Chapter 45. Boys Love?

5.2K 173 11
                                    

Eugine's POV.

"Ouch!" Daing ko ng bigla akong sinampal ni devien. .

Teka? Sinampal ako ni Devien?!

"What the?! Bakit mo ako sinampal?"

Inis kong sabi sabay hawak sa pisngi kong namanhid ata sa lakas.

Ang gago ngumisi lang at inakbayan ako, kaya irita kong inalis ang kamay nya.

"Pfft, , wala lang"

Wala lang? So trip nya lang sampalin ako??

Sinamaan ko sya ng tingin at nag walk out. Hinamas himas ko yung pisngi kong namamanhid parin.

"Kamusta kana eugine?"

Napatalon ako sa gulat ng bigla nanaman nya akong akbayan.

Napangiwi ako ng ngiti sya ng ngiti sa akin, nakakakilabot kaya ugh. Kinurot kurot nya pa ako sa pisngi na lalong kinainis ko.

"Ano bang problema mo?!"

Sigaw ko sa kanya kaya napasimangot sya at lumayo sa akin.

"Sinisigurado ko lang" bulong nya at umiwas ng tingin. Pinansingkitan ko sya ng mata dahil kanina sinampal nya ako taposㅡ aisshh!

"For what?"

"Hmm.. nevermind" sabi nya at nagsimula ng maglakad. Nanlaki ang mata ko ng papunta sa direksyon namin si steve kasama si leslie kaya hinila ko pabalik si devien na kinagulat naman nya.

"Anongㅡ"

"Shh!!"

Sabi ko at tinakpan yung bibig nya. Nagtago kami sa pader at sinubukan ko ulit silipin kung nakalagpas naba sila.

"Bakit kaba nagtatago?" Tanong nya habang nakakunot noo.

"Shh! Ang alam nila wala akong maalala kaya wag kang ano dyan!" Bulong ko habang hinihila sya pabalik.

"Papasok pa ako" irita nyang sabi kaya hinila ko yung tenga nya.

"Ikaw! Kala mo nakalimutan ko na yung sinampal mo ako? Tss tss para fair na tayo magpanggap kang itotour mo ako para hindi sila maghinala" utos ko sa kanya at sya naman namimilipit sa sakit.

"Ouch! Teka nga! Ou na! Ou na! I'm sorry ok?"

"Tara!"

Hinila ko na sya para makalabas na kami sa pinagtataguan na saktong napatingin naman si steve sa amin. Umiwas ako ng tingin at kunyaring inaalam ko yung mga pasikot sikot dito sa school.

"Devien right? Hmm.. ikaw pala yung una kong naclose?"

Kunyari kong tanong ng magtatagpo na kami ng dadaanan. Nanginginig yung kamay ko at hindi ako mapakali na kaharap ko nanaman si steve.

Inakbayan ako ni devien at nilapit ang mukha sa akin sabay gulo ng buhok.

"Close na close kaya tayo! Di mo maalala tss" nakangiting sabi ni devien.

Nung madadaanan na namin sila huminto si steve kaya napahinto din kami.

Nagulat ako ng bigla nalang akong hinila ni steve palapit sa kanya, kaya halos masubsob ako sa dibdib nya. Para tuloy naging slow mo ang paligid ng hilain nya ako at ang hirap huminga ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Shitness! Yung puso ko umaalburoto!

Agad akong lumayo kay steve pero hinila nya ulit ako para yakapin.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon