Tisoy's POV
"PWEDE KO NA BANG mahiram 'yang girlfriend ko?" I asked with sarcasm. Nakatayo ako sa pinto ng nakabukas na kwarto ni Milky—habang naka-crossed arms at nakatingin nang masama sa kapatid ko. Nakaupo sila sa kama at busy sa pagkukwentuhan. Katabi niya ang pinakamagandang babae para sa 'kin, ang Maine ng buhay ko.
Geez. Corny, pero 'yon talaga ang naiisip ko sa mga oras na 'to.
My sister pouted like a child. Hay nako. Ano pa ba'ng gusto ng babaeng 'to? Ginabi na si Maine sa 'min dahil sa girl talk nila ni mommy at pati niya. Nakipagkwentuhan din si daddy kanina habang nagdi-dinner kaya naman wala akong oras para malambing siya.
"Vous etes si egoiste," I said in French.
Narinig kong natawa si Maine. I wonder kung ano'ng pinag-uusapan nila. Pero kanina pa sila magkasama. Baka kung anu-ano nang kinukwento nitong kapatid ko sa girlfriend ko. Mahirap na.
"Grabe ka naman, Kuya," maktol ni Milky habang nakanguso sa 'kin. "Araw-araw na nga kayo halos magkasama nito ni Ate Maine 'tapos ako pa 'yung madamot?"
Aba, aba! Hindi ba niya alam na ilang oras na silang magkakuwentuhan?
Magsasalita pa sana 'ko pero humarap na ulit 'yung magaling kong kapatid kay Maine. "Pasensya ka na sa 'min, Ate. Ganyan 'yan si kuya. Lalaitin ako with French words kahit may bisita."
"Hey—"
"Basta let's have shopping this weekend ha?" putol ni Milky sa sasabihin ko.
"Sure," nakangiting sabi ni Maine. Hinawakan niya pa 'yung kamay ng kapatid ko. "Minsan, ikaw naman ang ipapasyal ko sa bahay. Let's have our girl bonding, para makaiwas tayo d'yan sa kuya mong masungit." She then stared at me and laughed.
Ang mga babae talaga. Hay nako. Ang lakas nilang mang-asar, pero kapag inaasar mo, mga pikon naman.
"Oh siya," Maine said afterwards. "'Usap na muna kami ng kuya mo ha? Nagtatampo na ang bata. Hahahaha!"
She kissed my sister's cheek before she stood up and faced me. Plano ko sanang magtampo-tampuhan, pero nang matitigan ko ang maganda niyang mukha, nalusaw ang lahat ng nasa isip ko. In an instant, naramdaman ko na naman 'yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko simula nu'ng una ko siyang lapitan. Corny pa sa corny, but it was so magical.
Wala sa sariling nahalikan ko siya sa noo.
"Hey, my eyes!" reklamo ng kapatid ko. "'Wag naman sa harap ng hopeless romantic na gaya ko. Sige na kuya, bring her to your room para makapag-usap kayo."
Natawa na lang kami pareho bago ko inakay si Maine palabas ng kwarto ni Milky. Naglakad kami hanggang sa makarating sa kwarto ko. I was about to open the door when she stopped me.
"Why?" I asked out of the blue. I gave her an asking face.
Medyo napangiti siya nang alanganin. "P-Pwede bang sa garden niyo na lang tayo mag-usap? Nakakahiya sa parents mo kung dadalhin mo 'ko sa kwarto mo. That's inappropriate, I think."
On that moment, I suddenly smiled. She was really a decent lady. I tapped her shoulders. "Kilala ako nina mommy at daddy. They know I would never try to do something inappropriate. And..." Hinawi ko muna 'yung buhok niya na bahagyang tumatakip sa mukha niya. "I have my greatest respect for you, Love. If you want, iwan na lang nating nakabukas ang pinto nitong kwarto ko."
She smiled and nodded. She was so innocent. She was so feminine. For me, she was the rightest choice I have ever made.
We entered my room and as what I have told her, I left the door widely open. Naupo kaming dalawa sa kama.
"Sinungitan ka ba ng pamilya ko?" bungad na tanong ko while looking at her beautiful face.
"Hindi ah," nakangiti niyang sagot. "In fact, they're very fond of me."
"Ikaw lang ang unang babaeng ipinakilala ko sa kanila," I proudly told Maine.
Napatitig siya sa mga mata ko at napangiti. Magkatabi lang kami kaya medyo natakot ako na marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Ito ba 'yung nagagawa ng pag-ibig sa tao? I'm a man. I supposed to be hard and emotionless. But I couldn't. Because of her.
"Thank you," she sweetly said.
Nag-pout ako na parang bata. "Pero nagtatampo ako. Hindi mo 'ko masyadong naka-bonding. Sila lang ang nag-enjoy."
"Eh 'di ngayon tayo mag-bonding," sagot naman niya bago sinundot ang kili-kili ko.
Bigla akong napaigtad. "Love, malakas ang kiliti ko d'yan."
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Talaga?" Itinaas niya ang dalawang kamay niya para kilitiin ako.
Tawa ako nang tawa habang iniilagan ko ang mga kiliti niya. Pagkatapos ang ilang pagsugod ay nahawakan ko rin ang mga kamay niya. Pinilit niya pang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak ko.
"Ako naman!" malakas kong sabi bago ko siya pinagkikiliti gamit ang isang kamay ko habang ang isa ay nakahawak pa rin sa mga kamay niya. "Yah! Yah! Yah!"
"Eeeeeeeh! Ayoko naaaaaa!" tili niya habang nagpupumilit umiwas sa mga attack ko.
"Ano'ng ayaw?" nang-aasar ko pang sabi habang panay ang sundot sa kili-kili at tagiliran niya. "Yaaaaaaaaah!"
"Tama na, Love..."
Hindi ko siya pinakinggan. Kiniliti ko pa rin nang kiniliti si Maine habang siya naman ay tawa nang tawa.
Pero natapos ang pagsasaya namin nang may mapansin akong kakaiba. Unti-unti nang nawawala ang tawa sa mga labi niya. Tumigil agad ako sa pangingiliti. Kinabahan ako nang makita kong lumalalim ang paghinga niya.
"Love?" nag-aalala kong tawag sa kanya bago ko siya binuhat para ilagay sa kandungan ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Nanlamig bigla ang mga 'yon. "Maine!"
Her lips turned violet. Bigla siyang nawalan ng malay. That's when I immediately shouted for help.
"Mom! Dad! Milky!"
urFy/Vcr=_
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)