknob at lumabas na. . Eto na ang magiging simula ng buhay ko dito bilang isang lalaki. , habang naglalakad ako sa pasilyo.. palinga linga ako sa paligid lahat sila mukhang mga mayayaman.

Nakakailang talaga, kailangan ko pang kumilos ng lalaki. Lahat sila seryoso at hindi man lang nagpapansinan..

Umorder lang ako ng milk at cookies, tapos umupo sa pinakasulok nitong cafeteria..mas mabuti kasing wala akong katabi..

"Alam mo ba may nagpakamatay daw sa 4-B.. Bakit kaya ganun? Malapit na silang magtapos doon naman maraming namamatay noh?"

Bigla naman akong nabilaukan. .

Nagpapakamatay?

Bigla kong naalala si kuya, ou sabi ni mama graduating na sya pero hindi man sya nagpaparamdam. Kinakabahan ako lalo, sana lang walang nangyare kay kuya.

♢♢♢

Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko dahil mga kaklase ko puro lalaki. Nasa tapat lang ako ng class 2-A. Bubuksan ko na sana pero may nauna ng nagbukas kaya pumasok nalang din ako.

"Ok class nandito na pala yung new student" pati ba naman guro lalaki. Humarap ako sa kanila at pilit na ngumiti.. Kahit dito hindi man lang sila marunong ngumiti..

"Hi I'm Eugine Park.. Nice to meet you all" naiilang kong pagpapakilala. sabagay pang lalake naman yung pangalan ko kaya di ko na pinalitan..

"Sige pwede ka ng umupo" tumango lang ako sa guro.

Bakit ganun yung pakiramdam? Sobrang tahimik nila na parang may multo sa harap. Naglakad nalang ako sa upuan ko sa likod malapit sa bintana. Grabe wala man lang bumati saken ni hi ni ho wala?

Jezz. (-_-)7

Natapos ang klase na normal lang naman pero wala talagang nagsasalita, nagkibit balikat lang ako at lumabas na ng room. Kailangan ngayon kabisaduhin ko na yung lugar nato. Habang naglalakad ako feeling ko may nakamasid saken kaya palinga linga ako. Kakaiba talaga yung feel sa school nato. Yung napapanuod ko kasi sa Tv yung mga all boy school e maingay. Pero dito kahit huni ng ibon rinig e. Napatalon ako sa gulat ng may panang tumusok doon sa may puno katapat ko. Jezz bute hindi ako natamaan. Napansin kong may kasamang sulat doon kaya binunot ko at binasa yung sulat

"Wag padalos dalos, lahat ng oras binibilang bawat segundo"

Napataas ako ng kilay. . Ano naman to?

Napatingin ako sa paligid, ganun paren walang pinagbago sobra parin tahimik. Tinago ko nalang sa bag yung sulat. Nakakakilabot yung school nato. Pinagmamasdan ko lahat ng studyante wala silang imik. Naglalakad lang sila pero hindi nag uusap. May kutob ako na may kakaibang nangyayare dito e. Hindi sya normal na school. Jezz mama kasi :3. Pati si kuya :3 kasalanan nila e kung bakit ako naguguluhan ngayon dito. Umupo ako sa may damuhan, at nagbasa nalang ng libro pampawala sa inip at kaba.

"Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa side at isa sya sa eleven poker face wahaha xD sarre di ko alam name nila e.

"As usual nagbabasa" pacool ko kunyare,

"Sasabihin ko lang sayo wag kang magtiwala kahit kanino ha? Baka pagsisihan mo sa huli" sabi nya sabay kindat.

Pucha! Ang cute nya

"Sa-salamat pwede ba kitang maging kaibigan?"

Pucha ano ba yung sinabi ko?

"Pwede pero palihim lang" bumalik ulit sa poker face yung mukha nya.

"Bakit kailangang palihim?"

To be continued....

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon