Robin POV
Pagdating namin sa Empire medyo late na pero marami paring students, magpapark sana kami sa right side nang campus kaso may limang kotse nang nakapark kaya sa left side na kami dumaretsong lima.
Halos magkakasabay lang kaming bumaba sa mga kotse namin and sabay sabay rin kaming naglakad papasok nang Empire high, it's giving us the vibes of the five popular girls entering the campus
Sa main building lang daw ang enrollment kaya doon na kami dumaretso at hindi na kami nagkaroon nang oras para libutin pa ang school.
Pumila kami sa limang line para sabay sabay na magfill up nang papers, para if ever na may tanong at hindi naiintindihan ang isa mag tatanungan nalang kami.
"Lahat ba need naming sagutin? Or yung mga important parts nalang?" Seryosong tanong ni Claudia sa isang student.
"Kayo po ang bahala, transferee po kasi kayo eh, kaya need namin nang more details about you and your friends" Sagot naman niya agad.
Tinatamad na naman siguro to or inaantok.
"After niyo po magfill up, umupo po muna kayo doon sa mga bakanteng chairs" Turo niya sa kabilang bahagi nang building.
"Pupuntahan kopo kayo para sabihin pa yung ibang mga needs para makapasok po kayo dito sa Empire high"
"Okay thank you!" Pagpapasalamat ni Darlee sakaniya.
Pagkatapos naming magfill up sinunod namin ang sinabi niya na umupo at maghintay sa kabilang building.
Maya maya, lumapit na siya at may dala dalang mga index cards, saka niya yon binigay sa amin isa isa.
"Dyan sa labas nang Empire high may gawaan nang uniforms and boots, hanapin niyo si miss Shara, sabihin niyo transferee kayo tapos siya na bahala non sainyo. Makikita niyo rin doon si kuya Ren, magpakuha kayo nang mga photo para sa iniyong mga id's" Paliwanag niya samin.
"Okay salamat" This time si Heaven naman ang nagpasalamat.
"Iwan kona kayo, mukhang alam niyo na ang mga dapat niyong gawin, medyo marami pa kasing mga enrollees na dapat naming asikasuhin" Paalam niya samin bago bumalik sa kinauupuan niya kanina.
"Parang ang babait naman nang mga students dito sa Empire, i think hindi tayo mahihirapang mag adjust" Heaven.
"You're not sure Heaven, we just met only one student, marami pa tayong makikilala na naiiba sakaniya" Odette.
"I agreed with Odette" Claudia.
"Tara na nga! puntahan na natin yung pagawaan nang uniform na sinasabi niya" Aya samin ni Darlee at agad naman kaming sumama sakaniya.
Paglabas namin nang school, agad naming hinanap ang shop na tinutukoy nung student sa tapat nang Empire high at nung makita namin, agad na naming pinuntahan yon.
Pagpasok namin walang ibang student kung hindi kami lang kaya agad kaming nilapitan nang isang babae na nandito sa shop, siguro siya yung miss Shara na sinasabi nung student kanina.
Inabot namin sakaniya yung mga index card na may request nang uniform at id at agad naman niya itong binasa isa isa.
"Oh i see, transferee kayo?" Mahinhin niyang tanong samin.
"Yes miss" Sagot ni Darlee.
"Before anything, i'm Shara Lopez, miss Shara nalang" Pagpapakilala niya samin.
"I'm Darlee and they are my friends, Robin, Odette, Heaven and Claudia" Isa isa niya kaming tinuro with our names.
"Hi" All.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Teen FictionA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
