Chan Hanzel POV.
"May nag padala nito sa akin kagabe, hindi ko alam kung sino dahil wala namang address" paliwanag ko kay terrence. Ayoko munang malaman ng iba ang tungkol dito kaya ngayon gusto nyang tumulong sa kaso ni kaizer.
"Napuntahan mo naba ulit yung labyrinth?" Tanong nya kaya bigla akong nagka idea.
"Matagal tagal na akong hindi nakakabalik doon" sagot ko at sumandal sa pader.
Simula noong naingkwentro ko si dave at nag laban kami yun na ang huling punta ko sa labyrinth.
"Wait, hmmm kung sa labyrinth naiwan ang bangkay ni brizon siguro masasagot na ang tanong natin" - Terrence
"Yeah . . I think so" sagot ko nalang at napagplanuhan naming pumunta sa labyrinth.
ㅡ
"Ugh! parang ayoko ng tumuloy" reklamo ni terrence ng makalanghap kami ng malansang amoy na humahalo sa hangin. Mas lalong dumami yung damo at may crawling grass na din na kumalat.
"Suotin mo nalang to" sabay bigay ko sa kanya ng mask. Agad naman nyang sinuot at sinimulan na naming pumasok.
Nakakatakot talaga ang itsura ng labyrinth, parang horror scene at nakakatakot lang dahil wala kang clue kung sino ang makakasalubong mo sa bawat pagliko.
Nakarinig kami ng nagcrack kaya napahinto kaming dalawa.
"Fuck!"
Sigaw ni terrence ng maapakan nya yung buto. Yun siguro yung nag crack. .
Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin at mukhang uulan pa ata, nagdidilim na kasi ang langit.
"Chan itutuloy paba natin to? baka maabutan pa tayo ng ulan dito"
"Sana hindi ka nalang sumama kung puro reklamo ka lang dyan" cold kong sabi at nagpatuloy parin sa paglalakad.
Napahinto ako at nanlaki ang mata ng marating namin ang lugar kung saan ang bangkay ni brizon.
"N-nasaan na ang bangkay nya?"
Naalala kong sinunog ni dave yung bangkay noon.
Lumapit ako doon at naghanap pa ng ibang clue.
"Hindi kaya buhay talaga sya?" - Terrence
"I don't think so" tipid kong sagot.
"Teka ano to?" May tinuro syang parang numbers sa pader.
Lumapit ako doon at hinawakan iyon pero wala akong makita.
"Sino namang baliw ang magsusulat nyan dyan?"
"Ewan pero mukha syang dying message ng kung sino man" sabi ko at humawak sa baba.
Eto kasi ang nakasulat. ,.
5 + 6 - (14 ÷ 7) + 5 - 9
Para syang code. . .
Napahilot ako sa sintido at pinicturan ko nalang baka makahanap ako ng paraan para masolve ang ibig sabihin nun.
Eugine's POV.
"Hi sis. . . Long time"
Napadilat ako ng mata ng marinig ko ulit ang boses na yun sa utak ko.
Sino ba yun?
Pumikit ako ng mariin ng maalala kong nabangga ako ng kotse hanggang sa hindi ko na alam anong nangyari.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?