Chapter 37. Remorseless

5.1K 152 4
                                    


French POV.

"Nakakapagtaka lang dahil hindi ko na nakikita si kaizer" biglang sabi ni leslie habang nakatapat sa laptop nya.

"Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako" bigla namang sabi ni terrence habang nakataas ang paa sa lamesa at hindi mapakali.

Pansamantala kasi kami dito sa SSC office nagtambay dahil inaasikaso pa yung dorm ni steve. Dalawang beses ng nangyari yun sa dorm nila steve.

Lugar ba yun para patayin ang mga studyante?

Napatingin naman ako kay sion na tahimik habang seryoso lang nakatitig sa bintana. Mukhang ang lalim ng iniisip nya. Nabalitaan kong lumabag sila sa rules, pero hindi ko na alam ang totoong nangyari.

Flashback*

"Saan ba kayo nanggaling? Hindi nyo ba alam na may nangyayari ng kaguluhan dito?"
Sigaw ko pagkapasok palang nila ng office. Nilagpasan lang nila ako na parang invisible lang ako sa kanila.

"Arghh! Nevermind" irita kong sabi sabay sabunot sa buhok. Tinignan ko si Sion na may benda ang kanang kamay at may galos din sya sa pisngi.

"Nakipag away ba kayo?" Tanong ko ulit pero todo iwas lang sila ng tingin sa akin.
Mukhang alam nila na kaya kong basahin ang nasa isip nila pag tinignan ko sila sa mata.

"Psh! Bahala nga kayo!" sa inis ko ay sinipa ko yung upuan kaya nawasak.

"Asan si steve?" Biglang tanong ni terrence habang pinupunasan yung bow nya. Hindi nanaman sumagot yung dalawa kaya itinaas ni terrence yung bow and arrow nya at itinutok kay leslie.

"Hindi ako mag dadalawang isip na itira to sa inyo" walang ganang sabi ni terrence. Napailing ako, kung ako naubos ang pasensya ko kanina pero itong si terrence madaling maubusan ng pasensya kaya mabilis magalit. Sa isang iglap muntikan ng matusukan ng mata si leslie kung hindi lang sinalo ni sion ang arrow na lumipad.

"Where not in the mood you know? Pwede bang tumahimik muna kayo?" Cold na sabi ni Sion at binali yung arrow ni terrence at tinapon lang kung saan.

"Psh! Umalis lang si steve dahil may kailangan syang gawin, Don't worry inaasikaso na nya ang nangyari sa dorm nya kaya tumahimik muna kayo" bigla namang sabi ni leslie at sinamaan ng tingin si terrence.

Present*

Biglang tumunog yung telephone sa ibabaw ng lamesa ni steve kaya agad sinagot ni terrence.

"One down. . Hahahahaha"

"Who the hell are you?!"

Biglang sigaw ni terrence kaya napatingin kami sa kanya.

"See you soon hahahahaha" totoot*

"Fuck!"

Bigla nyang binagsak yung telephone kaya muntik na tuloy mabasag.

"Sino yung tumawag?" I ask . .

"I don't know. . He's freak I thought. . He's laughing like an idiot" sabi nya sabay kuyom ng kamao.

Tok tok*

Agad ko namang binuksan yung pinto kaya lang walang tao ang tumambad sa akin, isasarado ko na sana pero may malaking box na itim ang nasa tapat ng pinto.
Napangiwi ako dahil parang kakaiba yung amoy. Ang lansa, ugh! Binuhat ko nalang yun at pinasok.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon