Chan Hanzel POV.
"Let me handle this" sabi ko at nilukot ko yung sulat.
"What?! Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan ka namin?" I looked terrence seriously.
"Yeah tama si terrence. . . I'm sorry chan pero mahirap ng mag tiwala sa panahon ngayon, ang tagal mong nawala tapos nagpakita ka lang ngayon kung kailan namatay si kaizer" - Sion
Napabuntong hininga ako at tinaas ang dalawa kong kamay.
"Look Guys. . Wala akong masamang intensyon, naging malapit na kayo sa akin kaya mahirap para sa akin ang mamatayan ng kaibigan" kalmado kong sabi.
"Tell me chan, , bakit mo tinago sa amin na isa kang detective? Ano bang pinaplano mo?" - Leslie
Ibinaba ko na ang kamay ko at taas noo silang tinignan.
"I'm sorry that I lied to you, may kailangan akong hanapin na tao kaya ako nandito" paliwanag ko sa kanila.
"Are you investigating us!?" - Terrence
"No, may pinapahanap sa akin na isang tao at hindi ko alam kung sino"
"Ang gulo at hirap ng trabaho ko pero sinabi lang sa akin na nandito ang taong yun sa skwelahan na to" pagpapatuloy ko.
"At alam ko kung sino ang traydor" pagkasabi ko nun bigla nalang nag iwas ng tingin si Sion.
Parang pakiramdam ko na may alam din sya. .
"That's enough, , ngayon napatunayan mo ng pwede ka naming pagkatiwalaan" sabi ni sion at nagmadaling lumabas.
"Alam mo sino ang traydor?? Sino? Sabihin mo sa amin para makatikim sya ng hinahanap nya" sabi ni terrence at pinalaguto ang daliri nya sa kamay.
"It's not the right time to know. . Unahin muna natin ang pagkamatay ni kaizer" sabi ko habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si sion. Alam kong nandoon parin sya at pinapakinggan ang sasabihin ko.
"Ako na ang bahala sa paghahanap sa bangkay nya at ang gawin nyo nalang ay mag ingat" paalala ko at lumabas nadin ng pinto.
Paglabas ko ng pinto nakita kong kakaalis lang din ni sion.
Ano kayang dahilan nya? Bakit pinoprotektahan nya ang isang traydor?
Sinubukan kong tawagan sya kaya nakita kong kinuha nya ang phone sa bulsa at sinagot.
[What?]
"Mag usap tayo"
[Ano naman pag uusapan natin?]
"About. . . Dave"
Nag smirk ako ng makita kong napahinto sya sa pag lakad.
[Ok. . Sa rooftop]
Pagkatapos ay pinatay na nya ang tawag.
Ano bang tinatago mo sion? Magkasabwat ba kayo ni dave?
ㅡ
"Alam kong alam mo na ang traydor ay si dave" sabi ko habang nakaharap sa kanya. Nililipad ng malakas na hangin ang mga buhok namin.
"Ano naman sayo kung alam ko? Pagdududahan mo din ako ganun?" Sabi nya habang cool lang na nakapamulsa.
"Kilala mo ako sion, hindi ako tatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang sagot"
"Tsk" irita nyang sabi at tumalikod sa akin.
Lumapit nalang din ako sa kanya at parehas kami ng malayo ang tingin.
"Tell me sion. . Wala akong masamang intensyon" sabi ko ng hindi sya tinitignan.
"May gusto lang akong malaman sa kanya, I badly need to know his reason. . Kilala ko si dave, hindi sya gagawa ng bagay na ikapapahamak nya"
"I know him too. . Mabait si dave pero hindi ko iniexpect na sya ang magtatraydor sa atin, nakita ko sya sa labyrinth noon habang nag iimbestiga ako sa pagkamatay ni brizon"
Kita kong napatingin sya sa akin.
"Bakit ka nawala? Anong nangyari sayo?" Tanong nya kaya napatingin na din ako sa kanya.
"Nothing, , may ginawa lang akong importanteng bagay" i lied
Ayoko ng magkagulo pa kami. .
Tinapik ko sya sa balikat.
"Alam kong malapit ka kay dave pero tandaan mo sion, darating ang araw na malalaman din nila kaya habang maaga pa sabihin mo na sa kanila"
Kita kong napayuko sya. .
"Nakausap ko si dave"
"What?"
"Nakausap ko sya pero huli na dahil kasama sya sa pag sabog doon sa bodega. . I don't know kung nakaligtas ba sya pero gusto kong ligtas sya para malaman ko kung ano ang dahilan nya"
Napabuntong hininga nalang ako. .
Alam kong malapit na kaibigan ni sion si dave kaya ang hirap para sa kanya ito.
"Sa bagay na ito ikaw na ang bahala. . " sabi ko at tinapik ulit sya sa balikat.
"I have to go. . " paalam nya at tumango lang ako.
Sinundan ko lang sya ng tingin habang papalabas ng pinto. Sumandal nalang ako sa railings at pinagmasdan ang kabuuan nitong school.
Kailan matatapos ang gulong ito. .
Kristian's POV.
Napasabunot ako ng buhok dahil pag uwi ko wala na akong eugine na nakita. Mukhang nakatakas sya.
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni eugine. .
Aisshh!! Ang gulo! Bakit kasi parehas pa sila ng pangalan.
Pagkabukas ko ng pinto nakahinga ako ng maluwang. Naabutan ko kasi syang mahimbing na natutulog. Lumapit ako at inayos ang kumot nya. Hinalikan ko din sya sa noo.
"Konting hintay nalang malapit na nating mabawi ang dapat sayo" bulong ko sa tenga nya. Nakita kong ngumiti sya pero ang himbing parin ng tulog nya.
Malapit na. . .
Someone's POV.
Hininto ko ang kotse ko sa tabi at bumaba, agad kong nilapitan yung nakahandusay sa daan at binuhat papasok ng kotse ko. Chineck ko din ang pulso nya, buhay pa sya.
Pinagmasdan ko ang mukha nya. . .
Tinignan ko ang balat sa tyan nya. .
Sya nga ang kapatid ko walang duda. . Kahit iba ang itsura nya ngayon.
Malakas parin ang lukso ng dugo. .
Magkamukhang kamukha kami. . .
"Hi sister. . . Long time"
To be continued. . . .
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?