Heaven POV
Continuing the background song - Sayo
Lumipas ang mga oras, nandito parin ako sa dalampasigan umiinom parin.
Nakita kong unti unting nababawasan ang mga taong nasa labas, hanggang sa ako nalang pala magisa.
Paulit ulit lang na nagpaflash back ang mga narinig kong sinabi ni Jin kanina at paulit ulit rin akong dinudurog nang mga salitang yon.
Tuloy tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko, hindi na tumigil mula kanina hanggang ngayon, tila ba hindi ako nauubusan nang luha.
Ang bigat, yung feeling na, wala kaman lang mapagsabihan kung gaano kasakit yung nararamdaman mo.
Yumuko nalang ako at pinagpatuloy ang pagiyak dahil sa sakit at sama nang loob.
Sa gitna nang malamig at malungkot kong gabi, meron isang taong lumapit sakin, may dala din siyang wine saka umupo sa tabi ko.
Si Hades.
End of the background song.
"Alam moba na paubos na ang wine ko?" Kase may dala siya eh.
Binuksan niya agad yon at nilagyan ang wine glass ko at ang sakaniya.
"Bat kaba magisa? Bat hindi mo tawagin yung iba nating kaibigan?" Tanong niya.
"Ayokong makita nila na ganito ako" Wala na akong pakealam kung naluluha luha man ako sa harap ni Hades ngayon, ang iniinda ko lang ay ang sakit na nasa loob ko.
"Hindi pa kasi ako mature like Darlee, hindi ako kasing ganda ni Robin, hindi din ako aabot sa sexy nang body figure ni Claudia, wala rin akong alam sa style di kagaya ni Odette, kaya hindi ako madaling magustuhan, i'm just me. A nobody, nerdy, trying hard magustuhan nang lalaking gusto ko"
"Hey, don't compare yourself to them. May kaniya kaniya kayong kagandahan, you have a unique beauty inside and out" Words of affirmation as a friend ba to ni Hades?
"Pero hindi ako sapat para kay Jin. Kung alam ko lang, sana mas maaga kong napigilan ang nararamdaman ko, hindi sana ako nasasaktan ngayon" Tuluyan na ulit tumulo ang mga luha ko.
"Siguro kung kasing ganda at sexy lang nila ako, baka nagkachance pa ako sakaniya" Hindi ako nahihiya kay Hades kahit alam kong pangit ako pag umiiyak.
"I thought, pinaka masakit na yung araw araw kong nararamdaman na hindi ako sapat kay mommy, meron pa palang mas sasakit dun, sobra sobra pa na sakit"
"Ilabas mo lang lahat, pwede kang magopen sakin anything you want to say na makakabawas nang bigat sa nararamdaman mo" Naramdaman ko nalang na tinatapik tapik na niya ang likod ko.
"Bakit ba pakiramdam ko lagi nalang akong nanlilimos sa pagmamahal at atensyon nang iba? Lagi ko nalang kaylangan ipilit yung sarili ko sa iba, yung feeling na kahit hindi kona kaya ginagawa ko parin para lang mapakita sa iba na worth it din naman ako" Halos hindi kona mabuksan ang mga mata ko sa sobrang maga kakaiyak.
"Pagod na akong iparealized sakanila na may halaga ako"
"You're too worthy to beg for love to the man that you don't deserve. Look at you, you're one in a million" Napapatigil talaga nang mga salita niya ang mga luha ko.
"Hindi mo kaylangan manlimos nang pagmamahal sa iba, tama na yung mahal mo yung sarili mo at mahal ka nang mga kaibigan mo, nanjan sina Darlee at mahal na mahal ka nila, bonus nalang yung may lalaking nagmamahal sayo. Bago mo hilingin na mahalin kanang iba, unahin mo munang mahalin ang sarili mo" Parabang unti unti nang tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Hades.
"Alam mo kaya alam kong nandito ka" Nakatingin lang ako sakaniya ngayon.
"I saw you earlier, i saw your shadow sa baba nung naguusap kami sa balcony nina Jin. I know it's you kase nakita na kita bago kapa nagtago"
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Fiksi RemajaA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
