Chapter 15.4

401 15 0
                                    

Maine's POV

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing nakakakita ako ng mga eksena o bagay na hindi normal sa mga mata ko. Kahit nasa loob ng sasakyan ay ramdam ko pa rin ang medyo malamig na klima, lalo na't nakikita ko rin ang manipas na fog mula sa nakabukas na bintana ng kotse.

"Did you like the place?"

Napabaling ako kay Tisoy na noon ay abala sa pagmamaneho. Pasulyap-sulyap siya sa 'kin kasabay ng isang pinong ngiti na bihira ko nang makita magmula nang maratay ako sa kama ng ospital.

I'm sorry for causing you so much trouble, Tisoy. 'Wag kang mag-alala. Matatapos din ang lahat ng 'to sa tamang panahon.

I smiled though it hurts inside. "Sobra." Tumingin na lamang ulit ako sa dinaraanan namin.

"Marami pa tayong pupuntahan pagkatapos nito."

"Baka naman mapagod na 'ko," I replied while keeping my eyes on the sceneries. Hangga't maaari ay ayoko siyang tingnan.

I heard him laughed. "S'yempre, we'll do it every other week para hindi ka naman mapagod nang husto."

Hindi na 'ko kumibo. Nagkasya na lamang ako sa pagtingin sa mga nadaraanan namin. Nasabi ko na nga pala? Last week was Valentine's Day. Sinorpresa na naman ako ni Tisoy. At isa sa mga sorpresa niya ay ang pagdala sa mga kaibigan ko sa bahay.

At nandu'n si Bren. Masaya ako dahil masaya na siya para sa 'min, at sa 'kin. Sinabi niyang magpakatatag ako para kay Tisoy.

I sighed.

Kahit papa'no ay natutuwa akong makita ang mga halaman, ang mangilan-ngilang tao sa kalsada, at mga panindang naka-display sa daan para sa mga turista at mga byahero sa daan. I just focused my eyes on the beautiful sceneries of Tagaytay.

It was my first time to visit the said city. Hindi kasi ako mahilig mamasyal kung saan-saan. Lately lang ako nakakapaggala, and it was all because of Tisoy.

Wala pang isang taon magmula nang makilala ko siya. At kung tutuusin ay napakaikling panahon pa lang ang itinatagal ng relasyon namin. Pero masasabi kong sa panahong nakasama ko siya, masaya na 'ko sa buhay ko. God gave me the best gift anyone is dying to have. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga nangyari sa 'kin sa past ko, dahil hindi ko makikilala ang isang Richard Featherson Jr. sa buhay ko kung hindi ako nagkamali.

I simply looked at him for one more time. He was busy driving. His light brown eyes were tired. He looked so frustrated deep inside. Alam ko. Kahit itago niya pa sa 'kin 'yon. Hindi ako bulag para hindi ko 'yon makita, lalo na sa lalaking mahal ko.

Bakit kaya kung kelan tayo masaya, 'tsaka biglang darating 'yung napakaraming mga pagsubok? Ito siguro ang kalakaran ng buhay. Kailangang maging balance ng lahat. Hindi pwedeng araw-araw kang masaya. Dahil kapag gano'n, hindi mo maa-appreciate ang tunay na halaga ng buhay.

Hindi ko akalaing darating 'yung time na ganito. At hindi ko rin alam na maiisip ko ang mga bagay na 'to. Pero sana tumigil 'yung oras. Sana tumigil 'yung panahon. Sana 'yung bawat segundong kasama ko 'yung taong mahal ko ay maging taon ang katumbas.

Darating 'yung panahon na paglalayuin ulit ng tadhana ang dalawang taong pinagtagpo niya. Ewan ko kung bakit. But surely life and death loves each other so much. Life sends countless souls that serve as gifts for death. And death keeps it forever.

Kung isang araw, pipikit na lang ang mga mata ko at hindi na 'ko makakadilat pang muli, wala akong pagsisisihan. I have lived my life to the fullest. I have made wrong and right choices. I have met wrong and right people. I have committed sins and favors. Everything was in balance. Iyon ang isang masarap na pamumuhay.

Wala nang sasakit pa sa pakiramdam na kailangan niyong iwan ang isa't isa. Kailangan niyong mapunta sa magkabilang direksyon. Pero nangyayari ang lahat ng 'yon dahil 'yon ang niloob ng Diyos.

Hindi ko namalayang naglandas na pala ang mga luha sa magkabila kong pisngi. Kaya naman nagulat na lang ako nang pansinin ako ni Tisoy.

"What's wrong?" tanong niya na may halong pag-aalala sa mukha.

I smiled and tried to stay calm. "Nothing. I'm just happy... with you."

Ginagap ni Tisoy ang mga palad ko gamit ang kanan niyang kamay. "You'll be happy with me, forever."

Instead of answering him, isang malungkot na ngiti na lamang ang naiganti ko sa kanya.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon