Chapter 19. BreakOut

5.8K 186 1
                                    

Eugine's POV.

     Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong pumapatak sa mukha ko. Nandito pa pala ako sa rooftop, siguro nawalan ako ng malay. Sinalod ko gamit ang palad ang palakas na palakas na ulan. Napapapikit ako dahil narin sa lakas ng tubig na tumatama sa mata ko. Tumayo na ako at pinagmasdan ang buong school, first time kong makaakyat dito. Ang laki nga talaga ng school, matataas na bakod at malalaking buildings. Nadako ang tingin ko sa malaking gate, teka? Bakit may mga pulis sa labas? May nilabas sila doon sa isang sasakyan na lalaki na nakatakip ng sako ang buong mukha tas nakaposas pa. Kahit sobrang lakas ng ulan patuloy parin nilang tinutulak yung lalaki papasok kaya sinundan ko lang ng tingin. Nakita kong may staff na lumabas patakbo at sinalubong yung lalaki na nakaposas. Ewan ko kung anong kababalaghan yung nakita ko. Diba school toh? Bakit parang may galing pa atang preso na hindi pa yata basta basta yun kasi talagang nakatakip pa ang mukha. Nagulat ako ng biglang makawala yung lalaki tapos pinagsisipa nya yung mga pulis na malapit sa kanya. Pero sa isang iglap binaril yung lalaki ng tuloy tuloy hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Napatakip ako sa bibig dahil hindi ako makapaniwala na kayang pumatay ng mga pulis ng ganun nalang, syempre tao parin yun. Kasabay ng malakas na ulan at madilim na kalangitan ang unti-unting pagkalat ng dugo nung lalaki.

"Eugine!"

Nagulat ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko kaya nung paglingon ko si steve.

"Anong ginagawa mo dito eugine? Kanina kapa namin hinahanap"

ou nga pala, tsk! Pag naalala ko yung kagabe naiinis ako. Dinaanan ko lang si steve pero bigla nya akong hinila pabalik sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero pinag alala mo ako" seryoso sya habang nakatingin sa mga mata ko,bigla naman uminit yung mukha ko, basang basa na kame parehas ng ulan. Tinulak ko sya at tumakbo,

"EUGINE!"

Hindi ko na pinansin yung pag tawag nya dahil wala akong panahon sa kalokohan ni steve. Napahinto ako ng may mga studyante ding nakatago at tinitignan pala nila yung nakahandusay na lalaki kanina.

"Tsk! Meron na naman sanang panibago pero sad to say he's dead"

bulungan nila kaya mas lalo akong nanlamig dahil narin sa basang damit ko. Napatingin sila sakin na parang sinusuri ako. Napatingin din ako sa sarili ko, shit! Mukhang nahalata yung vest ko. Sinara ko yung jacket ko at sinuot din ang hood tsaka umalis na baka may malaman pa sila.

'Ayokong makita ang pagmumukha mo'

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko nanaman ang sinabi ni kuya. Sobrang sakit na ganun ganun nalang nya ako kung itaboy. Pero nandito na ako at nangako ako kay mama na hindi ako babalik hanggat hindi ko sya napapauwi. Sinalubong agad ako ni devien na may hawak na payong.

"Saan kaba galing?"

Napangiti ako ng naging magkaibigan na ulit kami. Kahit papaano nabawasan ang kalungkutan ko. Pumasok na kami sa dorm nya at agad akong pumasok ng banyo para magpalit. Habang nakaharap ako sa repleksyon ko sa salamin, hindi ko maiwasang magduda sa sarili kong pagkatao. Habang tumatagal ako or should I say simula ng pumasok ako sa school na to ang daming nagbago sa akin na hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga rin alam kung bakit may bigla nalang akong naalala.

Clariz. .

sino nga ba si clariz? Ako ba yun? halos araw araw ko na ata napapaginipan yung mga pangyayaring yun ng paulit ulit lang din. Hinahabol ng kung sino, may pinatay, pinag experementuhan, kinulong, sunog na bahay at—

Don't tell me nagawa ko yun? Napahawak ako sa sintido ko ng bigla nanamang sumakit. Nakakasakit pala ng ulo ang kakaisip.

"Eugine mauna na ako sayo" rinig kong sabi ni devien kaya lumabas na ako. Nilibot ko ulit ng tingin yung lugar, hindi ko na pagdududahan si devien ngayon dahil sya lang ang kakampi ko simula palang nung una. Napuyat ako kagabe kahit naiinis parin ako pag naaalala ko yun! Matalino talaga sila, hindi ko pa pinagtutuunan ng pansin kung sino-sino ang myembro ng SSC dahil si steve lang ang kilala kong president dun. Para talaga syang ewan kanina, may nalalaman pa pala syang ganun. Noong una takot ang nararamdaman ko sa kanila, sa kanya pero ngayon parang bigla akong namanhid na walang maramdaman na takot. Para akong tanga na inaalam yung sarili kong pagkatao. Mukhang kailangan ko munang pagtuunan ng pansin yung sarili ko bago ang iba.

     Hating gabi ulit at gumising ako para lumabas sa school. Namiss ko na tuloy ang itsura ng labas.

"Hoy anong ginagawa mo?"

Walang emosyon akong tumingin sa studyante na pinigilan ako. Napalunok sya ng pinakita ko ang dog tag, takot nga pala yung mga studyante dito sa 12 saints, hindi ko nga lang alam kung bakit. Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Wag na wag mo akong susubukan, ok?"

Tumango naman sya at tumakbo na. Mukhang epektib talaga na sumali ako sa grupo nila dahil hindi na ako pinapansin ng iba. Noong una akala ko lang pala na sobrang tahimik nung school pero sad to say I'm wrong, simula nung namatay si brizon at charlie nagsimula nadin magkagulo. Pasimpleng nagpapatayan, pero patago lang nilang ginagawa yun. Kahit papaano may nalaman akong konti, pero hindi parin sapat yun. Umakyat ako sa puno at tumuntong sa pader. Napatingin ako sa baba. Mukhang hindi naman ako masasaktan kasi may halaman naman kaya tumalon na ako. Tumakbo ako ng mabilis para kung sakaling may makakita man sakin hindi ako maabutan.

"Sana pagbalik mo kasama mo na si kuya ericho mo baby eugine ha?"

Napatigil ako sa pagtakbo dahil hindi ko man lang naisip si mama. Sobrang tagal ko na pala syang hindi nakikita. Pero hindi ko alam kung papaano ako makakapunta doon sa bahay namin. Mukhang puro gubat lang ang paligid nitong school kaya malayo layo pa ang high way. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makita ko na ang maraming sasakyan. Nakakamiss din pala ang ganitong view. May nakita akong nakahintong truck kaya pasekreto akong sumakay sa likod habang yung driver ay umiihi ata. Naramdaman kong may sumakay siguro aalis na sya. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Nakarinig ako ng ingay kaya bumaba na ako.

Nandito na ako. . .

mama hintayin mo ako.. .

Tumakbo ako papunta sa bahay namin, naeexcite na akong makita si mama at sabihin sa kanyang nakita ko na si kuya. Pero bakit bigla akong kinabahan?

Bumagal bigla yung mga hakbang ko palapit sa bahay pero ni isa wala akong makita. Bakanteng lote lang ang naabutan ko. Napaluhod ako dahil hindi ako nagkakamali, dito banda yung bahay namin. Lumapit ako at matataas na damo lang ang lugar, tanda ko pa yung puno na inaakyatan namin ni kuya.

Dito yun, pero bakit?

Bakit walang bahay ang nakatayo dito?

Bakeeet??

Nasaan na si mama? Nasaan na sya?

Lumapit ako doon sa may puno at may napansin akong parang sunog. Hindi kaya nasunog—

"Ahhhhhhh"

napahawak ako sa ulo ko dahil may kung anong bumibiak sa utak ko. Hanggang sa mandilim ang paningin ko.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon