Odette POV
Pumasok ulit kami sa kwarto niya at nagusap nang maayos.
Umupo siya sa sahig at sumandal sa kama niya habang ako ay nakaupo sa taas nito.
"Gumaan naba ang pakiramdam mo?" Seryosong tanong niya.
"Medyo magaan na"
"Pinipilit korin sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sayo, dahil akala ko talaga wala na" Paninimula niya.
"Buong akala ko, ayos na talaga ako. Pero nung nakita ulit kita, parang bumalik bigla yung sakit na naramdaman ko noon. Napatanong ako sa sarili ko, bakit pa ako nakakaramdam nang ganun? Pero pinapasok ko lagi sa isip ko na, okay na ako. Parang, everytime na makakaramdam ako ulit nang feelings sayo, kinukumbinsi agad ako nang isip ko na, wala lang yon at ayos na ako. Hanggang sa tumagal at napagtanto ko na hindi pa pala ako okay, hindi pa pala ako maayos talaga. At higit sa lahat, narealized ko na mahal parin pala kita. Naisip korin noon baka nangungulila lang ako dahil malayo sakin si Kate, pero hindi. Dumating ako sa punto na minsan, nakakalimutan ko siyang isipin dahil mas naiisip kita. Nakakalimutan ko siyang imessages dahil masaya ako na kasama kita" Napangisi siya dahil sa mga nasabi niya.
"Iba parin talaga ang laban kapag first love at ang greatest love mo ang pinaguusapan. Sa puntong ito kung papapiliin ako kung si Kate na first love ko o ikaw na pinakaminahal ko, ikaw ang pipiliin ko. Dahil yun ang sinasabi nang puso at nang isip ko"
"Parehas lang tayo nang nararamdaman Kavin" Pagsagot ko sa mga sinabi niya.
"Ang pagkakaiba lang, sa akin wala kang kaagaw. Nagiisa ka lang dito" Turo ko sa puso ko.
"Ikaw lang, ikaw parin, ikaw naman palagi" Napangiti nalang ako.
"Maybe you got your first in everything with Kate, but me? I got my all first in you and you know that. Right? You we're my first in everything, and how i wish my last too"
"Let's be together again?" Umupo siya sa tabi ko.
"Isapang pagkakataon Odette"
"Paano si Kate? What if bumalik siya?"
"Magsesend ako nang message sakaniya, makikita naman niya yun, lahat naman nang message ko tinitignan niya, hindi lang siya nagmemessage back. Ipapaliwanag ko ang lahat, tatapusin ko nang maayos, para sayo at para samin din. At kung uuwi man siya, haharapin ko siya. Handa kong pakinggan ang side niya pero hindi na magbabago ang isip ko, babalik na talaga ako sayo. Hindi kona kayang itago ang nararamdaman ko para sayo, hindi kona talaga mapipigilan" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ikaw Odette? Kaya mobang bumalik sakin?"
Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya, hinalikan din niya ako pabalik hanggang makahiga na ako sa kama niya.
We end up buttoning our both long sleeves.
Pagkatapos kong makabit ang neck tie at masuot ang sweater ko, sunod konang sinuot ang mga boots ko.
"Uuwi na ako Kavin" I said while sitting on his bed.
Nabigla ako nung umupo siya sa tabi ko, tapos na niyang ibotones ang white long sleeve niya at hindi na niya sinuot ulit ang neck tie at sweater niya.
"Anong Kavin? I'm your boyfriend, i am your baby again" Inirapan ko lang siya saka na ako tumayo.
"Hatid na kita" Tumayo din siya at sinuot ang mga black shoes niya.
"And besides, gusto korin makilala ang mama mo. Siguro naman ngayon pwede kona siyang makilala? Pwede na niya akong makita?"
Inayos ko ang kwelyo niya.
"Pwede na" Napangiti siya dahil sa sinabi ko.
"Let's go?" Kinuha kona ang bag ko at yung laptop ko.
"Ikaw nalang magdala nang mga yan tomorrow, please?" Turo ko sa mga gamit namin panggawa nang essay.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Teen FictionA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
