Maine's POV
"WHAT'S YOUR BIRTHDAY WISH?" tanong ko kay Tisoy habang magkayakap naming pinapanood ang paglubog ng araw. Nakaupo kami sa dalampasigan. Ngayon lang ulit ako nakaalis sa wheelchair ko na parang naging permanenteng trono ko na nang lumipas pa ang mga araw at linggo.
Nandito kami ngayon sa Isla Funtafuego sa Batangas. Ngayon lang din ako nakapunta rito at hindi ko pinagsisisihan dahil sobrang ganda ng paligid. Nabili rin pala ng angkan nina Tisoy ang islang 'to.
At oo nga pala, birthday ngayon ng pinakamamahal kong lalaki. I was so happy that he wanted to be with me in his own celebration.
Kinintalan niya ako ng halik sa noo. "Hindi ko pwedeng sabihin. Hindi 'yon matutupad kapag sinabi ko," aniya.
"Kahit sa 'kin?" I asked.
"Kahit sa 'yo. Hayaan mo. Kapag natupad 'yon, sasabihin ko sa 'yo," pangako ni Tisoy na parang nang-uuto lang ng kausap niyang bata. "Basta s'yempre, kailangan mo munang magpagaling."
"Kapag ba gumaling na 'ko, ganito ka pa rin ka-sweet sa 'kin?" paglalambing ko.
Saglit na natahimik si Tisoy na para bang iniisip niya kung anong isasagpt sa isang simpleng tanong na 'yon. Pagkatapos ang isang minuto ay sumagot siya. "O-Oo... Oo naman."
Inilagay ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya. Ayoko nang mag-isip ng kahit ano. Ayoko na ring magtampo o matakot. Ayoko nang makaramdam ng kahit ano. Sapat na sa 'king alam ko na mahal ko ang pamilya ko at ang nag-iisang lalaking gusto kong makasama hanggang sa dulo nang walang hanggan.
"Sa tingin mo ba, hinahanap na tayo nina daddy?" tanong ko ulit matapos ang mahaba-habang katahimikan. Hangga't maaari ay ayokong magkaroon ng tahimik na sandali. Dahil para na akong unti-unting hinihila ni Kamatayan sa tuwing naiisip kong hindi ko na makakasama si Tisoy.
He laughed softly. "I told them that would go here."
"Hindi mo na 'ko dapat iniisip masyado. Hindi ka tuloy naka-graduate ngayong sem." I can't help but to put a self-blame tone in between my words.
Mula sa palubog na araw ay inilipat sa 'kin ni Tisoy ang mga mata niya. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok ko at inipit ang mga iyon sa likod ng tenga ko. "Bakit, ayaw mo na ba 'kong makasama?"
"Hindi ah," maagap kong sagot. "Iniisip lang talaga kita. Ayokong magkaroon ng reason ang daddy mo para hindi ipamana sa 'yo ang mga bagay na para sa 'yo talaga."
"Hindi ko kailangan 'yon. My sister could be a better successor, I think."
Instead of giving out a small discussion, I just kept my mouth shut and hugged him even tighter. I feel so safe whenever I'm within his arms. Hindi ko na kasi alam kung paano ko sasabihin na sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa 'kin.
At alam ko naman sa sarili ko na gusto ko rin siyang makasama. Siya at ang pamilya ko. Gusto kong ubusin ang panahon na kasama sila. Gusto kong makita sila araw-araw. Sila ang dahilan ko para lumaban.
"Love," pagpukaw ni Tisoy sa atensyon ko.
"Hmm?"
"Gusto ko sanang magpaalam sa 'yo."
Marahan akong bumangon mula sa pagkakadantay sa balikat niya. "Magpapaalam saan?"
Matagal akong tinitigan ni Tisoy. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nahihirapan sa mga sandaling iyon. Marahil ay nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba sa 'kin 'yung plano niyang sabihin o hindi.
"Sabihin mo na," I said with enthusiasm.
"Maine." He held my hands. "Aalis kasi ako eh."
"S-Sa'n ka pupunta? Hindi ba 'ko pwedeng sumama? Magtatagal ka ba? Ilang araw? Ilang weeks?" sunud-sunod na tanong ko. Bigla akong parang mawawala sa sarili.
Yumuko si Tisoy. Kasunod no'n ang pagpatak ng mga luha niya sa mga kamay ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay ibinalik niya sa 'kin ang mga mata niya. "Mag... Mag-aaral kasi ako... Mag-aaral ako sa ibang bansa. Matatagalan ako doon."
Tuluyan akong nanlambot sa mga sinabing 'yon ni Tisoy. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Una, dahil alam kong may mga pangarap din siya sa buhay. Pangalawa, dahil hindi na rin naman magtatagal at baka iwan ko na rin siya. At pangatlo, marahil ay napapagod na rin siya at nahihirapan sa pag-aalaga sa babaeng tulad ko. Kahit pa alam kong mahal na mahal niya 'ko nang higit pa sa kahit kanino, alam kong napapagod din siya. Hindi siya robot at mas lalong hindi siya Diyos.
Pinigilan kong maluha, pero kapag ipinagpatuloy ko 'yon ay siguradong hindi na kakayanin ng puso ko ang lahat. Kaya hindi rin nagtagal ang bawat segundo ay tumulo na ang mga patak ng luhang iniingatan kong bumagsak.
"Oh sige," nakangiti kong sabi sa pagitan ng mahihinang hikbi. "Basta... Basta lagi mo 'kong papadalhan ng e-mail ha? Lagi mo 'kong icha-chat. Lagi kang magpaparamdam. And, 'wag kang mambababae do'n ha?"
Kinabig ako ni Tisoy para yakapin nang mas mahigpit. Isinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako umiyak nang umiyak.
"Hindi kita ipagpapalit sa kahit sinong babae. Pupunta lang ako do'n para sa 'yo," sabi ni Tisoy habang hinahaplos ang buhok at ang likod ko. Para bang ayaw niya na 'kong pakawalan sa mga bisig niya nang mga oras na 'yon. "Para lang sa 'yo, Maine."
We both drowned ourselves in silence as our hearts started to scream in great pain.
{7\Zb
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)