Chapter 17 A Night to Remember

21 3 1
                                    

Odette POV

Background song - Payphone

After nang dinner, lahat nag papahinga na sa mga kwarto, habang ako nandito parin sa gilid nang pool mag isa, naka babad ang mga paa sa pool at nag papahangin.

Para namang hindi napagod dun sa Lake kanina.

Hindi ko alam pero parang dinadala ako nang sarili ko dito.

Maya maya may bigla nalang nag abot nang isang drink sakin, si Kavin.

Kinuha ko naman yung drink at ininom, gusto ko rin uminom sa gitna nang malamig na gabi.

"Wag kang mag alala, hindi ako nandito para makipag away sayo" Paninira niya nang katahimikan.

"Tapos na tayong sumbatan ang isat isa, matagal narin tayong tapos, kaya wala na yon. Atleast ngayon alam na natin ang reason nang isat isa kung bakit tayo nag hiwalay noon" Patuloy lang ako sa pag inom at bigla naman siyang tumabi nang hindi masyadong malapit sa akin, at binabad din ang mga paa niya sa pool.

"Kagaya nang sinabi mo, tapos na ang lahat, baka ngayon, pwede namang ayusin natin ang pag tatapos natin ulit" Naka tingin lang ako sakaniya.
"Last time akala ko mag tatapos na tayo nang maayos eh, mabibigyan na natin nang closure ang isat isa, hindi pala"

"Wala pa kasi tayong alam sa totoong mga nangyare noon kaya ganon" Kung yan ang gusto mong topic, sasabayan kita.

"Sa totoo lang, masaya akong nag kita tayo ulit. Alam ko sa sarili ko, binigyan ako nang another chance ni god, para maka hingi nang tawad sayo Xinyi, or should i say, Odette"

"Ano ka ba Kavin, ako dapat ang humingi nang sorry sayo, despite on what i did, deserve ko naman talagang masaktan. I remember my mama said, ako naman talaga ang unang nag kamali. Noong nag usap kami ni mama, nafigure out ko lahat, narealized ko na may mali din pala talaga ako, ako pala talaga ang mali. Kung hindi ko sinabi ang mga bagay na yun, hindi ka naman aalis"

"No one deserves to be blame, baka hindi lang talaga tayo ang para sa isat isa" Tama ka Kavin, baka nga.
"Pero alam mo, tinry ko pang bumalik sayo, many times, pero pinangunahan ako nang takot eh, baka maulit yung nangyare, baka iwan mo ako ulit at pag naulit yun baka hindi kona kayanin, kaya hindi nalang ako bumalik"

"Gulong gulo din ako noon, baka hindi rin tayo nag kaayos kung ginawa mo yon"

"But i tried again, not to bring you back but to talk to you and say sorry. Para sana maayos nating mapag usapan yung nangyare noon at mag kaayos tayo kahit bilang kaibigan nalang"

"Pero nauwi sa sumbatan" Tuloy ko sa gusto niyang sabihin.

"No, nung time na yon, nasagot lang natin ang mga tanong nang isat isa" Seryoso naman siya sa mga sinasabi niya kaya naging seryoso narin ako.
"Ngayon alam ko nang pinag laban mo pala ako noon"

"Syempre mahal kita eh, noon" Noon Kavin.
"Ngayon naiintindihan ko at alam kona kung sino talaga sa buhay mo si Gab. Yung sainyo noon, hindi naman pag loloko yon. I was hurt but pinili kong intindihin, kase noong sinaktan kita, siya yung nandon. Nadala lang siguro ako nang illusyon nong huling beses tayong mag usap kaya hindi agad kita napakinggan at nauwi tayo sa sumbatan"

"With all my heart, i tried to make you stay but i field. So i'm praying for your happiness, na sana maka hanap ka nang lalaking mag mamahal sayo better that i did. Alam ko kasing may kasalanan din ako, dahil hinayaan kita at hindi ako nag hintay" Closure na ba to? Bakit ako naluluha?
"Xinyi, let's start over again as a friend's, mag kaibigan naman tayo bago maging tayo diba?"

"I'm starting to accept you as a friend Kavin. Tanggap ko at naiintindihan ko na hanggang doon nalang talaga tayo"

"Sorry" Sabay pa naming nasabi.

School 2022 (Empire Highschool)Where stories live. Discover now