Darlee POV
Tinulak ko si Hades at napaupo siya sa sofa, tapos tumayo ako at sinalubong si Justine.
"You're back!" I laugh awkwardly, saka ko siya niyakap, niyakap niya ako pabalik bago siya bumalik nang tingin kay Hades.
"Diba nasa London ka?" Tanong ni Hades habang hindi nakatingin saming dalawa ni Justine.
"Eh ikaw? Hindi ka dapat nandito" Seryosong sabi ni Justine.
"Bakit naman?" Tumayo si Hades at lumapit samin.
"Kaibigan ko si Darlee, kaya anytime pwede akong bumisita dito"
"We're... We're just doing a project, nagrarush kase kami eh, umabot na sa deadline" Sinusubukan kong alisin ang pressure na nararamdaman ko sa pagitan nilang dalawa ngayon.
"Ahhh Hades, we can do it tomorrow naman. Agahan nalang natin yung pagpasok bukas, pwede kanang umuwi"
"Hihintayin konang umuwi ang pinsan ko, sabay na kami mamaya" Parehas nilang hindi inaalis ang tingin sa isat isa.
"Kukunin ko lang sana yung sweater ko, naiwan ko last time" Naglakad si Justine at kinuha yung sweater niya sa coffee table saka na naglakad pabalik sa kinaroroonan namin.
"Aalis nako" Paalam niya sakin.
"Agad?" Napairap naman si Hades dahil sa tanong ko kay Justine.
"Kita nalang tayo bukas" Kinurot niya pa ang pisngi ko bago siya lumabas nang main door, napatigil siya sa paglakad nung nasa labas na siya.
"I guess, sasabay na si Hades sakin pauwi?"
Sumunod si Hades palabas at magkasabay silang naglakad papunta sa mga kotse nilang dalawa.
Sabay din silang nagpaandar at nagdrive nang kotse paalis nang bahay ko.
"Bat ba ang weird nilang pareho? Kung umasta sila, parang boyfriend ko silang dalawa" Hays.
Sinara ko nalang yung gate at yung main door nang bahay ko saka na ako nagready nang pagkain ko.
Kakain nalang ako para makalimutan ko yung scene kanina.
Odette POV
Pagdating ko sa Empire, dumaretso ako sa lobby, dito naman kasi kami usually nagkikita kita bago pumasok nang room.
Binaba ko ang mga gamit ko sa table saka umupo at gumamit nang cellphone habang hinihintay yung iba.
Maya maya pa, dumating na sina Claudia at Colton, dito din sila dumaretso, tumabi sakin.
"Aga mo ah?" Tanong ni Claudia sakin pagkaupo niya.
"Hinihintay ko si Kavin, balak kona kase ipanood ngayon sakaniya yung topic namin sa essay. Mukhang malelate pa ata siya" Dala dala kopa naman ang laptop ko.
"Next week pa naman yon" Dagdag ni Colton sa usapan.
"Para agad matapos, madami pa akong mga importanteng kaylangan gawin keysa doon" Hindi na ako nakakapagvlog, ang dami nang messages for collaborations, hindi kona na aasikaso.
"Ayan na pala siya" Napalingon naman ako sa tinitignan ni Colton, sina Kavin kasama sina Jin, Heaven, Robin at Zero.
Umupo sina Jin at Heaven nang magkatabi, ganun din sina Zero at Robin, si Kavin naman umupo sa tabi ko.
"We need to finish our essay right away Kavin, marami pa akong kaylangan gawin. Ang dami konang natatanggap na messages for collaborations, kaylangan konang gumawa nang content"
"Sandali lang, hindi pa nagfafunction nang maayos ang utak ko. Masyado pang maaga, wait lang Odette" Nagstop sign pa siya sa harapan ko.
Inirapan ko lang siya.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Fiksi RemajaA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
