Darlee POV
"Joke lang" Pagbawi ni Hades sa sarili niyang tanong.
Para namang nabunutan nang tinik ang lahat nang nandito nung sabihin niya ang salitang joke lang, lahat kami nakahinga nang mapayapa.
"Ang seseryoso kasi nang mga tanungan niyo, nakakaboring" Dagdag pa niya.
"Hindi ka lang makarelate, wala kasi ang girlfriend mo" Asar sakaniya ni Jin.
"Tangina mo! Gago ka talaga!" Nakangising sabi ni Zero sabay hagis nang isang malaking chichirya sakaniya.
"Kapag may nanghuhuli nang adik, ituturo ka namin" Dagdag asar ni Kavin kay Hades.
"Tama na laro, wag na truth or dare" Opinion ni Colton.
Pinipilit ko ding makitawa kahit hanggang ngayon dama ko parin yung tibok nang puso ko dahil doon sa tanong ni Hades kanina.
"It's not a funny joke, Hades" Mukhang naging seryoso si Claudia, siguro dahil mas naiintindihan niya na ngayon ang nararamdaman ko.
"Hindi na mauulit" Apology ni Hades.
"Let's play another game nalang" Opinion ni Robin.
"Ano nanamang lalaruin natin?" Curious na tanong ni Heaven.
"May alam ako, napapanood ko sa mga content nang mga vloggers" Sagot ni Odette.
"Wait search ko"
"Baka mamaya ano yan ah?" Nagbibirong ngisi ni Claudia.
"Hoy! Masaya to, saka hindi to bastos" Sagot sakaniya ni Odette.
"I didn't say anything" Nakangising sabi ni Claudia.
"Marami lang din akong napapanood na mga challenge ngayon sa YouTube"
"Iba to Claudia" Odette.
"Ayusin niyo na please" Natawa silang lahat dahil sa sinabi ko.
"Oo nga! Baka mamaya ano nanamang isingit ni Hades eh" Asar ulit ni Zero kay Hades.
"Nagsorry na ako eh" Depensa ni Hades.
Hindi na namin namamalayan ang oras, naglalaro lang kami at nagsasaya. Hindi din namin iniisip yung mga natutulog na, masaya lang kaming nagtatawanan at nagiingay.
Hindi kona matandaan kung anong oras natapos ang kulitan namin at asaran sa isat isa, habang lumalalim kasi ang gabi mas lalong lumalakas ang trip nang mga kaibigan ko.
Pagkatapos nang isang laro, iisip nanaman sila nang panibagong lalaruin namin.
A WEEK AFTER THE STUDENTS DAY.
Lumipas nanaman ang isang linggo, pagkatapos nang students day, seryosong mga araw nanaman at wala nanamang araw na walang pasok.
Lahat abala sa paggawa nang mga activities at mga assignments after the students week.
Gigising nanaman nang maaga para magaral.
Nililipat ko sa kabilang bag ang mga gamit ko nang biglang may nahulog na isang black envelope mula sa loob nito.
Pinulot ko ito at binasa, bumungad sakin ang invitation para sa birthday ni Hades.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
RomanceA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
