Chapter 46 Drunk Night

17 4 1
                                        

Claudia POV

Hindi kami masyadong naginom kaya walang tama samin yung alak kanina, nakauwi na kaming lahat nang safe at hindi masyadong lasing.

Paguwi ko agad akong naligo at nagpalit nang pantulog.

Napadaan ako sa kwarto ni Colton kanina, nandon pa ang mga gamit niya, hindi niya pa nakukuha, baka hindi pa siya nagpunta ulit dito, wala akong idea kung kailan siya babalik para kunin ang mga gamit niya.

Ewan koba! Parang hinihintay ko siyang umuwi! Nasanay ako na magkasama kami sa iisang bahay, nasanay ako na nandito lang siya. Hinahanap ko ang presence niya sa bahay ko, pati ang amoy niya naiwan pa dito.

Humiga nalang ako sa kama ko at sinubukang matulog, masyadong mahaba ang araw kanina, maraming nangyari at natapos. Gusto konang magpahinga, gusto konang matulog para bukas okay na ulit.

Patulog na sana ako nang bigla namang magring ang doorbell, napatayo ako at napaisip kung sino ang bibisita sakin nang ganitong oras.

Meron ba sa mga kaibigan ko ang hindi nakauwi? Lumabas ako nang kwarto at bumaba para buksan ang pinto.

Pagbukas ko nang pintuan, bumungad sakin ang hangin na may halong amoy nang alak and i was shocked on who i saw.

It's Colton, amoy alak siya at parang nakainom.

Gulat ako na may halong kilig dahil nandito siya.

Tumingin ako sa orasan, it's already 11 pm.

"San ka galing? Lasing ka? Bat umuwi ka dito?" Sunod sunod kong tanong.

"Nandito pa ang mga gamit ko diba? Kaya pwede parin akong umuwi dito" Pagkasagot niya, pumasok na siya sa loob, sinara ko naman agad yung pinto dahil mahangin sa labas at medyo nilalamig ako.

"Teka sandali" Paakyat na siya nang hagdan nang hilain ko ang kamay niya, sa paghila ko, napaharap siya sakin at nalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Namiss ba ako nang ex fiancé ko?" Nakangisi niyang tanong habang walamang isang metro ang layo niya sakin.

"Saan ka naginom? Sinong mga kasama mo? Nakapagdrive ka pauwi o may naghatid sayo?"

"Naginom ako sa bar, kasama ko sina Hades, Kavin, Jin at Zero" Binilang pa talaga niya sa mga daliri niya ang mga nakasama niya.
"Oo nakapagdrive pa ako pauwi, walang naghatid sakin" Sinagot niya isa isa lahat nang mga tanong ko sakaniya.
"Hindi kami nambabae, wala kaming panahon sa mga yun" Itatanong ko palang sana kaso naisip ko napakaOA ko naman kung itatanong ko yun, eh wala namang kami.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiilang ngayon kahit sobrang lapit namin sa isat isa, halos nararamdaman ko ang hininga niya na humahaplos sa mukha ko.

"Kaya mopa?" Parang matutumba na kasi siya anytime.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinalupot yon sa batok ko, inalalayan ko siya paakyat nang kwarto niya.

Pagdating namin sa kwarto niya, binitawan ko siya sa kama, napahiga siya. Hindi ko alam kung medyo napalakas yung pagbitaw ko sakaniya, eh hindi ko naman siya mabuhat eh, paano ko dadahan dahanin ang pagbaba sakaniya?

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now