Chapter 18. Clariz

6.2K 195 3
                                    

Hating gabi ng magising si eugine kaya tuluyan na syang bumangon, dahan dahan nyang binuksan ang pinto para hindi magising si devien. Nakahinga na sya ng maayos ng makalabas sya ng di nakagawa ng ingay, nakaisip na kasi sya ng plano para malaman ang sekreto ng school na pinapasukan nya.

'Asan na kaya si kuya? Totoo ba talaga yung nakita ko? Or imagination ko lang?' Tanong nya sa isip at parang ninja kung kumilos para hindi sya mahuli ng guard na umaaligid. Kinagat nya yung flashlight tsaka kinulukit yung lock ng pinto gamit ang hairpin. Tumatagaktak na yung pawis nya sa noo dahil hindi nya parin ito nabubuksan.

"May tao ba dyan?" Nataranta sya ng papalapit yung guard sa may office ng Council kaya pinatay nya yung flashlight at pinagpatuloy sa pagkulikot ng lock hanggang sa marinig nya ang click' pumasok sya dahan dahan at agad nilock yung pinto. Pinunasan nya yung pawis gamit ang palad at binuksan muli ang flashlight para maghanap ng impormasyon. Palakas ng palakas ang tibok ng puso nya dahil narin sa kaba. Kinalkal nya lahat ng kabinet na puro papel lang ang laman. Naagaw ng pansin nya ang isang box na may nakalagay na P-Academy Documents. Nilapitan nya yun at agad na binuksan, nakita nya ang mga papeles ng lahat ng studyante.

Name: Friche Sui
Age: 17
Tell me about yourself: I'M A KiLLER. . Do you wan't me to try it? >:)

Nanlaki mata nya ng lahat ng mga nakita nyang papeles ng studyante ay may mga nakakatakot na Tell me about yourself?. Hindi na sya nag aksaya ng oras at hinanap ang papeles ng 12 saints. Nilagay nya yun sa bulsa ng jacket nya at naghanap pa uli ng ibang info ng marinig nyang may papasok. Nataranta sya at mas lalong lumakas ang tibok ng puso nya dahil baka mahuli sya ng council. Nakakita sya ng kabinet na kasya ang isang tao, agad syang tumakbo doon at nagtago. Pigil ang hininga nya ng tuluyan ng bumukas ang pinto at sinindi pa ang ilaw.

"Inaantok pa ako steve bakit kapa nagpasama? Tsk!" Reklamo ni terrence sabay higa sa couch.

"May kailangan lang akong tignan" sabi nya at nangalkal sa kabinet. Pinagpapawisan na sa loob ng kabinet si eugine habang pigil ang hiningang mahuli sya. Napansin naman agad ni steve na nakabukas yung box at lumapit sya dito.

"Mukhang may nangealam sa information natin dito" seryosong sabi ni steve sabay suri sa paligid. Nawala naman ang antok ni terrence dahil masyadong delikadong malaman ng iba ang nilalaman ng info nila, council at mga staff lang ang dapat nakakaalam. Napatingin si steve sa kabinet na nakabukas ng konti kaya unti unti syang lumapit dito at si eugine naman ay napapikit ng mariin dahil ayan na mahuhuli na sya.

*Tok tok*

Napahinto si steve sa paglapit sa kabinet at napalingon sa kumatok.

"Kayo lang po pala akala ko may pumasok dito kanina kayo lang po pala hehe" sabi ng guard pagbukas ng pinto at agad ding umalis. Napakunot naman ng noo si steve dahil tama nga ang hinala nya may nakapasok sa office nila.

"Baka nakatakas na sya" sabi ni terrence at lumabas na silang pareho para mahuli ang naglakas loob pumasok sa council office. Humigop naman ng maraming hangin si eugine at basang basa nadin ang buhok nya sa noo dahil sa pawis.

"Phew.. Akala ko talaga mahuhuli na ako" sabi nya sabay tingin sa mga papel sa bulsa.

'Malalaman ko na din kung sino kayo'

sabi nya sa isip sabay smirk. Tumalon nalang sya sa bintana at mabilis na tumakbo pabalik sa dorm ni devien. Nasa tapat na sya ng pinto ng maalala nyang kailangan nya munang isekreto ang ginagawa nyang pag iimbestega. Napatingin sya sa taas kung saan ang rooftop at doon nalang nya babasahin lahat.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon