Chapter 52 Students Day

19 4 1
                                        

Heaven POV

Students Day 1
(trigger warning: language, dr*gs, private topic)

Matinding pagrereview ang ginawa ko kagabi dahil ngayong araw na gaganapin ang unang araw nang students day sa Empire high, which means, ngayong araw na kami lalaban sa quiz bee.

Kahit walang price kapag nanalo, atleast narepresent naming dalawa ni Liyanah ang section namin.

Pagkatapos kong maligo, pumili na ako nang outfit na susuotin ko ngayong araw. Ang napili kong susuotin ay puting polo shirt at denim na skirt, magsusuot nalang ako nang puting nike shoes para bagay sa outfit ko, sinuot korin ang white head band ko.

Nagalmusal ako nang hindi ko kasabay sina mom at dad, maaga daw kasi silang nagpunta sa trabaho, may inaasikaso at may inaasahang meeting.

Pagkatapos kong kumain, nagdesisyon na akong pumasok nang school.

Pagbukas ko nang gate, nagulat ako nang makita ko si Jin, nakasandal sa kotse niya at mukhang hinihintay ako.

"Bat nandito kana naman? Buti nalang nakaalis na sina mom" Hindi ko kase siya inaasahan ngayong araw.

"Sinusundo kita" Nakangiti niyang sagot sakin.

"Next time, message mo muna ako before mo ako sunduin, wag kang pabigla biglang sumusulpot dito, baka makita kanang parents ko. Hindi pa kasi nila ako pinapayagang magpaligaw sa ngayon" Sinarado kona ang gate at hinarap na si Jin.

"Pwede ko namang harapin ang parents mo eh, tapos pormal akong magpapaalam sakanila na ligawan kita. Kapag hindi sila pumayag, sasabihin kong willing to wait naman ako hanggang matapos tayo sa college"

"Mapapakilala rin kita sakanila, but not now. Kakaayos lang naming tatlo, ayaw ko namang isipin nila na sinasamantala ko ang pagbibigay nila nang freedom sakin"

"Naiintindihan ko Heaven, kaya nga willing akong antayin ka diba?" Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kabilang pinto nang kotse niya.
"Sakay na" Binuksan niya yon at sumakay na ako sa loob.

Sunod na siyang sumakay at nagdrive na siya papuntang Empire.

Pagdating namin sa school, nagpark siya nang sasakyan at bumaba na kaming dalawa.

Ang daming ibat ibang mga booths sa entrance nang Empire high, may wedding booth, kissing booth, jail booth at marami pang iba. Marami ding nagpeprepare nang mga pagkain, mga pastries at snacks, na libreng makakain dahil sa students day.

Napakadaming students, nakakapanibago lang dahil wala ni isang nakauniform ngayong araw.

"Heaven!" Napalingon ako sa likuran dahil sa tumawag sakin mula roon.

Si Liyanah, kasama niya si Lindon.
Lumapit sila sa kinaroroonan naming dalawa ni Jin.

"Hi Liyanah! Lindon, buti nandito ka?" Bati ko sakanila.

"Gusto kase niya na panoorin ko siya mamaya sa quiz bee niyo, wala din naman akong gagawin kaya pumayag na ako. And besides, gusto din naman kitang makita ulit" Napatingin ako kay Jin dahil sa sinabi ni Lindon.

"Ah ganun ba" Wala akong ibang masabi.

"Nasabi kasi ni sir Joney na pwede ang mga outsiders today, kaya naisipan kong isama si kuya. Siya lang naman ang natitirang susuporta sakin eh" Paliwanag ni Liyanah.

"Ngayon lang dahil quiz bee, sa susunod na mga araw, bawal naraw ang mga outsiders" Pagsali ni Jin sa usapan namin.

"Yeah, just for today" Nakangiting sagot ni Liyanah kay Jin.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now