Robin POV
After nang training, nagpalit na ako nang damit at hinintay sandali si Zero.
Nang hindi siya dumating, naisip kong akona ang pupunta sakaniya dahil baka hindi pa sila tapos magtraining.
Hindi kona pinuntahan yung mga nasa MOA, dumaretso nako sa parking lot para kunin ang kotse ko at puntahan na si Zero, next time ko nalang siguro sasamahan magcoffee yung mga girls.
I don't know why am i doing this, wala nato sa usapan.
Since the day na nagpunta kaming Batangas, marami na kaming rules na hindi nasusunod dalawa.
Nung una sabi lang namin, pagselosin si Kim hanggang magsawa siya kakahabol kay Zero at tigilan na niya ako, specially the deal na kami lang kapag nakikita ni Kim, ngayon kahit wala siya parang kami parin at mas higit pa sa pinagusapan namin noon ang trato namin sa isat isa ngayon.
Lalo na kapag naiisip ko yung kiss kanina.
"Hays! I don't know, basta! It's makes some kilig" Sabay ngiti ko.
Ano bayan! Magisa lang akong nagdadrive pero nakangiti ako at namumula pa dahil sa kilig.
Nagpatuloy nalang ako sa pagdadrive habang nakangiti hanggang marating ko ang tinatawag nilang main gym.
Nahihiya pa akong bumaba at first, pero naalala ko bigla yung sinabi niyang hihintayin niya ako, kaya pinigil ko nalang ang hiya ko, kinuha ang drink na dala ko at bumaba na para makapasok na sa gym to see him.
Pagpasok ko sa gym agad kong hinanap kung nasaan si Zero, meron kasing naglalaro nang basketball, meron din namang mga nakaupo lang at yung iba dinudumog nang mga girls.
At kasama dun si Zero, halos lahat nang mga babaeng umaaligid sakaniya, niyayakap yakap siya at nagpapapicture pa sakaniya.
Parang bigla akong nahiyang lapitan siya sa dami nang mga babaeng nasa tabi niya ngayon, still i'm the prettiest among them but, alam mo yon? nakakaselos parin.
Kaya nagdecide nalang akong bumalik sa car at doon nalang siya hintayin, sa front naman nang gym ako nagpark kaya makikita ko siya agad paglabas niya.
Bago pako makalabas nang gym, may isang lalaking biglang humarang sa dinadaanan ko, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, tinatry irecognize at kilalanin pero hindi ko talaga siya kilala. Nakasuot siya nang jersey katulad nang jersey ni Zero, kaya malamang kateam niya to.
"Simula kaninang dumating ka dito sayo nako nakatingin, tinamaan panga ako nang bola sa kakatitig ko sayo" Paninimula niya nang pambobola.
"Anona ngabang pangalan mo miss? Hindi ko kasi natanong nung huli kitang mapanaginipan" So corny
"Corny ba? Hehe" Sobra.
"Not so, stranger"
"May kasama kaba? Gusto mobang lumabas? Patapos narin naman yung training namin, pwede ba tayong magdate dalawa?" Grabe, ganito ba talaga ang mga basketball players?
Pareho naman kaming nagulat sa biglaang lumilipad na bola patama sa corny nato na agad niya namang nasalo.
"Problema captain? May chick eh, ngayon ko lang nakita kaya uunahan kona kayo" Paglingon ko sa kinakausap niya, mukha ni Zero ang nakita ko.
"Nauna ako ha? Wag monang subukang agawin ang ea ko captain, marami nayang sayo"
What does he mean na marami na yung kay Zero?
Bakit niya naman binato nang bola to?
What if ako tamaan?
Hindi ba siya nagiisip?
"Sinusundo mo naba ako?" Tanong sakin ni Zero na may kasamang malaking ngiti.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Teen FictionA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
