Jin POV
Nag desisyon akong bumangon nang maaga para mahabol si Mariko sa airport at para maka usap ko siya.
Kagabi pa ako nahimasmasan nung kausapin ako ni Heaven, nawala yung lasing ko nung mag simula niya akong sumbatan at amining may gusto siya sakin.
Pag dating ko nang airport, agad akong pumasok sa loob.
Pag pasok ko, hindi ko siya makita dahil marami din namang mga tao dito.
Pag lingon ko sa entrance, i saw her, inaabot niya yung luggages niya sa mga flight attendant.
Naka titig lang ako sakaniya hanggang napa tingin na siya sa kinatatayuan ko.
Inalis niya ang shades niya, maganda parin siya kagaya noon, hindi siya nag bago, ganun na ganun parin ang ngiti niya.
Nag lakad siya palapit sakin.
"It's been a while" Bungad niya sakin.
Nag punta kami sa tahimik na lugar dito sa airport, sa walang masyadong tao.
Sa lugar nato, nakikita mo yung mga eroplano na papalipad na.
"Kamusta kana?" Paninimula ko nang usapan.
"I'm okay, ikaw?" Balik tanong niya sakin.
"Okay lang rin"
"Akala ko, ayaw mona akong makita eh" Marunong na siyang mag biro ngayon.
"Pwede ba yun?" Naka ngisi kong tanong sakaniya.
"I know, hindi na ako ang importante sayo ngayon pero may kaylangan lang talaga akong sabihin sayo" Tumingin siya sakin, ganun parin ang mga mata niya, para parin silang nangungusap.
"After nating mag hiwalay, i found out that i am pregnant. Pero umuwi parin ako nang Australia that time para doon mag college, gumawa kasi ako nang paraan para maka graduate nang senior high" Naging seryoso ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Yes Jin, we have a son. He's name is Jino, from our name. Sinunod ko sa pangalan mo dahil siya nalang ang maiiwang memories mo sakin eh, actually kaya ako bumalik nang Pilipinas dahil gusto kona talaga siyang ipakilala sayo. Matagal kona kasing pinlano na mag start na nang business sa Australia, dahil ikakasal narin naman ako next year at wala na akong planong bumalik pa dito sa Pilipinas. Alam kong may karapatan ka parin kay Jino kaya ginusto ko ring makita mo siya bago man lang kami maka balik nang Australia""Nasaan siya?" Seryoso kong tanong.
"Ate Cony?" Tawag niya sa katulong na may hawak nang bata.
Lumapit naman ang katulong agad at inabot kay Mariko yung hawak niyang bata.
"Iwan ko muna po kayo mam" Paalam nung katulong kay Mariko.
"He will turn one next month, sa Australia kona gaganapin" Pag katapos niya mag salita, kinarga ko yung anak ko at niyakap.
"I'm sorry if i have to keep him from you, bata kapa kasi noon. Alam kong mas lalo ka lang mahihirapan sa situation kung bibigyan pa kita nang responsibility, mas matanda ako kaya ako nalang mag isa ang nag desisyon para kay Jino. But i tell to myself na hindi ko siya habang buhay na itatago sayo, ipapakilala ko rin siya sa tamang panahon"
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
Novela JuvenilA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?