Chapter 9. Brizon

7.5K 228 5
                                    

Nagliligpit na ako ng gamit ngayon dahil ayoko na!. Pag nakikita ko pagmumukha ni Brizon naiinis ako.

"Saan ka pupunta?"

Nagulat ako ng marinig ang boses nya. Akala ko ba tulog na sya? Sinilip ko sya sa baba na poker face na nakatingin saken.

"Aalis na ako" tipid kong sagot at tinuloy ang pag iimpake. Nakaramdam ako ng hapdi sa kanang pisngi ko.

Teka? Dugo?

Tinignan ko sa salamin yung mukha ko at may sugat ako. Wait what? Paanong?? Nakita ko sa kanang kamay nya ang dagger habang pinapaikot. Napatingin din ako sa likod at may nakatusok na dagger sa wall.

"Teka! Bakit mo ginawa yun?"

Ang bilis nun ni hindi ko man lang nakita.

"Rule is rule. . No One dares to quit or else they die-" napalunok ako sa sinabi nya.

"Both" dugtong nya.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Both? Yun bang sa school na rules? At sa grupo?

'Gusto nya atang umalis sa group na yun pero hindi sya pinayagan'

naalala ko bigla yung sinabi ni Devien saken dun sa pang 12 saints at yun ang kuya Ericho ko. Napakuyom ako ng kamao, ou nga pala muntik ko ng kalimutan si kuya.

"Ok fine! But what about Dave? May gina- nevermind"

hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko.

"Hindi naman sya nag quit" kalmado na nyang sabi. Napangiti naman ako dun.

"Trully? Hindi sya nag quit?" Sinamaan nya ako ng tingin sabay kunot noo.

"Do I have to repeat what I say?" Napailing ako dahil alam kong naiinis na sya.

"Babalik ba sya?" Tanong ko ulit dahil curious talaga ako kung napapano na yung masayahing dave

"Bakit ba lagi mo nalang syang tinatanong?! Kaya naman nya yung sarili nya" napapikit ako at kinabahan dahil nilabag ko nanaman yung rules nya.

'Don't you ever annoy me or else. .'

Napangiti ulit ako, buti naman babalik na si Dave dahil sya lang ang kaibigan ko. Lumabas nalang muna ako para makapag isip. Mamaya pa yung class namen tsaka wala akong balak pumasok. Nakita ko si Kaizer na naglalakad sa corridor kaya tumakbo ako para sabayan sya. Ayan na naman sya, lagi nalang may bubblegum sa bibig tapos ang cool nya pa sa suot nyang headphone na blue. Hindi nya ako pinansin dahil nakapikit lang sya habang naglalakad. Umupo sya sa may bench kaya tumabi nalang ako.

"Nakakainis na yang pag sunod at pagtitig mo saken" cold nyang sabi habang nakapikit parin. Tumawa lang ako dahil hindi naman pala sya ganun ka sungit.

"Wala lang gusto ko lang kayo makilala" sabi ko at pinagdikit ang dalawa kong daliri. Mannerism ko lang pag may kausap akong nahihiya.

"Wag mong husgahan si Brizon dahil hindi mo pa sya kilala" bigla nyang sabi kaya napatigil ako at nakadilat na pala sya habang nakatingin saken. Ang gwapo din nito,

"Alam kong galit ka at galit din sya sayo pero mabuting tao sya sa mga kaibigan" napaisip naman ako. Ou totoo ngang inis na inis ako kay Brizon kahapon dahil sa inasta nya.

"Pero bakit parang hindi naman halata sa kanya?" sabi ko at tumingin sa mga studyanteng napapadaan.

"Ganun lang talaga yun, sya ang pinakamakulet samin date" humina yung boses nya sa huli. Ano bang meron noon? Sa ngayon?

"Best friend nya kasi si Dave kaya ganun nalang sya mag alala, alam na alam nya kung sino ang kahina hinala-" tumigil sya at tumingin saken.

"Diba? Kilala namen si Dave, kahit kailan hindi nya hinahayaang mapunta kahit kanino yung dog tag namen" ayan na naman! Pati ba naman sya pag bibintangan ako?.

"Mauna na ako" sabi nya sabay tayo, tumango nalang ako. Tumayo nalang din ako at paglingon ko sa kanan nakita ko si Brizon na tumatakbo. Pinasingkit ko pa yung mata ko para makita ko ng malinaw. Tama! Si Brizon nga! Hindi ko alam pero sinundan ko sya at naabutan ko sya sa may garden. Nakaupo sa damo habang nakatukod ang dalawang kamay sa damuhan.

"Brizon!"

Sigaw ko kaya ang sama ng tingin nya saken.

"Anong ginagawa mo dito!?"

Inis nyang sabi sabay bato saken ng madampot nya.

"Pwede ba tayong mag usap?" Seryoso kong pakiusap pero inirapan lang ako kaya tumabi ako sa kanya.

"Sorry na" sabi ko kaya napatingin sya saken.

"Sorry!? Tsk! Umalis ka nga!" Sabi nya sabay tulak saken. Pero napatawa lang ako.

"Anong nakakatawa?!" Tumikhim ako at ngumiti sa kanya.

"Sorry na nga kahapon at nagsigawan tayo, ikaw naman kase sinisi mo ako" sabi ko kaya napahinto sya at tumingin sa langit.

"Ayoko lang kasi maulit yung date. . . iniwan ako ng kaibigan ko. . hindi na sya bumalik" tama nga si Kaizer, mabuting tao nga si Brizon.

"Sino ba yang kaibigan na yan?" Curious kong tanong.

"Wag mo ng alamin" cold na nyang sabi at tumayo. Pinagpag nya yung pantalon nya tsaka nya ako pinatayo

"May pasok pa tayo"

huh? Magkaklase kame?

"Magkaklase ba tayo?"

Napangiti sya at ginulo yung buhok ko.

"Tanga! Ikaw lang ba may klase?" Napangiti ako dahil ayos na kami ni Brizon. Sinisimulan ko na silang kilalanin, kapag nalaman ko na kung sino ang may gawa mag babayad sya saken. Napasmirk ako habang pinagmamasdan si Brizon na naglalakad.

"Malalaman ko din kung sinong kaibigan ang sinasabi mo" dahil lahat ng gusto ko nakukuha ko.

♢ ♢ ♢ ♢

Naalimpungatan ako ng bigla nalang may bumuhos ng tubig saken

"Gago kaba?! Bakit mo ako binuhusan?"

Gigil kong sigaw kay Terrence. Tsk! Ano bang problema nito!? Sya din nagbuhos saken nung nakaraan. Tumalikod ulit sya na parang wala syang ginawa. Kinuha ko yung panyo sa bulsa at inis na pinunasan yung mukha ko. Bwisit!! Padabog akong naglakad papuntang locker at ng pagbukas ko bumungad saken ang sandamakmak na enveloped. Ok lang sana kung colorful e. Pero nakakakilabot dahil kulay itim ang kulay tapos kulay red yung font. Pinasok ko nalang lahat sa bag, babasahin ko nalang mamaya. Bigla naman akong naalerto ng maramdaman kong may nakamasid saken. Palingon lingon ako sa paligid habang sinasara yung locker ko.

Bakit ganun?

Iba yung pakiramdam?

Yung parang may gustong pumatay saken?

May pinaghihinalaan ako. . .

pero sana naman. . .


hindi sya.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon