Chapter 12 Getting Closer

32 5 1
                                        

Claudia POV

"Mga gamit ko, sasamahan na daw kitang tumira  dito. Utos nang daddy ko at hiling ni tita Claudette" Seriously???
"Yes, dito na daw ako titira"

"Kaylangan ba talaga nating gawin to? I mean, kaylangan na talaga nating magsama sa iisang house, immediately?"

"Dito ba talaga tayo maguusap?" Napansin kong nasa labas panga pala kami.

"Wait buksan ko yung kabilang gate, pasok mona sa garahe yang sasakyan mo" Agad naman niyang dinrive ang sasakyan niya at pinasok sa garahe nang mabuksan ko ang gate.

Pagkasara nang gate at pagbaba niya nang sasakyan, sumunod naman siya sakin papasok nang bahay ko dala dala ang mga gamit niya.

"Nagdinner ka naba?" Tanong ko sakaniya.
"Pasensya na, fried egg and bacon lang ang kaya kong lutuin for now. Don't worry, sisimulan ko nang magpractice magluto, pero sa ngayon magpapadeliver muna ako kung may gusto ka. What do you want ba?"

"Wag na, okay nayan"

"You sure?"

"Hindi naman ako maarte sa pagkain"

Kumuha na ako nang another plate para sakaniya saka na kami nagsabay kumain.

"Kamusta pala yung check up nang brother mo?" Pagsisimula niya nang topic habang kumakain.

"Nagiging okay na daw siya, baka next month ipapastop na yung tinitake niyang mga meds tapos magvavitamins nalang daw siya. I was planning nga to buy him a new car, gift kona dahil finally magaling na siya" Sagot ko.

"Buti naman naging okay na siya. Samahan na kitang bumili nang sasakyan for your brother, expert ako pagdating sa pagpili nang mga cars" Gwapo pala niya kapag nakangiti.

"Sure! By the way? Paano ka naman nakumbinsi nina mommy at tito Christon na dito tumira?"

"Nakalimutan lang daw nila ipaliwanag kanina na kasama dun sa plano nila ang pagsamahin na tayo sa iisang bahay para lalo na daw tayong maging komportable sa isat isa. Yun lang daw ang naiisip na way nang mommy mo for us to get to know each other" Seryoso si mom? Papayagan niya talaga si Colton na dito tumira kahit hindi pa kami kinakasal? Lalaki parin to ah???
"Don't worry, inutos din nila na wag muna tayong magstay sa iisang room nang magkasama dahil bawal pa tayong matulog nang magkatabi" Buti naman.
"At wala akong gagawing masama sayo, hindi ako papayagan nang daddy kong tumira sa bahay mo kung masama akong tao"

"After nating kumain, tutulungan na kitang ayusin yung guest room. Medyo makalat dun eh, tinambakan ko kasi nang mga things na hindi kona nagagamit"

Nang matapos na kaming magdinner, niligpit ko ang mga pinagkainan saka kona sana huhugasan ang mga plato kaso bigla siyang sumingit sa lababo.

"Ako na" Hinila niya ang kamay ko at inilayo sa lababo, saka na niya sinimulang linisin ang mga plato.
"Ayaw mobang maghire tayo nang mga maids? Kahit dalawa lang, para hindi mona kaylangan gawin lahat nang mga trabaho sa bahay"

"No need, kaya ko naman yan. Saka wala pa akong work para magpasweldo sa mga maids, ayaw ko kasing iasa lahat noon kay mom, siya kasi ang nagpapasweldo sa mga kasama ko sa bahay noon"

"Edi ako nalang magbibigay nang mga salary nila?" Grabe naman to!

"Kay mommy nga ayaw kong iasa ang lahat, sayo pa kaya!"

"Nandito ako sa bahay mo, alangan namang wala akong gagastusin? Mukha ba akong palamunin sayo?"

"May ipon naman ako galing sa mga allowance ko saka may pera namang iniwan sa akin si daddy before he passed away, so if i want maids, i can hire naman if gusto ko talaga"

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now