Claudia POV
Students Day 2
Ilang araw narin ang nakalipas simula nung umalis si Colton sa bahay ko, after niyang umuwi nang lasing, kinaumagahan umalis na siya dala lahat ang mga gamit niya.
Wala siyang iniwan sa kwarto niya, yung amoy niya lang.
Bawat araw na maiisip ko na wala na si Colton sa bahay ko, mas lalo ko siyang namimiss. Parabang, ayaw ko nalang na umalis siya. Na kung pwede, dito nalang siya sa bahay ko.
Hahanapin ko parin pala siya, iba parin pala kapag nasanay kana palagi mong kasama yung tao.
Aalis ako sa bahay nang magisa at uuwing magisa, bumalik na ako sa dati kong buhay, paminsan minsan nagpupunta sa bar at nagiinom, uuwi ako nang madaling araw at lasing, wala na kasing magbabawal sakin na gawin yun ngayon.
Kung magkakaroon man nang chance, mas pipiliin ko parin na makasama ko siya dito kahit bilang kaibigan nalang.
Ngayon na ang araw nang singing contest pero hanggang ngayon wala parin akong alam na kakantahin mamaya sa stage.
Mayroon lang kasi kaming ilang araw bago ang students day kaya medyo hindi ko napaghandaan.
Naging abala tuloy ako ngayon sa paghahanap nang kanta sa music nang phone ko, halos lahat hindi ko type, parang hindi bagay sa contest at parang ayaw ko kantahin.
Niregister napa naman ako nang mga kaibigan ko, aabangan ako dun at bawal na magback out. Kaya kaylangan konang makahanap agad nang kanta na kakantahin ko mamaya sa singing contest, para naman hindi madisappoint ang mga bida bida.
Hindi manlang kasi ako tinanong kung gusto ko bang sumali o hindi, simula kasi nung nacancel ang engagement namin ni Colton, hindi na kami nagsama ulit sa bar at hindi na ako kumanta ulit. Kaya parang medyo naninibago ako, parang wala akong alam na kanta.
"Problemado ka ah!" Bungad na asar sakin nang mga love birds na kakadating lang, si Odette kasama si Kavin.
"Naginom ka kagabi no? Mukha kang lutang ngayon eh"
"Pampatulog" Matipid kong sagot kay Odette.
"Alam mo kapag namimiss mo si Colton, puntahan mo lang siya sa bahay nila. Hindi mona kaylangang magpunta nang bar at maginom para makalimutan yang nararamdaman mo" Inirapan ko naman si Kavin dahil sa sinabi niya.
"Sigurado naman ako na namimiss karin non"
"Namomroblema ako dahil hindi ako makahanap nang kanta na kakantahin ko mamaya. Kapag hindi ako nakahanap, hindi nalang ako kakanta" Ngayon alam na nila ang dahilan kung bakit problemado ako.
"Ang haba nang weekends, hindi kapa nakapagisip?" Kunot noong tanong ni Odette sakin.
"Nawala sa isip ko eh"
"Isipin mo nalang para kay Colton" Opinyon ni Kavin.
"Puro ka Colton!" Sabay irap ko sakaniya.
"Sinusubukan lang kitang tulungan" Nagpapakahero pa siya sa tono nang boses niya.
"Para sakin kasi, kahit wala akong alam pagdating sa music. Kapag naisip mo ang taong mahal mo, makakaisip ka nang isang kanta na para sakaniya, isang kanta na magpapaalala sayo tungkol sakaniya. Okaya naman tungkol sa pinagdadaanan niyong dalawa okaya sa sitwasyon niyo"
Para naman akong nabunutan nang tinik sa sinabi ni Kavin, mukhang alam ko nanga kung ano ang kakantahin ko.
After nang ilang oras, nagtipon tipon na ang mga students sa main stage nang campus, mukhang magsisimula na ang singing contest.
"Mauunang magpeperform ang mga boys, pagkatapos ang mga girls naman" Sabi nung announcer.
So mauunang kakanta si Colton?
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Teen FictionA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
