Chapter 49 Confessions

15 4 1
                                        

Darlee POV

Pumasok si Justine sa kotse ko at tumabi sakin, matagal din kaming tahimik bago kami nagusap, parang hinayaan niya muna akong damdamin yung pain at hinintay akong kumalma.

"What happened?" Seryoso niyang tanong, mukhang nagaalala din.
"Si Hades ba?" Matagal akong hindi nakasagot kaya nagsalita ulit siya.
"Anong ginawa sayo ni Hades?" Kalmado parin siya.

Muli akong naiyak sa tanong niya, masyadong masakit para sakin na marinig ang pangalan niya ngayon.

"Nakipaghiwalay na siya sakin" Sagot ko habang umiiyak parin, sana lang naintindihan niya ang sinabi ko, ang lakas parin kase nang iyak ko.

"Ano???" Kunot noo niyang tanong.
"Bakit daw? Anong dahilan?"

"Nagiging okay naraw sila ni Diana at wala naraw siyang magagawa sa naging desisyon nang mommy niya" Grabe ang lakas nang iyak ko.
"Parang kailan lang, nagbebeg siya sakin na balikan ko siya, halos gawin niya lahat para lang bumalik ako. Tapos ngayong naging kami ulit, pinagpalit niya lang ako sa iba. Mas pinili niya parin si Diana after niya magpromise sakin na ipaglalaban niya ako"

"Gago siya" Napasandal nalang si Justine at tumingin sa kalsada, parabang may iniisip.

"Ako yung pinilit niya tapos si Diana parin pala ang pipiliin niya. Inamin niya sakin na simula nung nakita niya tayo sa bahay, doon na siya sa condo ni Diana nagstay. Nung una palang ayaw kona siyang balikan, pero ang sabi niya, kaya niya. Kahit mawala pa sakaniya ang lahat, kahit magalit pa ang mommy niya, ako parin ang pipiliin niya. Ako naman tong si tanga, naniwala sa lahat nang mga sinabi niya, nagpadala ulit ako sakaniya"

"Sige, iiyak mo lang" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Nandito lang ako" Nakatingin lang ako sakaniya habang hawak hawak niya ang kamay ko at maluha luha parin ang mga mata ko.
"Sasamahan kita palagi"

Sa sandaling ito, nagflashback sakin lahat nang mga pinagsamahan namin ni Justine. Simula pa noong una, nanjan na siya lagi kapag kaylangan konang tulong okaya kausap. Siya ang nagsasalba sa akin sa tuwing nilulubog ako nang mundo, siya yung nagpupunas nang mga luha ko kapag pinapaiyak ako ni Hades.

Everything flashback's in my head, na siyang nagpatigil nang pagluha ko. Kung ganitong klasing lalaki lang ang lahat nang mga lalaki, walang mga babaeng masasaktan.

"Know your worth Louise" Muli niyang sabi.
"Si Hades lang yun, marami pang lalaki jan na mas magpapahalaga sayo, mas magmamahal sayo nang higit pa sa pagmamahal ni Hades. At hindi ka sasaktan, kagaya nang ginawa niya"

Kanina, sinabi din ni Hades yan sakin.
Na mas better sakaniya si Justine kaya mas maaalagaan niya ako nang higit pa sa ginawa niya.

"Tulad mo" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi to, pero ang alam ko, seryoso ako sa sinabi ko.

"Tulad ko?" Naniniguradong tanong niya.

"Oo Justine" Tumango ako at hinawakan korin ang kamay niya.
"Salamat kasi palagi kang nanjan para sakin"

"Wala yon, basta kapag kaylangan mo ako, lagi lang akong nandito. Magsabi ka lang" Buti nalang nandito si Justine, kung nagkataon na hindi siya dumating, hindi kona alam.
"Kahit bumabagyo pa, pupuntahan kita kapag tinawag moko"

"Nakapagbiro pa talaga" Natawa nalang ako dahil sa biro niya.

"Para tumawa kana, pumapangit ka kapag umiiyak ka eh" At nangasar pa talaga.

"Ah talaga?"

"Biro lang! Kahit umiiyak ka, maganda ka parin. Napakaganda kaya nang fiancé ko kahit saang anggulo mo tignan" That word, make me so special.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now