Chapter 9.2

463 19 0
                                    

Tisoy's POV

I SMILED WHEN I SAW her standing in front of me. She couldn't say a word. She was so speechless. Nandito ako ngayon sa harap ng gate 1 ng school nila. Um-absent na 'ko sa huling subject namin para lang makapunta rito nang maaga.

She stepped forward. Sinimulan ko naman ang pagtugtog ng gitara. Kumpleto ako sa lahat. I bought dozens of roses, I brought a speaker which I connected to my acoustic guitar and a microphone, and then I bought a cake na hawak-hawak naman ngayon ni Apple. I started to sing the song "When You Say Nothing At All."

It's amazing how you

Can speak right to my heart

Without saying a word

You can light up the dark

Hindi ako sigurado pero parang umiiyak na siya. She was smiling while crying. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa 'kin. Para kaming nasa movie nang mga oras na 'yon.

Last week lang nang mabanggit sa 'kin ni Maine na ngayong araw ang birthday niya. Since that day, I couldn't stop thinking about the greatest surprise I could ever give. Good thing I have Apple. I told her about my plan.

Oo nga pala. Pinsan si Apple ni Sam na bestfriend ko. Nalaman niya lang 'yon nang pinaplano na namin ang surprise na 'to. So, I have no choice to told her my real identity. Sasabihin din naman 'yon ng madaldal na si Sam. But I made Apple promise to keep it as a secret. Gusto ko munang maging misteryo kay Maine ang pagkatao ko. Gusto kong makilala niya lang ako kapag handa na siyang magmahal.

Hay nako. Oo. Iba na nga yata ang tama ko sa kanya. It was like a whirlwind romance at all. Bigla na lang akong nakaramdam ng spark. Halos dalawang buwan ko pa lang siya nakikilala pero iba na talaga ang impact niya sa 'kin. Nu'ng una, totoong concerned lang ako sa kanya. That was because I found something magical in her na hindi ko matukoy kung ano. Alright, whatever. Hinihintay ko na ang tamang panahon para mahalin ako ni Maine. Alam kong malabo pa ngayon. But, who knows? Maraming nagbabago sa bawat araw na lumilipas.

Try as I may, I could never explain

What I hear when you don't say a thing

Nang makarating siya sa harap ko, saglit akong tumigil sa pagkanta para punasan ang luha niya. And then I gave her my handky again. Hindi ako magsasawang bigyan siya ng panyo hangga't umiiyak siya. Kaya kong bilhin 'yung mga 'yon, but I can't buy her heart.

The smile on your face

Lets me know that you need me

There's a truth in your eyes

Saying you never leave me

The touch of your hand says you'll catch me

Whenever I fall

You say it best when you say nothing at all

Napatingin siya sa paligid. Sa bermuda grass, gumawa ako ng isang malaking "Happy Birthday Maine" gamit ang mga petals ng mga bulaklak na binili ko. May ilang students na lalaki na ang nag-volunteer na tulungan ako kanina. Mga classmates din yata sila ni Maine. Sa likod ko ay hawak din ng iba pang classmates ni Maine ang malaking banner na "Happy birthday!" at mga pula at pink na lobo.

Habang nagpapatuloy ako sa pagkanta at paggigitara, nakatitig lang sa 'kin si Maine. Nangingiyak pa rin siya. Pero nagulat siya nang isa-isang lumapit ang mga tao sa paligid niya—giving her red and white roses.

After they gave her those roses, lumapit naman sa kanya si Apple. Hawak naman niya 'yung isang cake na may pink candles. "Happy birthday, Bestfriend!"

Hindi na napigilan ni Maine 'yung sarili niya. She hugged Apple while crying.

"Thank you, guys," she said while wiping her tears. May pagkaiyakin talaga 'tong babaeng 'to.

Natawa si Apple. "Idea 'tong lahat ni Tisoy. Sorry if I need to snob you for the whole day. Part kasi 'yun ng surprise."

Kitang-kita ko 'yung saya kay Maine nang mga oras na 'yon. A genuine happiness. Nang kumalas siya ay sakto namang tapos ko nang kantahin 'yung dedicated song ko.

You say it best, when you say nothing at all...

When I finished singing and strumming my guitar, I flashed out a sweet smile. Pagkatapos ay ibinaba ko na 'yung accoustic guitar ko. At nagulat naman ako sa sunod na ginawa niya. She hugged me, too. Kasing-higpit din ng yakap niya kay Apple.

"Thank you, Tisoy. Thank you so much," she said in between her sobs.

I don't know what was inside my mind during that time but I just hugged her back. I was so happy. Parang ako pa nga yata ang may birthday dahil sa tuwang nararamdaman ko.

"'Welcome, Meng. Happy birthday." Iyon na lamang ang nasabi ko.

Narinig ko 'yung malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid namin kasabay ng malalakas na "Ayiiiieeeee!" pero hindi ko na sila pinansin. Ayokong sirain ang masayang atmosphere. Isa pa, malaki ang naging participation nila sa surprise na ibinigay ko kay Maine.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa 'kin. Ako? Hindi ko rin ma-explain ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Siguro ay masayang-masaya lang din ako para sa kanya. Masaya rin ako dahil kahit papa'no ay nagiging masaya siya kasama ako.

Napahawak si Maine sa dibdib niya. Mukhang nasobrahan na naman siya sa emotions niya.

"Okay ka lang?" I asked before I held her arm.

Tumingin siya sa 'kin kasunod ng isang matamis na ngiti. "Oo naman."

Magsasalita pa sana 'ko nang biglang lumapit si Apple.

"Ano? Forever julalay na lang ako? Tara na. Kain tayo sa labas. Treat mo, Tisoy. Gutom na 'ko," natatawang yakad ni Apple. "Ang hirap magbuhat ng cake ha?"

Nagkatinginan kami ni Maine at nagkatawanan.

"Treat mo?" tanong sa 'kin ni Maine.

"Treat ko?" parang ewan ko lang ding tanong.

"No. Treat ko!" Apple exclaimed in an ironic tone.

"Well, simulan mo nang magligpit ng mga 'to," nakangising sabi ni Maine na ikinatawa na lang naming tatlo.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon