Chapter 9 Deal?

27 3 1
                                    

Kavin POV

Nakatambay kaming lahat sa balcony ngayon kung saan kami iniwan ni Xinyi.

"Pasensya na hindi namin sinasadyang marinig ang usapan niyo kanina ni Odette, kayo kasi eh, ang ingay niyo mag away. Narinig namin kayo mula sa living room kaya nag decide kaming icheck kayo, akala namin nag tutulakan na kayo sa balcony" Paliwanag ni Heaven.
"Hindi naman namin expect na ganon pala ang pinag uusapan niyo"

"Matagal kona siyang gustong maka usap, simula pa nung makita ko siya sa Empire. Kaya kanina akala ko magkaka closure na kami kaya sinubukan ko siyang kausapin, hindi ko naman alam na mauuwi lang sa sumbatan ang lahat. But it's okay, kasi nalaman ko ang lahat nang totoo sa past namin. Nalaman ko ang mga dahilan niya at nabawasan ang mga tanong ko na gusto kong masagot niya at okay ako na narinig kona ang mga sama nang loob niya sakin, ang hindi ko lang alam ngayon ay kung paano hihingi nang tawad sakaniya"

"Never akong nagka idea na ikaw yung ex boy friend ni Odette" Pag sisimula nang topic ni Claudia.
"She never told us about you, even your name was hidden, tapos ang tagal namin kayong kasama pero never namin nahalata na mag ex pala kayo"

"Me too" Robin.
"Paano niyo natago samin everytime na mag kakasama tayo sa school? Tapos may mga sama nang loob pala kayo sa isat isa, paano niyo napipigilan ang mga feelings niyo when you two are with us?"

"Alam naming broken si Odette that time, pero never naman niyang ikinwento kung sino ka at anong nangyari sainyo" Darlee.
"She never show us na nasasaktan siya, she never cry to us and she never try to ask for help"

"Hindi kasi niya sinabi sakin ang mga nangyayare sa bahay nila non, wala akong alam, bigla nalang niyang gustong makipag hiwalay, may fiance na daw siya at yun ang pinipili niya. Kung alam ko lang ang totoo noon, ipag lalaban ko siya eh, alam niya kung gaano ko siya ka mahal non" Paliwanag ko sakanila.
"Narinig niyo ba lahat?"

"Uum" Matipid na sagot ni Heaven.
"Pero hindi dapat namin kayo pakikinggan, kaya aalis na sana kami kaso natisod si Claudia"

"Ngayon kilala kona kung kanino ang initial na X, na tatoo mo sa right arm mo. Grabe! hindi ko rin nahalatang si Odette yon, napaka chismoso kona ah" Zero.

"Kung hindi pa namin kayo narinig baka hanggang ngayon wala parin kaming alam" Dagdag pa ni Jin.

"Hindi na ba talaga kayo nag usap after niya kayong makita ni Gabriella?" Seryosong tanong ni Hades.
"Hindi mona ba talaga siya sinubukang kausapin para makapag paliwanag ka sakaniya at baka maayos niyo pa?"

"Hindi na, hinayaan ko nalang siya, blanko ako sa mga nangyari samin noong mga panahong yon eh, hindi ko maisip na mangyayare sakin yung ganong bagay, nag mahal lang naman ako eh. At yung samin ni Gab noon, hindi naman cheating yon, wala na kami non, ang mali ko lang, agad akong nakipag commit sa iba kahit kakabreak lang namin. Kahit private relationship kami noon ni Xinyi, never akong nag cheat sakaniya, with all my heart, i loved her, at alam niya yon"

"Dapat tinry mong kausapin siya ulit, sana naayos niyo pa" Claudia.

"Bakit hindi mo na sinubukan?" Dagdag na tanong ni Colton.

"Ayoko na non dude, hindi sa hindi kona siya mahal. Mahal kopa siya non, mahal na mahal. Pero mas ginusto kong ayusin muna ulit ang sarili ko, durog na durog kasi ako non eh, sobra niya akong nasaktan"

"Eh ngayon? You're fine, she's fine. Hindi na ba pwedeng ayusin? Ayaw niyo nang ituloy? Baka kapag naayos niyo, magiging masaya na kayo for lifetime. Love is sweeter the second time around" Darlee.

"Hindi na pwede" Matipid kong sagot.

"Why not? ngayon pa na malaya na siya sa culture nang father niya? separated na ang parents niya, kahit sino pwede na niyang mahalin ngayon without limits" Darlee.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now