Nagulat ako ng tapikin ako ng malakas ni dave sa likod.
"Ayus kalang?" Tanong nya ulit. . .
"Ah? Huh? W-wala naman bakit?"
Ngumiti sya at kinurot yung pisngi ko.
"Wala lang nakangiti ka kasi dyan! Tara na? Ayaw mo bang sumama?" Napatingin naman ako sa kanila na hinihintay yung sagot ko.
"Saan naman tayo pupunta?" Hindi na sila sumagot dahil nagsilabasan na sila pati si dave hinila na ako. Medyo naiilang parin ako, bakit pumayag agad si steve? Bakit biglaan ata ang closeness namin ni dave? Bakit? Maraming tanong ang bumabagabag saken ngayon. Hindi kaya hindi lang ako ang may balak sa kanila? May pinaplano din kaya sila saken?. Kailangan kong makuha ang loob nila, kailangan ko ng ibedensya para malaman ang katotohanan. Hindi naman ako tanga na naniniwala agad sa sabi sabi na patay na si kuya. Ou kahina hinala sila pero hindi parin dapat padalos dalos— napatulala ako saglit ng maalala ko yung sulat nung nakaraan. Nasa bag ko pa pala yun,
"Wag padalos dalos lahat ng oras binibilang bawat segundo"
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Napalingon naman ako sa katabi kong si French.
"Huh? Hindi naman medyo naiinip lang saan ba talaga tayo pupunta?"
Irita ko kunyare para maiba ang expression ko, baka mabasa nya yung nasa isip ko. Kaya naman pala nagagawa nila lahat kasi si steve ang SSC sa school.. Or should I say Student Council President. Kaya din alam nya lahat ng nangyayare sa school pero wala syang pake tss. Lahat ng bawal ginagawa nila pati ngayon. Bawal lumabas pero nagawa nila.
"Nandito na tayo" sabi ni Leslie yung nagdrive ng van na sinakyan namen. Bale dalawang van ang ginamit, excited naman silang bumaba kaya sumunod nako. Napanganga ako sa ganda ng mansion. Nagulat ako ng umakbay si dave saken.
"Kay steve na rest house to" sabi nya sabay kindat. Pagpasok namen mas lalo akong namangha sa sobrang elegante ng loob.
"Wow"
biglang lumabas sa bibig ko ng makita ang likod nitong mansion ay isang beach pala.
"Woooh masaya to!" Sigaw ni brizon tapos tumakbo na doon sa may seashore. Sumunod naman yung iba. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan silang naglalaro sa seashore.
Bakit ganun?
Kung wala sila sa school ang saya nila?
Nakangiti sila?
Pero pag nasa loob sila ng school na yun mukha silang statwa na hindi marunong ngumiti.
Naguguluhan na ako, sino ba talaga ang 12 saint?
Masasama ba sila?
Or nagpapanggap lang?
Pero bakit hindi nila kasama si kuya? Napailing ako dahil naguguluhan parin ako.
"Bakit hindi ka makipaglaro?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod kaya nilingon ko. Sya si Charlie yung mahilig magbasa at tahimik.
"Hindi lang ako mahilig" sabi ko. Nakita kong ngumisi sya ng nakakakilabot.
"May iba kabang laro na alam?" Nanlaki mata ko saglit at umiwas ng tingin.
"Gusto mo laruin natin ngayon?" Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Paano ako makakatakas?
"Alam ko ang laro mo" ano ba pinagsasabi nito? Hindi kaya mas delikado sya? Ika nga
'Silent but dangerous'.
Nag fake laugh ako ..
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Ha-ha"
nanlaki mata ko ng nilapit nya yung mukha nya saken at biglang pumagitna ang kutsilyo.
"Diba eto ang laruan mo?" Kumunot noo ko.
"Huh?! Nasisiraan kaba dude? Anong pinagsasabi mo?" Baliw ata ang isang to e!
"Charlie!"
Napalingon naman ako sa likod ko ng sumigaw si steve.
"Come with me" utos nya na sinunod naman nitong charlie.
"Wag mo ng pansinin yung si charlie ganun talaga yun". Nilingon ko naman yung si sion, sa totoo lang crush ko sya. Nag blush naman ako kasi di ko aakalain na papansinin nya ako. Tumango lang ako at ngumiti, naglakad narin sya papunta sa mga kasama nya. Nagulat ako sa nakita, pinakatitig ko pa sya sa malayo baka sakaling mali lang ako ng hinala. Pero hindi e parang sya talaga yun.
♤ ♤ ♤ ♤
"Kanina kapa wala sa sarili" sabi ni dave kaya umiling lang ako.
"Wala lang ako sa mood" sabi ko nalang at umupo sa tabi. Naglalaro lang sila ng billiard. Nakaramdam ako ng inip at lumabas. Naglakad lakad lang ako at may tao akong nabangga.
"D-devien? A-anong ginagawa mo dito?"
Sabi na e nakita ko talaga sya kanina.
"Huh? Oy eugine ikaw pala? Anong ginagawa mo dito?" tss inirapan ko lang sya. Binalik nya lang yung tanong ko
"Eugine nandyan ka lang pala kanina kapa namen hinahanap" nilingon ko naman si dave na patakbo palapit samen. Paglingon ko ulit kay devien tumakbo na sya palayo.
"Uuwi na daw tayo" sabi nya sabay akbay saken kaya sumunod nalang din ako.
Napalingon ulit ako sa likod kung saan pumunta si devien. Nakakapagtaka talaga sya, or baka takot lang sya sa mga kasama ko kaya sya tumakbo. Tama! Baka ganun lang yun.
Fastforward. . .
Nakahiga na ako sa kama at iniisip parin ang katotohanan. Sobrang hirap isolve ng puzzle na sinimulan kong buoin. Napatayo ako at kinuha yung bag kung saan nakuha ko yung sulat.
'Wag padalos dalos lahat ng oras binibilang bawat segundo'
ano kayang ibig sabihin nito? Babala? May tao akong pinaghihinalaan. . . .
Si dave..
Sa likod ng masayahing ngiti ni dave may kakaiba akong nararamdaman na sikreto nya. Yung time na nakita ko yung pinatay na lalaki doon ko nakita si dave. Sumulpot din sya nung makita ko yung sulat.
Nakakapanghinala talaga sya...
Naalala ko pa yung sinabi nya..
"Wag kang magtitiwala kahit kanino baka pagsisihan mo sa huli.."
nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at niluwa si Sion.
"Steve! Nawawala si dave!"
Nataranta din ako na kanina lang iniisip ko sya.
"Paano sya nawala?"
Tanong ko bigla at nagsipunta narin silang lahat dito.
"Dorm mate ko si dave... kanina pa ako nagtataka na hindi sya bumabalik sa dorm—"
hindi ko alam pero tumakbo ako palabas ng dorm at unang pumasok sa isip ko si Devien.
(AN: havoc means a destruction or confusion)
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?