Hades POV
Nandito ako sa tapat nang bahay ni Justine, nakasandal ako sa kotse ko habang pinapanood ko ang pinsan ko na hinahalikan ang babaeng mahal ko.
Hindi ba nila ako nakikita?
Nandito lang ako oh?
Ako, kitang kita ko sila.
Hanggang tumigil na sila at may isang katulong ang lumapit sakanila saka na sila umalis sa balcony.
Wala akong choice kung hindi umuwi nalang, pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ang makina nito, bago ako nagdrive, chineck ko muna ang phone ko, pagbukas ko nakita ko ang sandamakmak na mga message ni Diana sakin, pinipilit niya ako na matulog ulit sa condo niya.
Wala ako sa mood kaya tinurn off ko nalang ang phone ko para hindi na siya makatawag, ayaw ko muna nang kausap, uuwi ako sa bahay namin at magkukulong ako sa kwarto ko magdamag.
Hindi kona iisipin si Darlee, wala din akong pakealam kahit anopang gawin nila ni Justine sa bahay niya.
Paguwi konang bahay, agad kong hinagis ang bag ko sa sofa kung saan nakaupo ang ate ko. Nagulat siya sa ginawa ko pero wala din siyang nagawa, daredaretso akong umakyat sa kwarto ko at binagsak ang pinto.
Humiga ako sa kama kahit hindi pa ako nakakapagpalit nang uniform at hindi kopa naaalis ang mga sapatos ko.
Patulog na sana ako nang biglang may nambato nang bag sakin, pagmulat nang mga mata ko, nakita ko ang ate ko. Binato pa talaga niya pabalik ang bag ko sakin, hindi naman siya natamaan kanina ah?
"Anong problema mo?! Bat ka nagdadabog?!" Sigaw niya sakin.
"Wala!" Umupo ako sa kama ko at umiwas nang tingin sakaniya.
"Kilala kita Hades!" Madalang ko lang siyang tratuhin nang ganiyan kaya alam na alam niya kapag may problema ako.
"Sasabihin mo o sasapakin kita?"
"Hiwalay na kami ni Darlee" Mas mahinahon na akong sumagot sakaniya.
Umupo siya sa tabi ko at kalmado narin siya.
"What happened?" Nagaalala niyang tanong.
"Alam mo naman siguro na pinsan niya ang fiancé ko and" Pagputol ko sa salita.
"And?" Gusto niyang ituloy ko ang gusto kong sabihin.
"Gusto siya ni Justine" Napayuko nalang ako after ko masabi yun.
"Justine Hontiveros"
"What?!" Gulat niyang tanong.
"Hindi niya ba alam na girlfriend mo siya?"
"Late na niya nalaman, nagkagusto na siya kay Darlee bago niya pa nalaman"
"Anong sabi ni Darlee?" Curious niyang tanong.
"Gusto din yata siya ni Darlee"
"Ano???"
"Mukhang sila nanga yatang dalawa" Malungkot kong sabi.
"It's okay, ganiyan talaga kapag nagmamahal ka, hindi ka pwedeng piliin palagi. You have to wait for the right time and the right girl" Tinapik tapik niya ang likod ko.
"Ang saya kopa naman since naging kayo ni Darlee, kase nakita ko kung gaano ka kasaya sakaniya eh. May gana kang pumasok everyday, nabawasan din ang attitude mo. Nung pinakilala mo siya sakin sa village, i know already that you're in love with her. Masyado kang halata! But what happened is just happened. Wala na kayo and kaylangan nating tanggapin yon, kung kayo talaga ang para sa isat isa, gagawa nang way si god para maayos ang lahat sa pagitan niniyong dalawa"
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
RomanceA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
