Chapter 59 Revelation

23 2 2
                                        

Darlee POV

Sumakay ako nang elevator paakyat sa floor na sinabi ni Hades.

Pagtigil nang elevator, bumukas ito at lumabas nako. Ilang rooms lang ang nilagpasan ko hanggang marating ko ang room 108.

Nagtagal ako nang konti sa labas nang pintuan, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko din maisip kung bakit ko siya pinuntahan at kung bakit ako nandito ngayon.

Hindi ko magalaw ang katawan ko, ni hindi ko mahawakan ang doorknob. Naiisip kong nasa loob ang ex boyfriend ko at hindi ko alam kung anong ibubungad ko sakaniya.

Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan nang kwarto, dahilan para matigil ako sa paglalakad.

He's wearing maroon sweater with white long sleeve inside, black necktie, black pants and shoes.

Mukhang nagulat siya nang makita ako.

"Darlee?" Gulat na tanong niya.
"Anong ginagawa mo dito?"

"Why are you asking that? Pinapunta mo ako dito, you messaged me"

"Ha? Totoo ba?" Hindi parin siya lumalabas nang pintuan at ako naman nakatayo sa labas, tapat nito.
"Sorry baka wrong send" Really? Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, wrong send? Totoo ba?

Seryoso naman siya kaya pakiramdam ko totoo ang sinasabi niya.

"I'll call you later, patapusin muna natin tong event" Naagaw ang pansin namin sa boses na narinig namin.

Pagkatapos naming marinig ang babaeng nagsalita sa gilid, bigla niya akong hinila papasok sa loob nang hotel room at sinara niya ang pinto.

Mukhang dito dadaan yung babae eh.

Pero bakit niya ako hinila papasok?

Nakasandal ako sa pinto ngayon tapos nakacorner ako sa dalawang kamay niya, malapit na tuloy magdikit ang mga mukha namin.

Narinig ko yung yapak nang mga heels nung babae na dumadaan sa hallway.

"Who's that? Why are you hiding? Hindi naman si Diana yon eh" Kilala ko ang boses ni Diana, yung boses kanina, mukhang mas mature at mukhang hindi namin kaidaran.

"That's my mom" Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"If she saw us together, baka isipin niya tayo parin"

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinititigan ngayon.

Bakit parang namiss ko siya?

Yung mukha niya, yung yakap niya, yung amoy niya.

Yumuko siya at tinignan ako, nagtama nanaman ang mga mata naming dalawa.

Binaba niya lalo ang mukha niya patapat sa mukha ko at bigla niya akong hinalikan, halik katulad nung kami pa.

Tinulak ko siya at napalayo siya nang konti.

"What are you doing Hades?!" Sigaw ko sakaniya bago ko hinila ang pinto at lumabas.

Iniwan ko siya sa kwarto at binagsak ang pinto pasara.

Habang naglalakad ako paalis, paulit ulit na bumabalik sa isip ko yung ginawa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now