"Lahat ng bagay sa mundo ay hiram lamang" ㅡ Leslie Lee
Leslie POV.
Humablot nalang ako ng magazine sa may table ni steve at nag busy busyhan. May sasabihin daw sya saken, kinakabahan ako dahil ngayon lang ulit ako kinausap ni steve ng personalan. Biglang bumukas yung pinto at niluwa nun si steve na mukhang stress na stress ang itsura. Mukhang hindi nya ako napansin dahil may tinitignan syang papel, sinundan ko sya ng tingin papunta sa upuan nya.
"Eherm" pagpaparamdam ko kaya nag angat sya ng tingin at malamig akong tinignan.
"I know that you are there tss" walang gana nyang sabi. . Alam naman pala nya e pinapakaba pa tuloy ako.
"Leslie alam kong magaling ka kaya sana ikaw muna ang pumalit kay chan bilang detective"
"Hahaha akala ko ano naㅡ" napahinto ako at nanlaki ang matang lumingon sa kanya.
"A-ano?! Si chan detective??"
Unbelievable!
"Bakit hindi nya sinabi sa atin?"
Sinamaan nya ako ng tingin kaya umiwas nalang ako sa titig nya.
"No more question just do what I said" tumango nalang ako kahit gusto ko pang itanong ang tungkol kay chan.
"Habang hindi pa bumabalik si kristian obserbahan mo yung dorm nya dahil may pakiramdam akong may tinatago sya"
"Yes" tumayo na ako at aalis na sana pero nagsalita ulit sya.
"Just be careful" tumango ulit ako.
♢♢♢♢
"Ano daw sabi?"
Hindi ko pinakinggan si terrence na kanina pa ako tinatanong kung ano daw pinag usapan namin.
"Wala" walang gana kong sabi at iniwan na sila, nag check din kasi ako baka may nagmamanman nanaman dito sa school.
"Sion mauna na ako" paalam ko sa kanya kaya tumango lang sya.
Papunta sana ako sa dorm ko pero lumingon muna ako sa paligid bago ako pumunta sa kanan kung saan ang school clinic. Dito kasi lagi si kristian dahil sya ang school doctor, pero ngayon na wala sya dito muna ang uunahin ko.
Pagkapasok ko sa loob umalingawngaw ang sobrang tahimik na paligid, sobrang ayos din ng mga gamit dito. Sinilip ko muna isa isa yung bawat beds at hinawi yung curtain baka kasi may nagpapahinga. Nung nasiguro kung wala naman ibang tao kaya nilock ko muna yung pinto.
Saan kaya ako magsisimula?
Kinalkal ko lahat ng kabinets nya pero mukhang mga results lang ng examination ang nandito. Napaupo nalang ako sa may upuan nya at inikot ikot yun. Nakakabored naman pala dito, naagaw ng pansin ko yung picture sa table nya kaya kinuha ko yun at nilapit sa mukha ko.
Sino kaya ang babaeng to?
Bata pa si kristian dito, at may kasama syang babae na kaedad nya sa gilid naman si ericho. Ano kayang koneksyon ni kristian kay ericho pati nadin dito sa babae?
Nagkibit balikat nalang ako at nilapag ulit sa lamesa nya yung picture.
Tss wala naman akong makukuha dito, ,
Lumabas nalang ako ng clinic dahil nabobored ako sa sobrang tahimik.
Sunod kong pinuntahan yung dorm ni kristian. May ibinigay si steve sakin na susi kaya madali lang akong makakapasok, kinakabahan nga ako baka pati sa dorm namin may duplicate din sya.
Kinabahan ako dahil pagkapasok ko palang ng dorm nya ay sumalubong na sakin ang sobrang kaguluhan. Ibang iba sa clinic. . Ano kayang nangyare dito?
Hindi naman ako expert sa pag diskubre dahil hindi naman ako si chan. Tss that jerk isa pala syang detective hindi man lang sinabi.
Maraming nagkalat na basag na bote, mga gamit nya nagkagulo gulo. Umakyat ako sa kwarto nya pero nakalock yun. Kwarto kasi namin ang pinakapribadong pasukan kaya eye scaner lang ang makakapagbukas.
Napasabunot ako sa sarili. . Mukhang mahihirapan ako nito.
Nag ikot ikot nalang muna ako baka makakuha ako ng information. Si kristian kasi ang may pinakamalaking kwarto since sya ang school doctor.
"Woah. ."
Biglang lumabas sa bibig ko dahil pagbaba ko dito sa may room nya andaming libro. Nagtingin nalang muna ako ng libro pero mukhang puro about sa medicines lang.
"Tss boring" sabi ko sabay tapon ng makuha ko. Napabuntong hininga nalang ako, ano ba tong ginagawa ko?
Nataranta ako ng bigla nalang umusog yung sinasandalan kong shelves kaya napaharap agad ako.
Napasmirk ako dahil mukhang may tinatago nga si kristian dito. Hindi yata nauubusan ng room tong dorm nya tss. May nakita akong hagdan pababa kaya pumasok ako at bumaba doon.
Nanlaki ang mata ko ng pagbukas ko ng isa pang pinto ay bumungad saken ang napakalaking kwarto pero hindi ito ordinaryong room lang dahil para ito yung laboratory kung saan nag eexperiment yung mga scientist.
Habang naglibot libot ako bigla nalang akong nakaramdam ng kaba dahil hindi nga namin lubusang kilala si kristian at ngayon naman nadiskubre ko pang may mini laboratory sya dito.
Hindi kaya isa din syang scientist?
May basag din na glass cylinder na mukhang may halimaw na tumakas.
Nakiramdam ako sa paligid dahil may kutob akong may tinatago pa si kristian dito.
"A-anong ginagawa mo dito leslie?"
Napahinto ako sa paglakad ng marinig ko ang boses ni kristian. Dahan dahan akong umikot paharap sa kanya at saktong pagharap ko bigla nalang syang nagpaputok ng baril kaya natamaan ako sa balikat.
Napapikit ako sa sakit..
Shit! Mukhang alam ko na ang traydor.
Napaluhod ako sa sobrang sakit at namanhid din yung katawan ko. Naramdaman kong lumapit sya saken pero nakatutok parin yung baril nya sa akin.
"Bakit mo ginawa to? Sino kaba talaga kristian??" Nanghihina kong sabi sabay ubo ng dugo.
"Don't worry hindi naman nakakamatay yung binaril ko sayo pero makakatulog kalang ng mahimbing hahaha" mukhang nasisiraan na ng ulo si kristian.
"Y-youre ins-sane" napahiga na ako sa sahig sa sobrang hina hanggang sa mandilim na yung paningin ko.
To be continued. .
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?