Chapter 12. It's Not Over

6.9K 301 8
                                    


Napapunas ako ng pawis dahil sa hirap mapatay ng mga ahas, buti nalang naform na parang tubo yung sanga kaya natusok ko yung ulo nila. Feeling ko namamanhid na yung buo kong katawan dahil natuklaw ako nung isa kanina. Buti nalang napatay ko agad. Napangiwi ako ng nagiging ube na yung kulay nung kagat sa wrist ko. Napasandal ako sa tabi at pinagmasdan yung mga ahas na patay. Hawak ko na din ngayon yung katana, magagamit ko ito pang self defense. Nanlalabo na din yung paningin ko kaya napakagat ako sa labi. Pilit akong tumayo at ginawang pangtukod yung katana. Gesh! Bakit ba kasi ako napunta dito? Peste kasing Devien na yun! Ano bang laro ang naisipan nya!

"Eugine? N-nandito ka rin?"

Napalingon ako sa likod kaya nanlaki mata ko.

"Charlie? Pati din ikaw? Don't tell me kasali din kayo?" Tumango lang sya bilang sagot, pinagmasdan ko yung itsura nya, puro dugo narin yung damit nya at may hawak syang baril. Nahalata nya ata sa baril ako nakatingin kaya tinago nya sa likod. Feeling ko umiikot na talaga yung mundo ko.

"Eugine Namumutla ka!" Tumakbo sya palapit sa akin at dun din bumigay yung katawan ko buti nalang nasalo nya ako agad.

"Ang taas din ng lagnat mo" sabi nya sabay hawak sa noo ko.

"Tsk! Hindi na dapat ito nangyari ulit. . bakit kasi naisipan nanaman nyang magpalaro" napadilat ako ng mata.

"What do you mean? Nangyari na dati to? Kasali din kayo? So it means nakalabas na kayo dito? Argggh!! kung alam nyo bakit pa kayo nandito?" Tanong ko kaya tumango lang sya at binuhat ako.

"Kailangan na nating umalis dito" seryoso nyang sabi imbis na sagutin ang sandamakmak kong tanong. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko expect na yung psychong si Charlie mabait pala? Tsk! Nahihiwagahan na talaga ako sa kanila. Napahinto kami dahil nakarinig kami ng parang sirang radyo (Imagine yung naghahanap ng channel)

"Rednerrus era ton dewolla"

napatingin kami sa taas ng may nagsalita, nakita namin na may speaker box.

"No choice tayo kundi tapusin hanggang dulo" seryoso kong sabi, ayokong matalo dahil ayokong sabihin ang sekreto ko! OMDB.

"Naintindihan mo yun?"mangha nyang tanong ng nagpababa na ako.

"Anong tingin mo saken? Bobo?" napangiti sya sa sinabi ko. May kinuha sya sa bulsa nya at tinurok saken.. Mukhang antidote kaya hindi na ako pumalag. Tinulungan nya akong maglakad para makaalis na kami sa labyrinth na to. Dumidilim na kasi ang paligid.

---

"Nasan na yung iba? Bakit ba kayo nandito?" basag ko sa katahimikan.

"Hindi kasi kami pwedeng humindi dahil utos yun ng nakatataas" napabuga ako ng malakas na hangin.

"Pffftt.. Diba si Steve yung SSC pres? Bakit hindi nyo nalang sabihin ang passed?"

Biro ko pero hindi parin nagbabago yung mukha nya.

"Akala mo lang ganun kadali yun. . para malaman mo sub pres lang si Steve, V-pres lang sya.. Yung totoong president ng SSC ay si-" naputol ang sasabihin nya ng tinulak nya ako kaya natumba ako.

"Ano bang ginagawa nyong dalawa? Naglalaro tayo dito hindi nag uusap lang" sinamaan ko ng tingin si Terrence na papalapit samen, may hawak syang bow and arrow na muntikan ng kumitil samin.

"Ang rude mo talaga Terrence" sabi ni Charlie habang nagpapagpag ng pants. Langhiya talaga kahit kailan yang si Terrence! Nakakaimbyerna! Tumayo nalang ako at tinukod ko yung katana kaya sabay silang napatingin sa hawak ko.

"Paano napunta sayo yang katana ni Steve?" Tanong ni Terrence kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Ito kay Steve? Letse! Mukha ngang luma na dahil pinapalibutan na ng mga ahas! Bwisit!" Tumalikod na ako at iniwan sila, pinaghirapan kong makuha to tapos kay Steve? Peste talaga sa buhay ko yang si Terrence! Ayoko makita pagmumukha nya nakakaimbyerna! Napaatras ako ng may lalaking biglang sumulpot at akmang sasaksakin ako pero dahil sa gulat naputol ko yung ulo nya. Sumirit ng sumirit yung dugo sa leeg kaya natalsikan yung pisngi ko.

Dugo. . .

napangisi ako ng makalanghap nanaman ako ng dugo. Kusang gumalaw yung katawan ko at tumakbo lang kahit saang daan dahil sasabog ang puso ko paghindi ko ito natapos. Gustong gusto kong pumatay. . gusto kong makita ang bawat paghihirap nila.

"Esu rouy zis esnes siht emit"

rinig kong sabi ulit dun sa speaker box, sobrang dilim na at tanging pandinig at pagkakita lang ang magagamit. Mukhang may nagmamasid sa bawat kilos namin. Napaluhod ako dahil may bigla akong naalala, lumuluha na yung mata ko at nanlalaki na din dahil ayoko ulit yun maalala.

Tama. . nababaliw na ako dahil sa kanila naging ganito ako.

"Eugine! Ayos ka lang?"

Hindi ko pinansin yung nagsalita dahil boses palang kilala ko na, hindi na din ako magtataka kung makasalubong ko silang lahat. Napapikit nalang ako ng mariin dahil bumibilis din ang tibok ng puso ko. Biglang nagflashback yung tinurukan ako ni Charlie ng injection na akala ko antidote pero mukhang nagkamali ako. Nagkakamot na ako sa lupa na parang pusa dahil pinagpapawisan na ako. Pati bibig ko nanginginig na.

"Eugine! Hoy dumilat ka!"

Hindi ko narin maramdaman ang katawan ko. Napaungol ako ng parang may tumusok sa utak ko na sobrang sakit.

"Ahhh.... Tama na! Ayoko na!! Ahhh.."

Hindi ko alam anong nangyayari saken pero dinampot ko yung katana at sinaksak si Brizon.

"B-bakit mo ginawa y-yu-" rinig kong sabi ni Brizon hanggang sa napahiga sya sa sahig at napaubo ng dugo. Napangisi ako ng hindi ko alam, nawawala na ako sa katinuan. Wala na akong pakiramdam. . pero yung mga mata ko tuloy lang ang bagsak ng mga luha. Yumuko ako at hinawakan si Brizon sa baba.

"Sabihin mo muna saken kung sino yung dati mong kaibigan. .

at sino din yung nakita mong kasama ni Devien"

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon