French POV.
"Sa tingin mo ito kaya yung bangkay ni kaizer?"
Nagdududang sabi ni leslie habang pinagmamasdan namin yung naghuhukay.
"Sa tingin ko naman ou dahil yun ang nakalagay dito"
sabi ko at pinakita sa kanya yung papel na nakita namin noong inatake si terrence."Malay mo pinaglalaruan lang tayo?"
Irita nyang sabi.
"Tss! Hindi naman masamang subukan natin diba?"
Sagot ko din sa kanya.
"Bakit ba biglang umalis si chan?"
Nagkibit balikat lang ako . .
"Tinawagan sya ni steve e, mukhang importante ata dahil ang bilis nyang nawala"
Parang may alam sya na hindi nya kayang sabihin. .
"Sir tapos na po" biglang sabi nung naghuhukay kaya lumapit na kami.
May hinahanap ako kaya lang hindi ko makita.
Yung dogtag ang magpapatunay na kay kaizer ang bangkay nato.
"Damn!"
Nagulat ako sa sigaw ni leslie kaya napalingon ako sa kanya.
May hawak syang dog tag at nung makita ko na ang pangalan doon na ako nanghina.
"It's really true na kay kaizer nga ang bangkay nato" walang emosyon nyang sabi sabay tingin sa akin.
"Kailangan natin syang bigyan ng maayos na libing" halata sa tono ng boses nya ang lungkot sa pagkamatay ni kaizer pero wala na kaming magagawa kung nangyari na.
Sion's POV.
"Mukhang may hinihintay ka ata?"
Agad akong napaayos ng tayo dahil hindi ko aasahan na makikita ko si ericho dito.
Nakapamulsa lang sya at dala nya ang mapang asar nyang ngiti.
"Best buddy uh?"
Sarkastik nyang sabi habang nakatingin sa bandang likuran ko kaya lumingon din ako at nakita ko si dave na nakahood habang papalapit din dito.
"May kinalaman kaba sa mga nangyayari?"
Cold kong tanong sa kanya at hinahanda ang sarili ko. Inilabas ko ang baril ko at itinutok sa kanya pero nagulat nalang ako ng may mabilis na kamay ang umagaw sa baril ko at pilit akong pinapaluhod. Napalingon ako sa likod at ganun din ang ginawa kay dave.
"Pffft,, ganyan ba talaga kayo? Ang manisi ng isang inosente?" Nakangisi nyang sabi at mas lalong lumapit sa akin, tinapik nya ako sa balikat at binulungan.
"May mas interesting akong sasabihin" bulong nya kaya napalunok ako.
"Get away from him ericho!"
Rinig kong sigaw ni dave na may nakaharang din sa kanyang mga lalaki.
"Sabihin nalang nating may naligaw na kuneho sa kulungan ng mga leon? Hmm. . .ano kayang gagawin ng mga leon?"
Makahulugan nyang sabi at lumayo na sa akin.
Kunot noo ko lang syang tinignan kaya napatawa sya at tumalikod na sa akin.
"Hulihin nyo ang naligaw na kuneho bago mahuli ang lahat" huling sabi nya bago kami bitawan nung mga tauhan nya at agad na lumapit si dave sa akin.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?