Chapter 55 New Friend Unlocked

23 5 1
                                        

Robin POV

Paglabas ko nang building, dumaretso ako sa car ko para ilagay na doon ang mga gamit na nilabas ko from dressing room.

Pagkatapos kong ipasok, babalik na sana ako sa main event para sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyare, pero habang naglalakad ako, nakarinig ulit ako nang ingay sa isang kotseng dadaanan ko, parang may nagaaway ulit.

Paglapit ko, i saw Kim and her dad again, nagkalat yung mga nilabas niyang gamit galing sa loob.

I think kagagawan nang daddy niya kung bakit nakatapon lahat ang mga gamit niya sa sahig ngayon.

"Hindi ka nahihiya?! Pinatawag pa ako dahil sa kagagahan mo! Buti nalang nariyan lang ako sa malapit! Nakakahiya ka talaga!" Sigaw sakaniya nung daddy niya.

"Wala akong kasalanan, i am at the stage that time. Pagbalik namin sa likod, bigla nalang sinabi nung kaibigan ko na sinira niya yung gown nung kalaban ko" Paliwanag ni Kim.
"I was also shocked in the first place"

"Tigilan mo ako Kim! Kilala kita! At ganun ka!" Tinuro turo pa siya nung daddy niya.

"Edi kung ayaw mong maniwala, wag kang maniwala" Sagot ni Kim.

"Problema ka talaga sa buhay!" Grabe makapagsalita ang lalaking to, parang ang linis ah?
"Kung pwede ka lang itapon kasama nang mga gamit mo nayan!"

"Edi itapon mo ako dad! Pwede naman yon! Para narin malayo ako sa kahihiyan na dinadala mo!" Sigaw sakaniya ni Kim.

"Ah ganon!" Hinatak nung lalaki si Kim at dinala sa harapan nang sasakyan niya, saka siya pumasok sa loob at pinaandar ang sasakyan.
"Jan ka lang!" Papatayin ba niya ang anak niya?

"Sige sagasaan mona ako! Para maging masaya kana!" Umiiyak na si Kim.
"Patayin mona ako!"

"Papatayin talaga kita! Wala ka namang silbi! Wala kang ambag sa buhay ko!" Sigaw nung daddy niya.

Akmang sasagasaan nanga niya si Kim pero hindi ko natiis, hinarangan ko yung kotse, hindi naman ako natamaan kasi nakapagpreno siya nang mabilis nung humarang ako. Pero napaupo si Kim dahil sa kakaiyak nito, hindi rin siguro niya maisip na itutuloy talaga nang daddy niya yun.

"Enough!" Sigaw ko sa daddy niya.

"Magpapakamatay kaba!" Sigaw niya sakin.

"Kung anak monga kaya mong sagasaan diba?!" Pambabara ko sakaniya.

"Magsama kayong dalawa!" Saka na siya nagdrive at iniwasan kami ni Kim.
"Itapon mo nalang yan kung saan! Wag monang pababalikin sa bahay ko! Wala namang kwenta yan! Uulitin ko, wag monang pauuwiin sa bahay ko yang babaeng yan!" Sigaw pa niya bago tuluyang nagdrive paalis.

"Tayo" Sinusubukang ko siyang alalayan para makatayo siya.

"What are you doing Robin?" Mukhang nagsusungit parin siya kahit umiiyak na.

"This is not the right time para magsungit ka or awayin ako Kim, i'm trying to save you from that evil. Kaya tumayo kana para makaalis na tayo" Tumayo siya at sumama sakin.

Sinakay ko siya sa kotse ko at sumakay narin ako, pinaandar ko ito para makapagdrive na pauwi.

"Saan mo ako dadalhin?" Curious niyang tanong.

"I'm bringing you home"

"Wag, hindi ako pwedeng umuwi samin" Mukhang traumatized siya sa nangyari.
"Hindi ko alam ang mga pwede niyang gawin kapag nakita niya ako" She's talking about her father, i know.

"Sinong nagsabing sainyo kita iuuwi? Sa tingin moba pagkatapos nung nakita ko kanina, pauuwiin pa kita sainyo? I'm bringing you to my house"

"Dadalhin mo ako sa bahay mo? Bakit?" Hindi pa siya makapaniwala.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now