Chapter 18 Back Hug

30 5 1
                                        

Darlee POV

Bago lumabas nang room, kaniya kaniya muna kaming retouch at pagaayos nang buhok para di halatang puyat.

May plano kasi ang mga boys na magbeach volleyball ngayon, ang ganda kase nang sikat nang araw, tapos medyo maraming bakasyonista ngayon sa Vineyard kaya mas masaya.

"Diba? Curly hair is better kapag nasa beach ka, just a summer vibe" Bagay na bagay nga kay Robin ang curly hair niya today, ang haba kasi nang hair niya tapos sexy pa siya kaya bumagay.

Si Heaven naman nagcurl din nang hair tapos nagbasa na nang book habang hinihintay kami. Hindi na siya nagmake up, kahit hindi talaga siya magayos, ang ganda parin niya. Actually, saming lima, siya talaga ang perfect eh.

Matalino, mabait, simple pero maganda.

"Nasaan pala kayong lahat before nating boodle fight? Iniwan niyo ako magisa sa kwarto tapos ang tagal niyo bago bumalik" Tanong samin ni Heaven.

"Kami ni Darlee magkasamang namingwit, alam mo naman yon, nakwento na namin. Ewan ko lang sa dalawa nayan kung nasaan kagabi" Sagot ni Robin.

"Claudia? Nasabi ni Jin na nakita niya kayong magkasama ni Colton lumabas kagabi before tayo magboodle fight? Saan kayo pumunta?" Tanong uli ni Heaven kay Claudia.

"Ah, hinahanap yung mga wala, bored kasi kami parehas, kaya nung di namin sila nakita, bumalik nalang kami sa villa" Claudia.

"Ako, nakausap ko si Kavin kagabi" Napatingin naman kami kay Odette dahil sa sagot niya at sunod sunod na kaming umupo sa tabi niya para makinig sa ikikwento niya.

"Nagkausap? Anong pinagusapan niyo?" Curious na tanong ko.

"Pakiramdam ko, ang mature namin kagabi, nagkausap kami nang maayos tapos humingi kami nang tawad sa isat isa" Sa tingin ko naayos na talaga nila ni Kavin ang closure nila, kasi masaya na ulit si Odette.
"Wala nang nakatagong sama nang loob, hindi ko maexplain kung gaano na kagaan ngayon. Yung feeling na, ang saya saya kona, wala nang nakatago at wala nang mabigat. Dumagdag pa sa saya na okay na kami ni Kavin, we started as a friends, so we ended it as a friends too"

"So happy for you" Sabay yakap sakaniya ni Robin.

"Hindi na talaga kayo nagkabalikan?" Nakapout na tanong ni Claudia.
"We thought may pagasa pa eh"

"Hindi na pero buti nalang we're in good terms na, we're friends again" Nakangiting sagot ni Odette.
"May konting panghihinayang pero ang saya ko, mas nangingibabaw yung happiness, feel niyo yun?"

"Ganon talaga, pag hindi kayo ang end game, hindi talaga kayo magbabalikan. But it's okay, kase at least natututo kayong dalawa"

Naggroup hug tuloy kami nang di oras para yakapin si Odette.

Natapos ang group hug namin nang may kumatok sa pintuan, si Zero.

"Breakfast na" Aya niya saamin.

Sunod sunod na kaming tumayo at lumabas para makakain na.

Paglabas namin, nandun na sa backyard ang mga boys at kumakain na nang breakfast.

Umupo narin kami at sumabay na sakanila.

"Sino nagluto?"

"Yung iba galing sa resort, yung iba naman niluto namin" Sagot ni Zero.

"Ramdam ko parin yung busog dun sa mga squid kagabi" Claudia.

"After nang breakfast, magpalamig na tayo sa dagat" Aya ni Jin.

Kagaya nang sinabi ni Jin, pagkatapos nga naming magbreakfast, nagpahinga lang kami nang ilang minuto tapos pumunta na kami sa beach.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now