Chapter 47 Surprise Visit

16 4 1
                                        

Darlee POV

Umupo kaming dalawa sa sofa para magusap nang maayos at matanong ko nang maayos sakaniya kung ano talaga ang nangyayare.

"Nagulat din ako sa pagpunta nang parents ko sa Pilipinas, i thought they're here because of Hades birthday. Sinama lang nila ako kanina sa kumpanya nang mga Hontiveros, sabi nila may meeting daw kaming aattendan. Nagulat ako nung makita ko doon ang parents mo, inisip kopa baka may importanteng paguusapan lang kaya sila kasama sa meeting, nabigla nalang ako nung magsimula silang magusap usap kahit kami palang yung mga tao. Doon nanga nila sinabi na maeengage daw ako sa anak nila, nauna daw nila akong mineet keysa ipakilala sayo para daw makilala muna nila ako. Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang bigla ko sa mga nangyayare nung mga oras na yun, sinabi nga nila na magseset pa sila nang meeting para sating dalawa bago ang engagement party" Paliwanag ni Justine, hanggang ngayon hindi parin nagsisink in sakin ang mga nangyayare.

Lalo yatang nawala ang lasing ko, para akong nabuhusan nang malamig na malamig na tubig.

"Kailan daw?" I'm asking about the engagement party.

"Walapang sinabi, magseset palang daw sila nang meeting para magkita tayong dalawa at doon daw nila sasabihin yung date" Sagot niya.

"Pinagtitripan yata ako nang tadhana" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
"Si Hades engaged sa cousin kong si Diana, tapos ako maeengage sayo? Ang laki yata nang kasalanan ko sa langit"

"Ako, hindi na ako nabigla, alam ko naman na maeengage ako someday" Bat parang okay lang sakaniya? Kung sabagay, wala din naman kaming choice, desisyon nang mga parents yun eh.

"Me too, and i also know na wala akong magagawa kapag nagdesisyon na ang parents ko, aware din naman ako na i will be engage with someone. I'm just thinking about Hades right now" Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Paano ko ipapaliwanag sakaniya to? Ang gulo nang mundong ginagalawan namin, ito na yung iniisip ko noon kaya ayaw kona siyang balikan eh. I know na maeengage din ako at hindi sakaniya dahil engaged na siya kay Diana. If only i could turn back the time, hindi kona sana siya binalikan"

"Binalikan? Anong ibig mong sabihin?" Mukhang curious siya kaya ikukwento ko nalang.

"Nagbreak na kami ni Hades noon dahil nalaman kong engaged na siya kay Diana at matagal na niyang alam pero tinago niya sakin, naisip ko yung sitwasyon namin non kaya nakipaghiwalay ako. Pumayag lang ako na balikan ko siya dahil hindi niya ako tinigilan, nagmatigas ako at sinubukang kalimutan siya pero gumawa siya nang paraan para makuha ang loob ko ulit para bumalik ako sakaniya and he succeed, nagkabalikan kami. Pero ngayong nalaman ko'to, narealized ko na sana pinagpatuloy ko nalang ang plano ko noon, na wag na siyang bigyan nang chance. Mas lumala lang ang sitwasyon, mas lalo lang kaming masasaktan pareho sa nangyayari ngayon, hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sakaniya. Paano ako magpapaliwanag? Saan ako magsisimula?"

"Anong plano mo? Kapag nalaman niya to, magwawala nanaman yun. Kilala ko ang pinsan ko at alam kong mas kilala mo siya, hindi niya matatanggap to, baka gumawa pa yun nang paraan para masabi in public na kayo kahit alam niyang engaged ka sakin at engaged siya kay Diana" Mas lalo akong napapaisip sa sinasabi ni Justine.

"And if that's happened, magugulo nanaman ang pamilya namin, magagalit ang parents ni Diana at ang parents ko, nakakahiya pa sa mga Hontiveros"

"Paano mo ipapaliwanag sakaniya to?"

"Sasabihin korin sakaniya, palilipasin ko lang ang gabing to tapos magiisip na ako nang way kung paano ko ipapaliwanag sakaniya ang nangyayare. I hope maintindihan niya at madali niyang tanggapin and sana wala siyang gawin na ikakasira niya sa pamilya ko. If he really loves me, makakagawa kaming dalawa nang paraan para macancel ang parehong engagement, kung makikinig lang siya at magiging mahinahon"

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now