Chapter 1.2

1K 33 2
                                    

-----'s POV

KAHIT TINATAMAD ako, napilitan pa rin akong pumunta sa mall para bilhin ang nag-iisang librong kulang sa collection ko. Hindi ko naman gustong utusan pa 'yung katulong namin dahil maghapon na 'yong pagod sa utos nina mommy at ng mahadera kong kapatid.

I used my car and drive my way to the nearest mall. Natapos ko na kasi 'yung anim na libro pero ngayon ko lang napansin na wala pala sa shelf ko 'yung last book ng series. And I hate to think na 'yung pakialamerang kapatid ko na naman 'yung humawak sa missing book na 'yon.

Wala pang isang oras nang makarating ako sa mall. Sa totoo lang, medyo naiinis ako dahil wala akong pasok ngayong Friday pero para pa rin akong sumasabay sa mga nagsisiuwiang estudyante. Alas sinco y media na kasi ng hapon.

My life was too boring. Kung meron nga sigurong contest para sa mga taong nabo-boringan sa buhay eh siguradong sasali ako. Whether it is death-defying or not. I realy hate my life and my final year in college sucks even harder.

I adore silence. I adore books. Hindi ako 'yung lalaking makikita mo sa mga gig at mga bar. I study well. I play sports, yes. But my passion is to read lots of books. Pero kahit na gano'n akong tao, ako mismo ay naboboringan na sa buhay ko. Walang thrill. Walang saya.

According to my classmate and buddy, I should try to play and get along with girls to have the real pleasure of being a man. I quickly understood what he meant but that's not how my parents taught me. Eventhough I have my great looks, and I have a lot of money from my family's company, I still know how to respect the opposite gender. And I don't even want to court a lady because, for me, it's just a waste of time and effort.

Ilang beses na 'kong nagka-girlfriend at ilang beses na ring sumakit ang ulo ko sa kanila. Girls are really complicated creatures. For them, "yes" means "yes", and "yes" means "no," and "yes" means "maybe." Sometimes "no" means "yes," or "no" really means "no." And "maybe" is somehow "yes" or "no."

I was on my way to my favorite bookstore nang mapadaan ako sa Tom's World. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumuloy ako hanggang sa loob. Marami ang nakapansin sa 'kin. Girls were oggling, but I ignored all of them.

Sinipat-sipat ko ang mga bagong games. I got addicted with games before. The problem is, mas nagugustuhan ko pa rin ang mga libro. When I saw something to read, nakakalimutan ko na minsan ang mga gagawin ko.

"'The heck. Wala pa rin bang Tekken 7?" I whispered as I walked towards the exit. Wala akong masusubukang bago. Kailangan ko na lang sigurong magbasa ulit.

I was on my way out nang mapansin ko ang isang couple na nakaupo sa public seats ng mall na nakaharap sa Tom's World. Siguro kasing-edad ko lang sila. Mga college students din. Medyo na-wierdo-han ako dahil umiiyak 'yung babae, but she's trying very hard to conceal it. I stood up straight at the exit and watched them. Hindi ako pakealamerong tao at mas lalong hindi ako tsismoso. But I felt a little bit of sadness as I saw a gorgeous lady cry like that.

I saw how that woman tried to hold his boyfriend but the guy refused to. Para 'kong nanonood ng pelikula. But it looked so weird dahil imbis na 'yung lalaki ang sumusuyo, 'yung babae 'yung gumagawa no'n. Pinunasan pa ng babae 'yung braso ng lalaki.

Pero hindi iyon 'yung mas nakakuha ng atensyon ko kundi 'yung "last scene" nila. I saw how she uttered the words "I love you" to his boyfriend but the latter just stood up and dragged her with him. Sinundan ko sila ng tingin habang naglalakad palayo. Medyo naawa ako sa babae.

Hindi ko alam pero biglang nasira 'yung mood ko sa nakita ko. I never did that to any of my ex-girlfriends. Halatang masakit 'yung ginawa ng lalaking 'yon sa girlfriend niya at kung kapatid ko lang ang hinila niya nang gano'n eh siguradong magugulpi ko s'ya.

Hindi ko alam na may mga lalaki palang gano'n kabrutal sa girlfriend nila. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang image ng mga kalalakihan.

I put my hands in my pocket. Naiiling na lang akong naglakad papunta sa bookstore na kanina ko pa dapat napuntahan.

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon