Chapter 49. First Kiss

5K 164 24
                                    

Dave's POV

"What theㅡ"

Kunot noo ko lang tinignan si devien na pumasok sa dorm nya at umayos na ako ng tayo. Kanina ko pa sya hinihintay dito sa loob ng dorm nya.

"Anong ginagawa mo dito" bored nyang sabi at cold lang akong tinignan.

"Mag usap nga tayo" sabi ko kay devien at hinila ko sya para umupo pero tinapik nya lang yun kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" Reklamo nya kaya agad ko syang sinuntok.

"Gumising ka nga devien! Hindi ko na papalagpasin itong nangyayari ngayon" sigaw ko sa kanya kaya kita kong napatahimik sya habang nakahawak sa labi na dumugo.

Napasabunot ako sa buhok at sinipa ko yung upuan na katabi ko.

"Damn! Ginawa ko ang lahat para sayo devien pero hindi ko aakalain na magiging ganito ka"

Hinawakan ko ang kamay nya at lumuhod ako sa harap nya.

"Devien, , p-please stop, hindi ko na kayang manuod" hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa sobrang frustration. Nakakatakot ako sa ibang tao pero pagdating sa kapatid ko nanghihina ako.

Ayokong madamay ang kapatid ko dito.

Nag iwas lang sya ng tingin kaya tumayo na ako.

"Nagpasa na ako ng drop out papers, sana sa oras na to sumunod ka naman sa akin"

Naramdaman kong hinila nya yung kamay nya.

"Hindi mo na hawak ang buhay ko ngayon kuya! Buhay ko ito"

"Aissshh!! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

Galit na singhal ko sa kanya kaya nanginginig na ako sa galit.

Pumikit muna ako ng mariin tsaka ko napagdesisyon na gawin na ang plano ko kung sakaling magmamatigas pa sya.

Lumapit ako sa kanya at may tinusok akong karayom sa batok nya.

"Sleep well brother" sabi ko sabay smirk.

Naramdaman kong bumigat sya sa balikat ko kaya binuhat ko sya.

Kailangan kitang itago bago ka pa mawala. .




Eugine's POV.

Blag!

Huh? May tao kaya sa labas?

Agad akong napayakap sa sarili at nagmadaling magpunas ng twalya.

Inayos ko ulit yung vest ko at nagsuot na ng damit at jacket. Nung nasigurado kong maayos na ay tsaka ko napagdesisyong lumabas.

Nanlaki ang mata ko ng makita si steve na inaalalayan ni leslie.

"Anong nangyari sa kanya?"

"I don't know. . Pagkabalik namin kanina naabutan nalang namin syang umiinom mag isa sa cafeteria"

Napataas ako ng kilay at lumapit kay steve tsaka ko naamoy ang hininga nya.

Mukhang naglasing sya. .

Ihiniga namin sya tsaka ko sya inayos ng higa. Naghahabol sya ng hininga kaya hinawakan ko ang noo nya.

"May lagnat sya. . Tss bakit nya ba naisipang uminom?" Sabi ko habang binabalot sya ng kumot.

"Ahmmm.. eugine sorry for this pero kailangan ko ng umalis" napatingin ako kay leslie ng magsalita sya at halatang hindi sya mapakali. Napakagat ako sa ibabang labi tsaka tumango.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon