Heaven POV
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa tent ko habang iniisip yung nakita at narinig ko kanina.
Pagdating ko sa lugar kung nasaan ang mga tent namin, naabutan kong sarado na ang tent nang apat na girls, habang yung mga boys bukas parin ang mga tent nila.
Siguro hindi pa sila nakakabalik.
Pumasok na ako sa tent ko at humiga.
Hindi na nawala sa isip ko yung narinig ko kanina sa usapan nina Hades at Jin.
Kung totoo man ang nasa isip ko, dapat kobang sabihin kay Darlee?
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukan nalang matulog.
Kina umagahan, paggising ko maingay na sa labas, siguro dahil gising na yung iba.
Paglabas ko, nasa labas narin yung mga girls, nakatambay sa gitna nang mga tent namin.
"Buong gabi ka naming hindi kasama ah?" Bungad na tanong sakin ni Odette.
"Hirap maging task leader, every time na may ipapagawa si sir, sakin niya inuutos. Hindi ko tuloy naeenjoy ang field trip" Reklamo ko.
"Bat kulang ang mga tent nang mga boys?" Napatingin naman kami kay Robin.
"Wala yung tent ni Jin"
"Umuwi na siya kagabi pa" Sagot nang kakalabas lang na si Zero.
"What??" Gulat na tanong ni Darlee.
"Sayang naman ang budge na makukuha namin, kung kailan okay na ako saka naman umuwi nang Manila ang partner ko"
"Bat umuwi?" Curious na tanong ni Claudia.
"Secret" Asar ni Zero samin.
"Tangina ka" Sigaw ni Odette sakaniya.
Naisip ko naman bigla yung kagabi, siguro dahil nagkasagutan sila ni Hades kaya siya umuwi.
Lumala ba yung away nila kagabi?
"Good morning love" Yakap at sabay halik naman sa forehead nang kakagising lang na si Colton kay Claudia.
"Ang agaaga ah?" Sigaw ni Odette sakanila.
"Kavin? Inggit to, halikan monga sa noo saka mo yakapin" Utos ni Zero sa kakalabas lang na si Kavin.
"Sira ulo ka" Nasigawan tuloy ulit siya ni Odette.
"Bat ang agaaga ang gugulo niyo jan?" Bungad na tanong samin ni Kavin.
"Yan oh si Zero parang bulbol! Ang gulo sobra" Odette.
Natahimik naman ang lahat nung lumabas si Hades sa tent niya.
Napatingin naman kaming lahat kay Darlee, parang umiiwas siyang tignan si Hades.
Dumaretso si Hades sa tabi ni Darlee.
"Can we talk?" Maagang tanong ni Hades kay Darlee.
Tumayo naman si Darlee at sumama kay Hades.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Ficțiune adolescențiA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
