Chapter 44 Allegations

17 5 1
                                        

Claudia POV

Inalis ko ang mga kamay niya sa pagkakayakap sakin at umatras ako nang konti palayo sakaniya.

"Ayaw mo naba?" Seryoso niyang tanong sakin.
"Sabihin mo sakin kung ayaw mona"

"Alam kong magiging madali lang sayo ang lahat kahit umayaw na ako, dahil umpisa palang, nakaplano na kung paano mo ako bibitawan sa huli"

"Anong... Anong pinagsasasabi mo Claudia?" Kunot noo niyang tanong.

"Ayaw na ayaw ko sa lahat yung ginagamit ako at pinagmumukha akong tanga"

"Anong — " Hindi kona pinatapos ang gusto niyang sabihin.

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko Colton! At alam morin kung sino" Hindi kona mapigilan ang boses ko, wala na akong pakealam kahit sinopang makarinig.
"All this time? Ginagamit niyo lang pala kaming dalawa nang mommy ko! For what? For the Romualdez group of companies?!"

"Sinong nagsabi niyan sayo?"

"Narinig ko Colton, narinig at nakita ko! Alam kona ang lahat, ang lahat lahat! At alam ko narin ang tungkol sainyo nang girlfriend mo" Napalitan nang curiosity ang expression mang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Alam kong may ibang babae sa buhay mo maliban sakin"

"Magpapaliwanag ako" Sinusubukan niyang lumapit sakin at hawakan ako pero kusa kong nilalayo ang sarili ko sakaniya at inaalis ang mga kamay niya sa pagkakahawak sakin.

"Magpaliwanag ka kapag nakaharap mona ang mommy ko" Tinignan niya ako nang may halong pagtatanong.
"Yes Colton. Sasabihin ko sa mommy ko ang lahat nang nalalaman ko, hindi naman ako basta basta papayag gamitin niyo lang kami. And besides, pagod na kayong magkita nang patago nang girlfriend mo diba? So i'm letting you go! I'm setting you free! I'm going to pull out that fucking engagement!"

"No Claudia, hindi mo pwedeng basta basta bawiin ang pinagkasunduan nang mga pamilya natin" Sinusubukan niyang imanipula ang plano ko.

"Kapag nalaman nang mommy ko ang katarantaduhan niyo nang daddy mo, siya mismo ang puputol nang kasunduan na yon"

"Hindi mo gagawin yon Claudia, sana maisip mo ang mangyayare samin kapag nangyari yon. Kung alam mo lang kung anong mawawala sakin kapag pumalpak ako dito" Tinalikuran ko siya at naglakad na ako palayo, wala narin naman akong dapat pang sabihin sakaniya.

Colton POV

Hindi na ako pumasok pa nang klase, nawalan na ako nang gana dahil sa mga sinabi ni Claudia.

Pupunta nalang ako sa bahay ni dad para makapagpaliwanag sakaniya, para narin makagawa siya nang paraan.

Pagdating ko, nagpark ako nang kotse sa garahe at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko nadatnan ko si daddy sa living room, kakatapos lang iend ang call sa phone niya, mukhang masamang balita ang dumating sakaniya at parang alam kona kung ano yon.

Sinalubong niya ako at binigyan nang isang malakas na suntok.

"Pinagusapan na natin to diba?! Anong ginawa mo?! Ngayon paano mo mababawi ang kagaguhan na ginawa mo sa anak ni Claudette?!" Sigaw niya, wala siyang pakealam kahit marinig pa nang mga maids, sila nalang ang kusang umaalis dahil sa takot kay dad.
"Paano mo aayusin ang gulo na ginawa mo?!"

"I'm sorry dad" Yan lang ang masasabi ko sa ngayon.

"Nagusap na tayo tungkol dito diba? Sinabi kona nang ilang ulit sayo, na magfocus ka kay Claudia dahil siya ang kaylangan natin, sakanila tayo may utang at siya ang tutulong satin para hindi mawala sa atin ang pinaghirapan nang mommy mo! Pero hindi ka nakinig! Hanggang ngayon, hanggang ngayon! Palpak ka parin tumrabaho! Dugot pawis namin nang mommy mo ang bumuo sa kumpanyang ito! Ito nalang ang natitirang ala ala na naiwan niya satin! Ilang beses akong nakiusap sayo! Yun lang hindi mopa magawa nang maayos!" Binato niya ang phone niya sa sobrang galit, wala siyang pakealam kahit mabasag yun.
"Gusto nang icancel ni Claudia ang engagement niyong dalawa. Kapag nakarating ito sa board, mawawalan na sila nang gana makipagnegotiate satin, tatanggalin ako sa board at baka mawala pati mga bagong investors natin. Kapag nangyare yon, mawawalan ako nang choice at mapipilitan na akong ibigay sa mga Ledezma ang kumpanyang pinaghirapan nang mommy mo! At tayo?! Mawawalan na tayo nang kwenta! Hindi kana makakapagaral sa mamahaling skwelahan, mawawalan kapa nang mga kaibigan!"

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now