Chapter 24. Kristian Han

5.8K 170 20
                                    

"Secrets is the greatest treasure you kept until you die" -Kristian Han

Kristian's POV.

"Hindi pa sya nagigising hanggang ngayon" sagot ko doon sa tumawag.

"Siguraduhin mo lang na hindi sya makakatakas kundi ikaw ang yari sa akin" may awtoridad na utos sa kabilang linya.

"Yes dad I know that" sabi ko pagkatapos ay pinatay na nya ang tawag. Tinapos ko muna yung iniinom kong kape at sinuot na yung puting uniform ko. Tinignan ko din ang oras sa wrist watch ko.

Its's already 10:39 pm. .

Lumabas na ako sa clinic at pumunta muna sa dorm ko para alamin ang kalagayan nya.

Bumaba na ako sa secret underground dito sa dorm ko at nakita ko na yung napakalaking library ko. May hinila akong libro at bumukas na ang isa pang secret room. Pumasok na ako at nagsuot ng mask.

Nakita ko na ang isang babae na nakahiga sa isang kwarto na puro puti ang paligid. Nakakulong sya sa isang transparent cylinder. Hanggang ngayon hindi parin sya nagigising, nasobrahan ata sa pampatulog. Binuksan ko yung cylinder glass at pumasok sa loob. Hinaplos ko ang buhok at pisngi nya. Isang napakagandang anghel ang natutulog. Nagulat ako ng gumalaw yung daliri nya at bigla syang nagmulat ng mata.

"Gising kana pala eugine"

Cold nya lang akong tinignan, manhid na siguro ang babaeng ito. Hindi marunong ngumiti,

"Hanggang kailan mo ako ikukulong dito kristian!!?"

Tinignan ko lang yung kamay nya na nakaposas sa higaan.

"Ang alam ng kapatid mo patay kana, pati nga magulang mo alam nilang patay kana" sagot ko sa tanong nya.

Pilit nyang inaalis yung kadena sa kamay nya.

"Wag mo ng piliting umalis eugine. . Hindi ka rin makakatakas" nakasmirk kong sabi.

Nagulat ako ng humagulhol lang sya ng iyak.

"Ilang taon mo na akong tinago Dr. Han. . Wala kabang balak na palayin ako??"

"Wala" walang gana kong sagot at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit, pilit syang kumakawala pero mas malakas ako.

"Wala ka narin namang babalikan eugine. . Patay na sila tanggapin mo nalang" bulong ko sa kanya.

"Hindi yan totoo!"

"Totoo ang sinasabi ko, pero yung kapatid mo bumalik na sya kaya maayos na sya" kumalma sya doon sa sinabi ko.

"Kamusta na si Ericho?"

"Hindi ko masasabi dahil hindi ko alam kung saan sya namamalagi. . Minsan lang din sya nagpakita sa amin"

Nalilito ba kayo? Akala nyo si eugine na lalaki? Nah! Youre not. . Eugine is a Female ang ate ni Ericho, pero matagal namin syang tinago ni dad. And yeah I'm a Doctor, assistant ako ni dad. Ako ang doctor ng school nato. Inampon sya ni dad noong lumayas sya sa kanila, tapos simula noong nagkaroon ng kaguluhan dito sa school ang akala ng lahat na patay na si Eugine. Simula noon binago na ang patakaran, naging all boys school nalang dahil madaming napapatay na babae noon. Dahil naaffect ang mga lalaki, nagkaroon ng pagsabog noon sa laboratory kung saan malapit ang dorm namen. Nagkaroon ng chemical poison sa hangin kaya nalanghap ng mga lalaki. Buti nga yung time na yun umalis kami, hanggang sa nawala sa katinuan ang mga lalaki, para silang mga nakadrugs. Lahat ng makita nila pinapatay nila.

Inshort. . Kami ang nagpapanatili ng katahimikan sa school nato. Kami ang 12 saints ang pumipigil sa lahat ng tumatakas. Hindi alam ng karamihan na ang ibang studyante dito ay affected noon sa chemical pero napipigilan namin sila. Hindi na ito ordinaryong skwelahan. Ito na ang skwelahan ng mga psycho, dito tinatapon ang mga notorious criminal na mga bata palang kaya dito sila kinukulong. Bago sila makapasok, kailangan muna nilang dumaan sa isang proseso kung saan inaalis ang ala ala nila bilang criminal at mamumuhay na parang normal nalang.

Isang normal na studyante na pwedeng pang magbagong buhay.

That's the secret of this school. .

"I'm sorry eugine pero kailangan pa kita sa plano ko" sinaksak ko na sa kanya ang pampatulog hanggang sa bumagsak na sya sa braso ko.

"Sleep well sleeping beauty" mahina kong bulong sa kanya at inayos na sya ng higa. Hindi pa kita magagamit sa ngayon. .

♤♢♢♧

"Anong ginagawa mo dito kaizer!"

Prente pa syang nakaupo habang nakapatong yung paa sa lamesa ng clinic ko. Pinaputok nya muna yung bubblegum sa bibig nya at talagang dinikit nya pa sa ilalim ng lamesa.

"Alam kong magaling ka sa mga ganito" sabi nya at pinakita ang picture ni Eugine Park.

Speaking of Eugine. . Matagal tagal na syang nawawala. Hindi kaya tumakas na yun??

"Ano namang kinalaman ni eugine sayo?"

"Remember doon sa labyrinth? Diba inutos natin kay brizon na pagkakataon na nyang patayin si eugine pero baliktad ang nangyari. Si brizon ang napatay, so. . Sino sa tingin mo ang suspect?"

"Si eugine" walang gana kong sagot.

"Right! Kaya gusto kong alamin mo ang pagkatao ni eugine. . alamin mo kung sino talaga ang taong yun"

Napakunot ako ng noo, walang hiya din ang isang to e. Nagawa pa akong utusan hindi kaya sya ang gumawa.

"Tss!! Bakit hindi nalang ikaw" sabi ko at tinulak sya sa upuan. Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip.

"Lumabas kana kung ayaw mong ikaw ang gawin kong pasyente dito"

Akma na syang lalabas ng humarap ulit sya sakin.

"Tandaan mo kristian. . Hindi ito skwelahan para sa mga ordinaryong tao. . The big question mark is paano nakapasok si eugine dito? Hindi kaba nagtataka? Hindi kaya mas delikado ang taong yun? Mas delikado pa sa mga studyante dito" mahaba nyang sabi at lumabas na.

Nalukot ko naman ang papel na hawak ko sa sinabi ni kaizer. Ang galing talaga magsalita ng isang yun, napatulala ako sa kawalan dahil nag iwan si kaizer ng bugtong sa utak ko.

Sino kaba talaga eugine??


(AN: Para po sa mga nalilito, , diba nabanggit yung eugine na kapatid ni ericho? Diba si eugine nawawala? Na kapatid din ni ericho?

Mwahaha ililito ko talaga muna kayo, sa mga next chapter pa yun malalaman kung bakit nagkaganun, si kristian na mismo nagsabi na iba daw si eugine, ,

Mata ne )

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon