"Sasabihin mo ba o papatayin na kita ng tuluyan? Mamili ka?" Sabi ko kay brizon at tinutok sa leeg nya yung katana.
"B-bakit ba gusto mong m-malaman?" Nahihirapan nyang sabi.
"Wala lang curious lang ako dahil masama kasi kutob ko. . may nakapagsabi din saken na may kinalaman kayo sa pagkawala ng kuya ko" nakangisi kong sabi at tumingin sa paligid.
"Kahit patayin mo pa ako hindi ko yun sasabihin" pagmamatigas nya kaya diniin ko yung katana sa leeg nya.
"Ah ganun? Gusto mo talagang mamatay no? Kung sabagay iisa isahin ko na kayo para naman masaya" tumawa pa ako ng nakakairita.
"S-sino kaba talaga eugine? Bakit mo to nagawa? Akala ko ba-"
pinatahimik ko sya gamit ang daliri ko, napakaingay!
Pati nga ako tinatanong kung sino ba talaga ako.
"Shhhh... Wag ka masyadong maingay baka marinig ka nila" sabi ko kaya tumahimik sya. Kinuha ko yung dog tag nya at hinila sa leeg nya.
"A-anong gagawin mo?! Wag mong tanggalin sakin yan!" Sigaw nya kaya sinipa ko yung saksak nya kaya napaungol sya sa sakit at napadura ng dugo. Tumayo na ako at pinasok sa bulsa yung kwintas nya.
"Akin nalang to remembrance mo sakin. . masyado ka kasing mabait kaya kailangan mo ng pumunta sa langit hahahaha" nakita kong sinamaan nya ako ng tingin.
"Nahihibang kana talaga eugine.. Hindi naman talaga ako naging mabait sayo. . matagal na dapat kitang pinatahimik dahil inagaw mo ang atensyon ni dave saken! Inagaw mo ang bestfriend ko! Ninakaw mo ang dog tag nya! Kaya nga inis na inis ako sayo! Nung humingi ka ng sorry sinabayan lang kita sa pagkaplastik mo! Hindi ka dapat nasali sa grupo namin! Hindi ka karapat dapat katulad ni ericho! Hindi sya nabibilang sa grupo! Traydor syang kaibigan! Nang iiwan sa ere!"
Kumulo yung dugo ko sa narinig. Alam ko na ngayon kung sino ang dati nyang kaibigan si k-kuya. Tama lang na patayin ko itong si brizon dahil alam kong mapanlinlang sya simula palang nung una. Pumikit ako ng mariin at sinaksak ulit sya bandang puso. Nanginginig yung katawan nya kasabay ng pag agos ng maraming dugo, hinugot ko ulit at sinaksak sya sa bibig.
"Masyado kang maingay. . nakakairita" hinugot ko ulit yung katana at pinunas sa uniform nya yung dugo. Ito na ang huling araw na makikita kita.
"Sayounara brizon"
Nagpatuloy na akong hanapin ang lugar palabas. Madilim parin ang paligid kaya nahihirapan akong makakita, kinakapa ko lang yung pader para malaman ko kung saan na paliko. Napangiwi ako ng sumakit yung tyan ko at para akong nasusuka. Huminto muna ako sa tabi at sumuka, ewan ko ano yung sinuka ko lasang gamot. Naalerto ako ng may marinig akong kaluskos. Binilisan ko nalang ang paglakad dahil masama parin ang pakiramdam ko. Napahinto ako ng nakita ko ang isang studyante ang nakabigti sa mismong pader. Nakaharang sya sa daan. Pero may napansin akong umiilaw sa bandang paanan nya kaya kinuha ko. Isang Flahlight! Tama magagamit ko ito para makalabas na ako. Bakit kaya ganun? Bakit ang daming studyante ang namatay? Hindi kaya kasali din sila? Kung sabagay ang laro na ito ay death game. Buhay mo ang nakataya, kaya kung gusto mong manalo dapat mo silang unahan. Kamusta kaya sila? Buhay pa kaya yung mga yun?
××××××××∆∆∆∆×××××
Someone's POV
(Special POV only)"Kamusta naman ang laro?" Cold nyang tanong pagkapasok ko sa silid nya.
"Successful naman po, gumana sa kanya yung binigay ko. . unti-unti na nyang naalala yung totoo nyang pagkatao" sagot ko kaya umikot sya paharap saken.
Kung delikado sya mas delikado naman yung isa.
"Good para naman maalala nya ang nakaraan . . ang pagkatao nyang pinagdusahan at para maalala nya ang mga nagawang kasalanan! Magbabayad sya!"
Nakita ko ang pagkuyom nya ng kamao. Hindi ko alam kung ano ang kasalan nun sa kanya ang akin lang ibalik na nya yung kapatid ko. Tumayo sya at lumapit sa akin,
"Siguraduhin mo lang na hindi sya makakatakas sa school nato" cold nyang sabi kaya kinabahan ako.
"K-kailan kaba babalik?" Naiilang kong tanong.
"Sa tamang panahon" yun sabi nya tapos bumalik ulit sa upuan nya.
"Ipatigil mo na yung laro, marami na ang namatay kaya pwede na yun hahaha" tumawa pa sya ng kinakilabot ko.
"O-opo Pres" sabi ko nalang at pipihitin ko na yung doorknob ng nagsalita ulit sya.
"Maibabalik ko naman yung kapatid mo basta wag mo lang akong subukang traydurin" pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas.
-------++++-------
Napatingin ako sa speaker box sa taas dahil sinabi nilang tapos na ang laro? Ganun nalang yun? Ni hindi pa nga ako nakakalabas dito. Nagulat ako ng may humila saken basta basta. Likod palang kilala ko na
"Ano bang ginagawa mo steve? Saan mo ako dadalhin?" Lumingon sya saken ng nakakunot noo.
"Kailangan na nating umalis dito bago sumikat ang araw baka mahuli tayo ng mga staff sa school" seryoso nyang sabi kaya tumango nalang ako. Napangisi ako dahil sa kanya makakalabas agad ako dito. Nakikita ko na ang liwanag kaya binilisan namin ang takbo hanggang sa nakalaya na kami sa labyrinth na yun.
"Nandito na pala silang lahat" nakangiti kong sabi pero kita sa mukha nila ang lungkot.
"Anong nangyare? Bakit ganyan mga mukha nyo? Teka nasan si brizon?"
Tanong ni steve pero hindi sya pinansin.
Napaiwas ako ng tingin ng tumingin si kaizer saken.
Sandaling katahimikan ang pumalibot samen bago basagin ni sion.
"Wala na si brizon. . natagpuan namin syang p-patay"
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?