Odette POV
"Kinilig ka no?" Paninira ko nang moment, halatang nadadala na siya eh.
Umiwas siya at umupo ulit sa kama niya.
"Marunong kanang mangasar ngayon no?" Siya naman ang umirap sakin ngayon.
"Hayyy... Matutulog na ako Kavin" Nakangiti kong paalam sakaniya, at pagiiba ko narin nang topic.
"Mabuti panga, baka mamaya — " Bulong niya.
"Ano? Baka mamaya makita ko yung multo dito?" Alam ko naman na yun ang sasabihin niya eh.
"Baka mamaya, magkaboyfriend ka bigla" Natahimik ako ulit dahil sa sinabi niya.
Naaawkwardan ako kaya humiga nalang ako at tumalikod sakaniya, saka kona sinubukang magpatulog.
Sa pangalawang pagkakataon, napigilan ko nanaman ang sarili ko na mahulog ulit kay Kavin.
Hindi kona siya nilingon ulit, hinayaan ko nalang siya kahit anopa ang nasa isip niya ngayon. Mas mabuti na siguro to, keysa dumating nanaman ako sa point na hindi kona naman mapigilan ang sarili ko.
Nagtataka lang ako, kung bakit niya nasasabi ang lahat nang yun sakin? Knowing na may girlfriend siya.
Hindi naba siya nagbago? Balak ba ulit niyang manloko? Hindi na nagtino.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi nako ulit nagisip nang tungkol sakaniya.
Sa susunod na pagmulat nang mga mata ko, umaga na. Umupo agad ako at tinignan si Kavin sa kabila, tulog na tulog pa. Tumayo ako at nagayos bago ko siya sinubukang gisingin.
"Hoy!" Pinalo ko nang ilang ulit ang balikat niya, pero hindi parin siya nagigising.
Naagaw naman ang pansin ko dahil sa mukha niya habang natutulog.
Gwapo parin naman siya, perfect talaga ang nose and lips niya, pati mga mata at kilay niya, bagay na bagay sakaniya.
Parang dati, akin pa ang mga yan.
Grabe, natatawa ako sa sarili ko, kung ano ano nanaman ang mga naiisip ko.
Lalabas na sana ako at iiwanan nalang siya dito nang bigla niyang hilain ang kamay ko, dahilan para lumapit nanaman ako sakaniya.
Hindi pa talaga siya nakuntento, hinila niya ulit ako papunta sa itaas niya saka niya ako niyakap nang mahigpit, dahilan para di ako makawala. Nakapatong sakaniya ang katawan ko, para akong nakayuko sa dibdib niya ngayon.
"Anong ginagawa mo!" Sinusubukan kong iiwas ang sarili ko sakaniya, pumapalag ako para makaalis sa pagkakayakap niya.
"Ano ba Kavin! Bitawan moko! Ngayon na!"
"Wag kang magulo" Nakakunot noo niyang sabi habang nakapikit parin.
"Nilalamig ako, gusto ko nang kayakap"
"Baliw! Umaga na, uuwi na tayo, doon ka nalang sainyo humanap nang yayakapin. Wag ako!" Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Umaga na?" Nakakunot noo parin niyang tanong.
"Oo, kaya bitawan mona ako. Baka may pumasok na nurse dito tapos anopa ang iisipin non"
Nagulat ako nang may biglang nagbukas nang pinto nang clinic, napalingon ako at nakita ang isang nurse na pumasok.
Mukhang nagulat din siya sa nakita niya, yakap yakap parin kasi ako ni Kavin habang nakapatong ang katawan ko sa dibdib niya.
Mabilis akong kumawala kay Kavin at umatras palayo sakaniya, umupo naman si Kavin sa bed at tumingin sa nurse.
"Sorry po kung dito kami natulog, nasarahan po kasi kami nang gate nang girlfriend ko. Ginabi po kasi kami sa kakagawa nung essay namin" Paliwanag niya habang nakangiti sa nurse.
"Uuwi narin po kami, salamat sa pagintindi" Tumayo siya saka hinawakan ang kamay ko at hinila palabas nang clinic.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Novela JuvenilA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
