French POV.
"Damn you!!! French pag ako nakalabas dito papatayin talaga kita!!"
Pagkabukas ko palang ng pinto yan agad ang salubong nya saken. Inilapag ko muna sa lamesa ang tray ng pagkain para sa kanya at nilapitan sya sa kulungan.
"French!! Nasaan ako?? Anong ginagawa mo saken??"
Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa benda nya sa katawan.
"Mukhang magaling kana" yun lang nasabi ko pero pinagsisipa nya yung kulungan.
"Masama akong magalit french alam mo yan" cold nyang sabi pero parang wala nalang sakin. Lumapit ulit ako sa lamesa para kunin yung pagkain nya. Binuksan ko yung kulungan pero hindi parin sya makakatakas kasi nakakadena ang mga paa nya. May nilagay din ako sa leeg nya kung sakali mang makatakas sya may alas parin ako para mahuli sya. Parang wala lang na binigay ko sa kanya yung pagkain pero agad din nyang tinapik ng malakas kaya tumilapon ang mga pagkain.
"Bakit hindi mo nalang ako patayin"
nakayuko nyang sabi pero kung ibang tao lang siguro natakot na sa pananalita nya. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kulungan.
"Sorry chan pero kailangan kong gawin to para sayo"
"Para saken?? Nahihibang kana ba??"
Gigil nyang sabi habang sobrang diin nyang makahawak sa rails. Hindi na ako sumagot dahil pag pinalabas ko sya baka hindi ko na sya makikita pang muli.
French Prediction:
Massacre. . . Maraming namatay. . . Nagkakagulo. . At higit sa lahat nakita kong namatay lahat ng nagpapanatili ng katahimikan. . Ang Twelve saints.
Ako lang nakakaalam ng lahat ng ito. Hindi ko pwedeng sabihin sa iba dahil baka ikapahamak pa namin. Kailangan kong baguhin ang nakatakda. Akala nila maswerte ang magkaroon ng ganitong kakayahan pero hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan ko. Napapikit ako ng mariin ng maalala nanaman ang nakaraan.
"Anak may bago ka ng daddy"
masayang sabi ni mama sabay halik sa noo ko. Huminto na yung taxi at bumaba na kami.
"Dito na ang bago mong tahanan anak" sabi ni mama at hinila na nya ako papasok sa napakalaking mansyon. Pagkapasok namin sinalubong agad kami ng mga katulong at kinuha yung mga bag namin. Napatingin ako doon sa bata na siguro mas matanda sa akin. Siguro 13 yrs old na sya at ako naman ay 11 yrs old palang.
Sa sobrang laki ng bahay hindi ko alam kung matatawag tong tahanan sa sobrang tahimik. Naglibot libot ako para naman hindi ako maligaw,
"Sampid lang kayo dito"
napalingon ako sa kanan ng marinig kong may nagtatalo. Si mama at yung unang asawa nung bago ko daw daddy. Sinampal nya si mama na sobrang lakas kaya natumba sya. Nanlaki naman mata ko dahil hindi ako makapaniwala na may mananakit kay mama. Nasa veranda sila nagtatalo kaya lumapit ako pero agad din akong huminto ng may makita akong pangyayari na parang mga hologram. Nanghina ako dahil hindi ko na kaya parang hinihigop ang lakas ko.
—
"French! Anak gumising ka"
napadilat ako ng mata at nakita ko si mama na nakayakap sa akin.
"Anak sabihin mo sakin anong nakita mo?"
Umiling ako dahil hindi ako papayag na mangyayari yun.
"Anak please sabihin mo!"
Nakita kong umiyak na si mama kaya kusang bumuka ang bibig ko para sabihin ang nakita ko.
"Mama mamamatay ang unang asawa ni daddy"
pagkasabi ko nun agad kaming napalingon dahil parang may nabasag na kung ano. Nakita ko yung bata na nakatulala habang nakatingin sa amin. Tumakbo sya palapit sa akin at sinuntok ako.
"Bawiin mo yung sinabi mo!!"
Gigil nyang sabi habang nanlilisik ang mga mata nya.
"Hindi ko na yun mababawi dahil nasabi ko na" sagot ko at yumuko.
"Sorry"
"What sorry can do?? Gusto nyo lang mamatay ang mommy ko! Para ano? Masolo nyo itong bahay? Hindi ako papayag—"
"AHHH!!!! MADAM!!! Tulong!!"
Napatakbo kami doon sa may sumigaw. Ito na nga ba sinasabi ko e. Sa tuwing sinasabi ko ang prediction ko nagiging totoo.
Nanlaki mata namin ng makita namin ang unang asawa ni daddy na nahulog sa may veranda at basag pa ata ang bungo. Lirat na yung mata nya habang nakatingin dito sa ibabaw. Nagulat ako ng may biglang humila sa akin at niyakap ako.
"Anak sorry"
"Ma wala kayong kasalanan ako ang may kasalanan nito"
humiwalay ako kay mama at dinala na ako sa malayong lugar. Kailangan kong mag isa, kailangan wala akong makitang mga tao.
—
"Psst bata" napalingon ako sa tumawag. Nakita ko yung batang babae na kaedad ko lang. Ang lamig ng tingin nya,
"Bakit ka rin nandito?"
Tanong nya sa akin. Nakaputi na pala ako ng damit na parang isang baliw.
"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
Balik kong tanong sa kanya.
"Kinulong ako dito" sabi nya at lumapit sa akin. Parang malaking transparent glass ang nakapagitan sa amin at puro puti ang paligid, nakakasilaw nung biglang sumindi ang ilaw. Ngayon ay kitang kita ko na ang itsura nya. Sobrang ganda nya pala. . mahaba ang itim na buhok, mapulang labi at sobrang putla ng balat.
"Ano palang pangalan mo?"
Tanong ko dahil kakaiba din siguro sya tulad ko. Ngumiti sya sakin
"Clariz. . "
Pagkasabi nya nun bigla nalang nag iba yung aura nya. Parang hindi sya yung kausap ko kanina.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?