Maine's POV
Para sa nag-iisang babaeng mahal ko,
My life was so incomplete. It was so boring. It was nonsense. I was waking up every morning and closing my eyes at night without a clear vision of the future. My life was full of what's and why's. I was so hesitant in doing many things. I was so afraid to make people stay in my life, because I believed that they would leave me as the time passes by.
And then you came and changed everything. Hindi kita unang nakita nu'ng nakatitigan kita ng mata sa mall habang dumadaan ako. Una kong nakita 'yung mga luha mo noong sinusuyo mo 'yung siraulo mong ex sa harap ng Tom's World. Iyon din ang unang beses na nasaktan ako para sa 'yo.
Hanggang sa nagkita ulit tayo. Alam mo kung bakit kita inabutan ng panyo noon? Kasi nakita kitang tumatakbo sa ulanan habang nagmamaneho ako pauwi. At nakita ko na naman 'yung pag-iyak mo na para bang katapusan na ng mundo.
Naiinis ako sa 'yo at sa ex mo. Naiinis ako kay Bren kasi ginaganyan ka niya, at naiinis naman ako sa 'yo kasi nagtitiis ka pa. Kaya naman nu'ng makita kita sa party ng kapatid ng best buddy kong si Sam, hindi na 'ko nagdalawang-isip na kausapin ka.
Sobrang daming nagbago sa buhay ko. Namalayan ko na lang na gumigising na 'kong nakangiti at hihiga rin nang nakangiti. Binago mo ang lahat ng pananaw ko sa buhay. Binago mo lahat—pati 'yung tibok ng puso ko.
Nasasaktan ako nu'ng mga panahong umiiyak ka. That's why I did my best to make you feel happy. And when you said yes after months? Iyon na ang pinakamasayang araw para sa 'kin. Kasi binigyan ako ni Lord ng dahilan para mas magsikap at maibigay ang lahat sa 'yo.
But things had to change. Hindi ko inakalang kailangang lumala nang husto ang sakit mo. Hindi ko naisip na makikita kitang nakaratay at nahihirapan. Para rin akong mamamatay sa tuwing nakikita kitang umiiyak dahil sa sakit.
Alam mo, siguro ginawa 'yon ni Lord para makita ko kung hanggang saan pa ba ang kaya kong gawin para sa 'yo. At hindi Siya nagkamali, dahil nakita ko kung ano pa ba ang kaya kong ibigay para sa pag-ibig.
Siguro sa mga oras na nababasa mo 'to, maayos na ang lagay mo. Pero sigurado rin akong hindi mo na 'ko mayayakap. Hindi mo na 'ko makakasama. At hindi na tayo magkikita pa kahit kailan. Pero 'wag mo sana akong kakalimutan. Kahit magmahal ka na ulit, sana magkaroon pa rin ako ng maliit na puwang sa bagong puso mo.
Mahal na mahal kita, higit kahit kanino, higit sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Maine. Ikaw lang 'yung babaeng minahal ko nang ganito. Hindi ko pinagsisisihan kung anumang mga naging desisyon ko sa buhay. Hindi rin ako nagsisisi na nakilala kita at mas lalong hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko nang husto.
Pasensya ka na kung hindi ko na maibibigay 'yung pangarap nating limang anak. 'Yung simpleng buhay. 'Yung masayang mga bakasyon. Pasensya ka na kung kailangan kitang iwan. Pasensya ka na kung nasasaktan ka habang nababasa mo 'tong sulat na 'to. Pasensya ka na sa lahat. Pasensya ka na kung minahal kita nang husto. Lagi mo 'kong dadalawin ha? O kahit isang beses sa isang taon, basta maalala mo man lang ako, masaya na 'ko.
Mabuhay ka nang normal, Maine. Mahal na mahal kita.
Ingatan mo ang puso ko.
Yours truly,
Tisoy
Itinupi ko ang puting papel na ilang beses kong napatakan ng luha. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kapatid niyang si Milky na sinamahan ako sa harap ni Tisoy.
Sa harap ng puntod niya.
Nang dumating ako sa mansyon ng mga Featherson ay halos hindi ko makausap ang mga magulang ni Tisoy. Hindi naman sa ayaw nila akong kausapin. Pero sinabi nilang hindi pa sila handang buksan ang tungkol kay Tisoy. Kaya si Milky ang pinasama nila sa 'kin.
"Nu'ng araw na inatake ka, tumawag sa 'kin 'yung pinsan mong si Lissa dahil hindi nila ma-contact si Kuya. That's why I rushed into his room and told him about what was happening. Sobrang nag-alala si kuya sa 'yo. Pero bago siya umalis ay nagkulong muna siya sa kwarto niya. Before I left him, I saw hi grabbed his pen and papers. At nang lumabas siya ng kwarto niya, niyakap niya 'ko nang mahigpit," umiiyak na kwento ni Milky habang nakatitig sa puntod ng kuya niya.
Nalunod ang mga mata ko sa luha nang mga sandaling iyon.
Nagpatuloy si Milky. "Bumulong siya sa 'kin. Ang sabi niya, alagaan ko raw sina mommy. Alam mo ba ate? Ang tanga ko kasi hindi ko ka'gad na-realize 'yung ibig niyang sabihin. Hanggang sa nakaalis na siya. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto niya. Nakita ko 'yung dalawang sulat. One was for you, and the other one was for us. Binasa ko 'yung para sa 'min. Nagpaalam siya sa 'min. At ibinilin niyang ibigay namin 'yung puso niya sa 'yo."
"Bakit kayo pumayag?" may himig ng pagsisisi kong tanong.
"Ibinangga niya ang kotse niya. Nagpunta kami agad sa ospital kung saan siya dinala. Pinilit pa rin naming isalba siya, pero nagkaroon ng internal hemorage sa ulo niya dahil sa matinding impact, at naubusan siya ng dugo. Kaya naman sa huli, nasunod pa rin 'yung gusto niya."
"No..." nasabi ko na lamang matapos marinig ang lahat. Natakpan ko ng mga palad ko ang bibig ko. "No... Sabay kaming nag-agaw buhay."
"Ibinigay niya sa 'yo ang puso niya," malungkot na pagtatapos ni Milky. "Gusto ni kuya na mabuhay ka nang normal, ate. Mahal na mahal ka ni kuya."
Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Napaluhod siya sa puntod ni Tisoy. Binigay niya ang lahat sa 'kin. Lahat-lahat, pati ang buhay niya. Ginawa niya ang lahat para mabuhay lang ako.
Mahal na mahal ako ni Tisoy. Walang ibang gumawa no'n kundi siya lamang. Ang magsakripisyo nang gano'n katindi para sa babaeng mahal niya. Bakit hindi niya na lang hinayaang mawala ako? Bakit kailangan niya pang isakripisyo ang sarili niya? Bakit?
Natanggap ko na ang napipintong kamatayan. Samantalang si Tisoy, walang nag-akalang gagawin niya 'yung bagay na 'yon.
Tisoy, bakit mo 'to ginawa? Bakit? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal mo rin ako. Pero hindi sapat na dahilan 'yon.
Ito ba 'yung pagmamahal na kayang isakripisyo ang lahat? Kung gano'n, si Tisoy lang ang dapat mahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Siya lang ang nagpapatunay na totoo ang pagmamahal at totoong may pag-ibig na walang hanggan.
Tatayo na sana ako pero hindi ko na iyon nagawa dahil biglang kumirot nang husto ang dibdib ko. Kirot na pinakamatindi sa lahat ng literal na sakit na naramdaman ko noon. Gumuguhit iyon hanggang sa kaloob-looban ng puso ko, ng puso namin ni Tisoy.
Tuluyan akong tumumba at namilipit sa sobrang sakit.
"Ate!" hiyaw ni Milky. Tinawag niya ang driver at yaya ko.
Ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit ay tuluyan na 'kong nawalan ng malay at hinila ng kadiliman.
—WAKAS—
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)