Chapter 20. Chan Hanzel Lim

6K 183 0
                                    

"Everyone has a secret. . no one can trust because every one is a traitor" - Chan Hanzel Lim.

Chan's POV.

"Bakit bigla kana naman nagpatawag? Ang dami pa naming gagawin" reklamo ni kristian. Pinapunta kasi kami ni steve sa dorm nya, buti nga naayos na e. Sya lang yung may dorm na pinakamalaki kaya dito kami madalas magkita kita o mag meeting. Napatingin ako sa taas kung saan ang kwarto ni eugine. Nilipat ko na sa kabilang pahina ang binabasa ko, Nakakaboring. . tahimik lang ako sa sulok, ayaw ko kasing naiistorbo pag nagbabasa.

"Nawawala si eugine" sinara ko yung librong binabasa at tumingin kay steve.

"Ano namang paki ko?" Singit ni terrence.

Tsk! Ewan ko ang init ng ulo nya pag si eugine ang pinag uusapan. Sinamaan sya ng tingin ni steve,

"Nung isang araw ko sya nakita sa rooftop pero bigla nalang syang nawala pagkatapos. . hindi naman natin masasabe na umalis na sya kasi nandyan lang yung gamit nya. . hindi naman natin masasabe na tumakas sya kasi maraming bantay ang school nato kaya bakit sya nawawala?!"

Nagulat kami ng bigla nyang sinuntok yung lamesa kaya nabasag ito. Napailing nalang ako, nakakapanibago si steve. Parang may something na di ko makita kung bakit.

"Tsk! Magpapakita lang yun" inis na sabi ni kristian at una ng lumabas, sumunod naman yung iba at ako nalang ang naiwan. Nakayuko lang si steve, nakakatakot sya pag ganyan na yung aura nya, samahan pa ng kamay nyang dumudugo dahil sa bubog.

"Steven" tawag ko kaya nag angat sya ng tingin.

"Tungkol kay charlie" sumeryoso naman yung mukha nya dahil dalawang kaibigan na ang nawala sa amin. Una si brizon na hanggang ngayon di pa alam kung paano sya namatay. Pangalawa si charlie na hanggang ngayon inaalam parin namin kung pinatay o nagpakamatay ba sya.

"Nakakuha kana ba ng ibedensya?" Cold nyang sabi. Umakyat ako sa taas kung saan ang kwarto ni eugine. Nag obserba ako doon, parang wala lang nangyaring hindi maganda. Napatingin ako sa gamit ni eugine, may kakaiba akong pakiramdam sa taong yun. Kaya hanggat maaari iniiwasan ko sya. Ayaw kong mapalapit sa kanya, bumaba na ako para sagutin si steve.

"I think isa sa atin ang pumatay kay charlie" napakunot naman ang noo nya.

"Paano ka naman nakakasigurado?"

Sa lahat ng kaibigan namin ako lang ang pinagkakatiwalaan nya. Ako naman wala akong tiwala sa mga kasama ko. Nag oobserba lang ako, ginagamit ko ding way yung pagbabasa para hindi ako mahalata na nagmamasid. Masama kasi ang kutob ko,

"Malalaman mo din balang araw" nakasmirk kong sabi.

"Are you playing with me?"

Nagtagis bagang na sigaw nya.

"Nah. . I'm just not sure of what I said earlier. . pero-"

pinutol ko ang sasabihin ko at lumapit sa kanya.

"I found this"

sabay abot ko ng dog tag ni eugine sa kanya. Mukhang nagulat naman sya.

"How?"

Nakita ko lang kasi yun sa likod ng garden. Napatingin pa nga ako sa taas ng pader at inaalam kung umakyat ba sya doon.

"Nakita ko lang yan. . mukhang nahulog nya" pagkatapos kong sabihin yun lumabas na ako.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon