Chapter 57 Camping Night

39 5 5
                                        

Darlee POV

After naming nakapamili nang foods for tonight, nagpunta na kaming lahat sa campus. Marami pa kasi kaming gagawin bago magstart ang camp fire, magtatayo pa kami nang mga tents. Dalawa ang itatayo namin, isa sa mga boys at isa samin.

Ang napili naming place na pagtatayuan nang mga tent namin ay sa bandang likuran nang school, merong iilan na nagtayo rin dito pero mas marami sa pinaka front and sa middle nang Empire.

Dalawang magkatabing tent ang itinayo nang mga boys at kami namang mga girls ay busy sa mga pagkain at sa mga unan at kumot na gagamitin namin mamayang pagtulog.

"Mamaya nalang tayo magpalit nang sleepwear, after nung camp fire" Sang ayon naman kami kay Robin.

"Usually anong ginagawa kapag nagcacamp fire kayo dito everytime na may students day?" Curious na tanong ni Claudia sa mga boys.

"Wala naman, nagpapalipad lang kami nang mga lanterns na may kasamang notes. Doon mo isusulat yung wish mo, sabi nila matutupad daw yung hiling mo kapag sumulat ka sa lantern na paliliparin mo" Sagot sakaniya ni Colton.

"Totoo yon! Kasi last year, humiling ako na sana kami ulit yung magchampion sa basketball next school year. Eh natupad!" Dagdag ni Zero.
"Tapos ako nanaman ang MVP, nagkaroon pa ako nang magandang girlfriend"

"Of course!" Proud na proud na sabi ni Robin.

"Minsan naman, nagkakaroon din kami nang mga games. Depende sa prof na magiging in charge, kapag sina ma'am Lourdes, boring. Kapag naman sina sir Joney, yun asahan mo may mga games na exciting" Kavin.

"Anong klasing mga games?" Curious na tanong ni Odette.

"Kagaya sa mga birthday party" Sagot ni Kavin.
"Yung sack race, hide and seek with partner and bring me, pero mahirap na version"

"Magpapabring me sila nang mga bagay na imposible, katulad last year, freezer ang hiningi nila, limang mga students na lalaki muna ang nakabuhat nang isang freezer bago natapos yung game" Jin.

"Hirap" Bulong ni Heaven.
"Ano naman ang price?"

"Wala, palakpak at tawanan lang" Sagot ni Jin.

"Seryoso?" Natatawang tanong ni Heaven.

"Oo, no joke. Tapos bawal kj, kapag natawag ang pangalan mo sa game, automatic ka nang kasali at hindi ka pwedeng tumanggi" Jin.

"Hindi mo pwedeng sabihin na hindi ka pwedeng mapagod or hindi mo kaya, kaylangan sumali ka kapag natawag ka" Zero.

"What if hindi ko talaga kaya? Like some games na hindi ko talaga kayang salihan?" Curious na tanong ni Robin.

"Bawal, dapat sumali ka, walang reasons reasons" Zero.
"Don't worry babe, nandito lang ako palagi. Ako yung magpiprisintang maging kakampi mo kapag natawag ang pangalan mo"

"Hindi pa naman tayo sure kung merong games eh" Pagsali ko sa usapan.
"Hindi pa tayo sigurado kung si sir Joney ang in charge tonight"

"Bitter kalang, kasi if that's happend, wala kang makakapartner" Asar sakin ni Robin.
"Wala kasing sasalo sayo, wala si Justine" Inirapan ko nalang siya, wala akong maiganti eh.

"Grabe ka naman sa friend naten" Pagtatanggol sakin ni Heaven.
"Malay niyo bigla yung sumulpot dito"

"Ginagas light mo naman si Darlee eh" Claudia.

"Baka umasa yan tapos hintayin si Justine magdamag" Dagdag asar pa ni Odette.

"Alam niyo? Tama nayan, wag niyo nang asarin si Darlee, baka mapikon yan sige kayo" Pangaasar din ba ang pakay ni Zero?

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now