Chapter 25. Unraveled

5.3K 167 7
                                    

Kristian's POV.

Napahilot ako sa sintido habang hinihintay na matapos ang paghahanap sa documents ni eugine.

"Sir hindi ko na po talaga mahanap"

"Tss!"

Binagsak ko ang pintuan paglabas dahil naiinis ako dahil sa lahat ng aasikasuhin ko ang pagkatao pa ni eugine ang inaautapag ko.

Napakuyom ako ng kamao,

Bwisit ka kaizer!

Pumasok ulit ako kaya nagulat yung staff,

"S-sir Han. . Hindi ko po talaga mahanap pasensya na po"

Hindi ko sya pinansin dahil napaisip ako,

hindi kaya may kumuha ng papeles nya?

O kaya may pumuprotekta sa pagkatao nya?

Ang laki mong bugtong sa utak eugine..

♢♢♢

"May problema tayo" biglang sabi ni steve pagpasok ko sa SSC office.

"What?!" Inis kong tanong.

Nakakainis lagi nalang syang nagpapameeting sa walang kakwenta kwentang usapan.

"Pag hindi daw bumalik si eugine dito with in a week idodrop out sya at pati tayo damay" sabi ni steve kaya napatayo ako.

"The fuck?!"

Mura ko dahil lalo lang akong naiinis sa bansot na yun.

"Ou nga steve! Bakit naman pati tayo damay?? Paki ba natin kung umalis na si eugine?! Kasalanan nya yun at hindi tayo" sigaw din ni leslie.

"I'm sorry pero damay tayo dahil kasali sya sa 12 saints" paliwanag nya kaya napalapit ako kay steve at hinila sya sa kwelyo.

"Sino bang nagsali sa kanya?? Hindi ba ikaw? Noong una palang tutol na ako ng isali nyo ang bansot na yun! Wala naman syang magagawa sa skwelahan nato!! Ikaw ang may kasalanan kaya dapat ikaw lang ang managot wag mo kaming idamay!!"

Gigil kong sigaw sa kanya kaya inawat na kami ni french.

"Kristian please calm down! Wala na tayong magagawa yun ang utos ng nakakataas" tinignan ko ng masama si Sion.

"PLEASE STOP!! OK? AKO NALANG ANG MAGHAHANAP SA KANYA! PAG HINDI KO SYA NAKITA AKO ANG AALIS"

napalingon kaming lahat sa kakapasok lang na si dave.

"Narinig ko ang lahat, , hindi kasalanan ni steve kung bakit sya nasali kundi ako mismo"

Napakunot ako ng noo, tama naalala ko na, si dave nga ang nagpumilit na sumali si eugine.

"Just give me one week, , hahanapin ko si eugine at ibabalik dito dead or alive" sabi ni dave bago ulit lumabas.

"Bakit ka kasi pumayag steve na isali ang lalaking yun??" Biglang tanong ni leslie.

Napayuko si steve kaya kumalma na ako.

"May deal kasi kami ni Dave. . . "

Nag angat sya ng ulo kaya kinabahan na ako, kung kanina lang kayang kaya ko syang bugbugin pero pag ganito si steve matakot kana.

"Ang deal namin na simulan ulit ang laro" nakasmirk nyang sabi kaya napailing nalang ako.

Akala ko nagbago na si steve pero as always steve is steve.

Kaya pala. . Kaya pala naganap ulit ang death game. . Si steve pala ang dahilan.

Steve is a lier. . Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya. Masyadong tago ang katauhan nya. Pabago bago sya ng mood, hindi ko nga alam kung ano ang totoo sa mga pinapakita nya.

"I have to go" paalam ko dahil muntik ko ng kalimutan na may inaasikaso pala ako.

♢♢♢♧

Pumasok ulit ako sa secret underground kung saan tinago ko si eugine, sigurado akong gising na yun.

Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko, , nanlaki ang mata ko sa nakita, napailing pa nga ako dahil hindi ako makapaniwala, ,

"E-eugine" agad ko syang nilapitan at chineck ang pulso nya. Nakahinga ako ng maluwang ng okey pa sya.

"Ano ba kasing ginawa mo sa sarili mo eugine?!"

Sigaw ko sa kanya at pinainom sya ng gamot.

"A-ayoko na kristian. . Pagod na pagod na akong makulong dito. . Nababaliw na ako" sabi nya ng nakatulala.

Inalalayan ko syang makatayo at dinala nalang sa labas kung saan ang kwarto ko, dahil hindi ko expect na makakalabas sya sa cylinder glass na yun at mukhang sapilitan nyang binasag dahil nagkasugat sugat sya sa katawan. Sobrang gaan naman nya, nasasaktan ako pag ganito ang sitwasyon nya. . Sumusunod lang ako sa utos ni dad pero sa ngayon hindi ko na kaya. .

I'm sorry dad. . .

Hindi ko na kayang makita si eugine sa ganoong sitwasyon.

Pero hindi dapat malaman ni Ericho na buhay ang kapatid nya.

Sya. . Si eugine ang alas ko para mapatalsik si ericho sa pwesto nya.

Trydor si ericho. . Ang akala namin totoo syang kaibigan pero ginamit nya lang kami. Pero nasa mataas syang posisyon kaya wala kaming magawa.

Nakatulog ulit si eugine pagkatapos nyang kumain kaya nilock ko muna yung kwarto ko at lumabas muna.

Masyado akong naguguluhan ngayon. .

Mababalik kaya ni Dave si Eugine dito??

The fuck?? Ngayon ko lang napansin na magkapangalan sila ni eugine. At magkaapelyedo pa. .

Teka?? Eugine Park? At si Eugine Park?

Napapitik ako sa ere ng may naisip ako..

Kinuha ko agad yung laptop ko at nag type tungkol sa pamilya Park.

Ayon sa narinig ko kay dad, May katrabaho syang nag ngangalang Mr. Edmon Park. . Isang sikat na scientist. .

Nag search ako sa google at tinype ang pangalan ni Mr. Edmon Park.

Lumitaw lahat ng info about sa kanya at may mga picture sya kasama ang iba pang scientist. Sobrang luma na ng litrato, nag scroll ako pababa at nagbasa ng iilan sa info nya.

Mr. Park's Daughter are found dead named eugine park, but after a few months he adopted a new child.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang bata na babae nasa 11 years old siguro sya. Wala itong kaemoemosyon ang itsura habang nakahawak sa kamay ni Mr. Park.

He also name it eugine. . Because he miss his daughter a lot. But after he adopted her Mr. Edmon Park died.

Napatulala muna ako sa kawalan at napaisip ng malalim. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. . . .


Don't tell me na si eugine ay~ . .


Ay isang babae? ?

. . .

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon