Eugine's POV.
"S-steve" nauutal kong tawag sa pangalan nya at tinignan lang nya ako ng walang emosyon.
Mas lalo akong naluha dahil sa reaksyon nya,
Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang hindi pa pumapatak sa mata ko.
"You. Lied. To. Me" madiin nyang sabi sa bawat bigkas nya.
Pumikit ako ng mariin para maalis ang nakabarang luha sa mata ko.
"W-what do you mean steve? Anong ginawa ko?"
Nanginginig kong sabi.
May kinuha sya sa bulsa nya at tinapon sa mukha ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang litrato ko noong first year pa ako sa Athena's Academy na all girls school.
"P-paanong napunta sa iyo yan?"
Tinignan nya ako ng maiigi at wala parin akong makitang emosyon sa mukha nya.
Napapikit ulit ako ng mariin dahil ngayon alam na ni steve na nagsisinungaling ako at nagpanggap akong isang lalaki.
Ito nanga ba ang sinasabi ko e . .
Dapat hindi ko na tinuloy ang nararamdaman ko sa kanya dahil darating at darating ang araw na ito.
Ang araw na kamumuhian nya ako. .
Napahagulhol nalang ako ng iyak sa harap nya kahit alam kong wala na syang pakealam sakin.
"Steve! Im sorry! Sorry cause I fooled you. . I'm sorry talaga steve" sigaw ko sa gitna ng pag iyak.
Ang sakit pala ng ganito . . Ang sakit nga pala talagang mag mukha kang kawawa sa taong mahal mo.
Iniangat ko ang mukha ko para tignan ulit sya at sana hindi ako namalikmata ng makita ang lungkot sa mukha nya.
"Bakit mo ako nagawang lokohin" cold nyang tanong kaya napayuko nalang ako.
"I'm sorry" malungkot kong sagot.
"Sorry can't answer your question. . I can't forgive you" malamig nyang tugon kaya mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya.
"Steveㅡ"
"Don't call me by my name. . You're just now nobody to me so please stop! Iisipin ko nalang na hindi kita nakilala. . Naiinis ako sayo . . I don't care about you anymore"
Tinignan nya muna ako ng maigi bago sya unti unting tumalikod sa akin hanggang sa magdilim ulit ang paligid dahil sa pagsara ng pinto.
Parang . . Parang nawawala na ako sa sarili ko. .
"I don't care about you anymore"
Napakagat ako sa ibabang labi hanggang sa dumugo iyon.
"You're just now nobody to me so please"
Napasigaw nalang ako sa sobrang frustrated at parang hindi ko mapigilan ang sarili kong magwala.
Third person POV.
Habang nasa kadiliman si eugine sumigaw lang sya ng sumigaw hanggang mawala ang sakit na nararamdaman nya. Halos maubos na ang luha nya sa kakaiyak at parang isang baliw na tatawa at iiyak.
Hanggang sa maubusan sya ng lakas na magwala kumalma na sya at napayuko.
Bumalik lahat sa isipan nya ang lahat ng nangyari sa loob ng skwelahan.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?