Jia POV
Ilang araw na ang lumipas simula nung napublic na hiwalay na sina ate Claudia at kuya Colton at napull out naraw ang engagement nilang dalawa.
Dapat masaya ako kasi hindi na engaged ang crush ko, pero parang baliktad, parang hindi ako masaya, parang nalulungkot ako na naghiwalay na sila.
Nakasalubong ko si kuya Colton nung nakaraan sa bar na pinuntahan nila nung gabi, birthday kase nung kaklase ko kaya nandoon ako sa resort malapit sa bar, nung nakita ko siya, parang wala lang sakin. Hindi na ako kinikilig kagaya nung nararamdaman ko dati, kapag nakikita ko siya, normal na tao nalang siya para sakin ngayon.
Kapag tinutukso ako ni mommy about kay kuya Colton, hindi na ako namumula, hindi na ako kinikilig.
Parang nawala bigla? Ewan ko kung paano pero nawala na yung feelings ko para sakaniya.
Mas curious pa ako ngayon sa dahilan nang paghihiwalay nila keysa magpapansin sakaniya dahil single na ulit siya.
"Uy!" Tumabi naman bigla to sakin, nakakagulat! Nagmomoment ako eh!
"Yugh pwede ba next time, kapag tulala ako wag kang lalapit? I am thinking about something, storbo ka"
"Anong iniisip mo? Siguro iniisip mo kung paano na magpapapansin kay kuya Colton no? Alam mona siguro na hiwalay na sila nang ate ko" Asar niya sakin.
"Of course not!" I rolled my eyes.
"I am thinking about the reason kung bakit sila naghiwalay nang ate mo. Okay na okay na sakin simula nung maengage sila sa isat isa, bagay sila tapos mukhang masaya naman sila. Bakit sila naghiwalay? Alam moba yung dahilan?" I curiously ask him.
"Wag monang alamin Jia, kahit ako hindi ko alam. Saka wag monang pakealaman yung problema nila, problema nila yun. Hayaan mo nalang sila dun" Nabara naman ako dahil sa sinabi nito, parang hindi concerned sa sister niya.
"Para ka namang hindi concerned sa sister mo"
"Alam ko kasing kaya ni ate yun, kung kilala mo lang ang ate ko. Hindi siya masasaktan kung ganun nalang, mananakit pa siya" Mapagmalaki niyang sabi.
"Marami na kaming pinagdaanan nang ate ko, basic nalang sakaniya yan"
"Kung sabagay, ate Claudia is a definition of a strong young woman"
"Paano mo nasabi?" Binabara ba ako nang lalaking to?
"Base sa mga kwento mo about sakaniya!" Ewan ko pero tumataas ang tempered ko kapag ganito ako kausapin ni Yugh.
"Nakakailan kanang strike ah! Sige isapa! Nakakainis ka sobra!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko saka ako naglakad palayo sa kinauupan namin kanina.
"Saan ka pupunta?" Tawag niya sakin.
"Wala! Wag mo akong susundan! Lumayo layo ka muna sakin kahit ilang meters lang!" Nakakapikon siya ngayon! Dati binubully bully lang, ngayon siya na ang bully.
Hinabol niya parin ako kahit sinabi kong wag niya akong susundan, sana pala binaliktad ko nalang ang sinabi ko, sana sinabi ko nalang na sundan niya ako.
Odette POV
Pagkasundo sakin ni Kavin, agad na siyang nagdrive papuntang school.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Teen FictionA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
